Chapter 3: You're Dreaming

389 56 0
                                    

I am scared and confused. But there's a mixture of excitement to it. Hindi ko magawang umiyak na lang at matakot. Hindi pa rin ako sigurado kung papaniwalaan ko ang mga ito.

Napatingin ako sa lalaking nasa pintuan. He was the one who threw those blades, I hate his guts, pero nag papasalamat na rin ako sa kanya. Or maybe it was just because we are in a situation where he's the better option than the red headed guy?

Hinihintay ko kung ano ang susunod na gagawin ng lalaking may abong mga mata. Inisip ko na baka mag labas ulit sya ng patalim mula sa bulsa nya. But what he did made me feel even more confused.

Once again, I was dumbfounded. May isang lalaking mukhang halimaw, huminto ang oras, and now, a fire came out of his bare hand?

Dalawa lang talaga ito, it's either I am being pranked or I am dreaming again.

Sinubukan ko'ng kurutin ang sarili ko. Masakit. Ibig sabihin ay gising ako. Totoo ito. Kung ganoon, the only answer left is, I am being pranked.

Tumingin ako sa paligid, trying to find the hidden cameras. Sinubukan ko din panatilihin ang kawalan ng ekspresyon, para hindi ako mag mukhang tanga sa camera.

Sa kalagitnaan ng pag hahanap sa mga camera ay napatutop ako ng bibig nang ibato ng lalaki na nasa pinto sa negrong ang apoy, bago ito tumama sa negro ay naging pormang dagger pa ito.

Unbelievable. At the back of my mind, I was actually shouting the word 'cool'.

This is such a great production. Yes, I got to convince myself, somehow, that this is a prank.

Nawala ang apoy nang tumama sa negrong may kulay pulang buhok. I thought the fire daggers failed. Pero maya-maya pa ay unti-unting nagiging abo ang katawan ng negrong may pulang buhok.

Napanganga ako. The creature literally turned into ashes! How did he do that?

The gray eyed guy uttered something I did not understand. Umilaw ang pendant ng kwintas na suot nya. Nakita ko kung paano nito higupin ang abo ng kalaban.

Hindi pa rin ako nakaka bawi sa pagka gulat at pagka mangha nang harapin ako ni Shawn. Kinailangan ko syang tingalain dahil sa tangkad nya.

"You good?"

Napakurap ako ngunit tumango rin.

"Totoo ba to?"

"No." Napatingin ako sa lalaking nasa pinto. Palapit ito sa amin. "You're dreaming." Itinutok nya sa akin ang isang stick na hindi ko alam kung saan nya hinugot.

Nangunot ang noo ko. Imbis na matakot ay pagtataka ang naramdaman ko. Some blured memories flashed before me. Ang linyang iyon. I've heard it somewhere.

"You're dreaming."

Nanlaki ang mga mata ko. The memories are from my dream a month ago. His face was fresh and became clear in my memory.

So it wasn't actually a dream? The giant? His red eyes? Ang pag tama ko sa pader? They are all real?

Lumipad papunta sa akin ang ball of light. Wala na akong panahon para tumili, o pumikit manlang. I thought I will be blown away for the second time.

Ang pag iisip na isa lamang itong prank ay unti-unti ng natitibag. This guy will hurt me for real. He already did it before.

Pranks shouldn't hurt.

Inihahanda ko na ang sarili ko sa sakit, at sa mangyayari sa akin. Pero laking gulat ko na lang nang humarang si Shawn. He was firmly raising his hand. Tila ba sya ang humarang sa pwersang mag papatalsik dapat sa akin.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon