4: Letting Go

3.9K 90 7
                                        

Ang chapter na to ay may mga mura. Sorry but it's the part of this story. Remember, THIS IS ONLY A FANFICTION. Di to real life.

----

"Alright then. Goodluck." matapos kong sabihin yun ay tinalikuran ko na sila.

Dahil masakit na makitang magkasama na ulit sila. 

Pero di pa ako nakakalayo ay, "Sandali." tinawag niya ako. Kahit ayaw kong huminto..

basta siya ang tumawag, nagagawa ko. 

"Bakit?" I asked without looking back at him. Dahil ayaw kong makita niyang nalulungkot at umiiyak ako nang dahil sa kanya.

"Mag usap muna tayo." tumango ako at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko. "Halika." hinila niya ako papunta sa part na malayo sa kanya.

Umupo kaming dalawa sa damuhan. Magkaharap.

Bakit kahit na nasasaktan ako, patuloy ko pa din siyang minamahal? 

"Anong dapat nating pag usapan?" ngumiti ako, "Malinaw naman na lahat sa akin eh. Wala ka nang dapat pang ipaliwanag." ginilig ko yung mga buhok kong tumatabing sa mukha ko.

Ang hangin naman. 

"About Julia--" oh, my bestfriend. My ever loving bestfriend--who just betrayed me. "Sorry..." 

"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin Daniel."

"Pero nasaktan kita."

"Alam ko." tumango tango ako, "Pero hinanda ko naman na yung sarili ko para dito eh. Alam ko namang kahit anong pigil ko, babalik at babalik pa din siya." ngumiti ulit ako, kahit mahirap. "Pero bakit ganon? Nasasaktan ako?" hindi ko napigilang tumulo yung luha ko. Mabilis ko naman itong pinunasan.

Just seeing him makes my heart breaking into pieces..

"Hindi ko sinasadya..." 

I laughed--a faked one. "Hindi sinasadya?" tumango tango lang ako, "Matanong ko nga, minahal mo ba talaga ako? O nakita mo lang siya sa akin kaya mo ako minahal?" 

Magkaugaling magkaugali kasi kaming dalawa ni Julia. Kaya nga kami magka vibes eh. Pero bago naging kami, niligawan na niya noon si Julia. Matagal niyang niligawan ito. Pero binasted siya ni Julia.

"Hindi mo masagot no?" umiling siya, "Ganito na lang... masaya ka ba?"

"Oo." I saw him smiled, pero agad niyang pinawi ang mga ngiting yon, "Okay lang naman diba?" 

Okay? Ha ha. Ang saya naman! Oo! Okay na okay ako! Tang*na! Ang sakit kaya! Letse!!

"Di mo talaga ako minahal no?"

"Minahal kita."

"Hindi. Baka gutom ka lang nun kaya mo nasabi yun," yumuko ako. "lumipas din kasi agad eh." 

Tumayo na ako. Ayaw ko nang lasapin ang torture moments na ito. Di ko na kaya. 

"San ka pupunta?" ang g*go, nagtanong pa?!

"Uwi na. Antok na ko e." nagkunwari akong humikab, "Ikamusta mo na lang ako sa bestfriend ko. Ge bye." 

His ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon