Chapter 22: Under Attack

264 27 1
                                    

Ang sabi ni Kai ay hintayin ko sya sa kwarto. Susunduin nya ako pagkatapos ay sabay kami'ng mag di-dinner. Kumakalam na ang sikmura ko pero wala pa din sya, hindi ako nag rereklamo. Okupado din ni Belle ang isip ko, hindi ko alam ku'ng makakakain nga ba ako ng matiwasay sa lagay na ito.

Nakasalalay ngayon kay Belle ang kaligtasan ng school at ng mga estudyante'ng narito. But she's too blinded with pain and hatred to even do the right thing.

Napasabunot ako sa buhok ko, frustrated. Kapag dumating na si Kai, sasabihin ko sa kanya ang mga nalaman ko. I'll ask him to bring me to the Principal, too. Para sila naman ang mag take ng action.

Hindi din nag tagal ay dumating si Kai. I was surprised to see him with a few bruises on his face. Gulo-gulo rin ang buhok nya.

"Kai?" Napatayo ako at lumapit sa kanya. He's not wearing our uniform. Instead, he's wearing a black armor with a touch of gold. And it's filled with blood. May pulang kapa sya ngunit punit-punit na rin ang dulo noon. "S-saan ka galing? Bakit may dugo?"

Malamlam na tingin ang ibinigay sa akin ni Kai. He looked so tired as if he's about to collapse any minute now. Nanigas ako nang ipaton nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Kai?" Hinawakan ko pa ang ulo nya para sana itaas ito. But he's too strong, hindi nya hinayaan na maialis ko ang ulo nya sa balikat ko.

"Let's just stay like this for a while." Maging sa boses nya ay bakas ang matinding pagod.

"Kumain ka na?"

"Hindi pa..."

Napalunok ako. Ramdam ko ang mainit na hininga nya sa balat ko. Ilang sandali ako'ng nanahimik, trying to give him some silence to relax. Nakatayo lang ako. Nakikiramdam kay Kai. Pilit pinapakalma ang nag huhuramentado ko'ng puso.

"What happened?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto. Hindi ko kinaya ang curiousity na lumulukob sa akin.

Suminghap si Kai bago tuluyang lumayo sa akin. Nagpamaywang sya sa harapan ko habang tinititigan ako mata sa mata. Even though he's covered with blood, he still looked so dashing. Nakakapanibago'ng makita sya sa ganitong ayos.

"Let's eat first. Alam ko'ng gutom ka na. I'm sorry for making you wait."

Aalma pa sana ako. I want the answers, now. Pero wala na ako'ng nagawa nang hilahin nya ako sa cafeteria. He did not even bother changing his clothes. Puno pa din ng dugo ang kanyang kasuotan nang marating namin ang cafeteria. Akala ko pa ay magugulat ang mga estudyanteng nag hahapunan dahil na din sa hitsura ni Kai. Pero hindi. Ako ang nagulat.

Kagaya ni Kai, ang mga estudyanteng nag lisaw sa cafeteria ay mga naka suot din ng mga kalasag, mostly out of metal, but there are some that's made out of blue-green crystals, too. Ang iba sa kanila ay sugatan, o di kaya'y may talsik lamang ng mga dugo ang kanilang mga kasuotan.

Walang ni-isang nakapansin sa presensya namin ni Kai. Busy ang lahat sa pag kain, pag k-kwentuhan, o di kaya ay panggagamot sa mga may sugat.

I'm confused. What the hell is happening here?

"Kai? Ano ang nangyayari?" I asked.

Hindi nya pinansin ang tanong ko. "Go grab some seats while I order our food."

It was very frustrating. Wala ako'ng nagawa kundi sumunod ng sumunod sa kanya dahil hindi naman nya pinapansin ang mga litanya ko. While searching for empty seats, hindi ko maiwasang mapatigin sa mga estudyante'ng may kanya-kanyang mundo.

Kahit na pakiwari ko'y mayroong nangyaring hindi maganda, hindi ko pa din maiwasang mamangha. With those big crystal chandeliers making the golden walls of the cafeteria sparkle, the armors worn by the students, on the other hand, glaze with shimmer. It looked so magical, yet it gives off this tragic vibe, hindi ko sigurado. Marahil ay dahil na din sa mg sugatan at mga dugo'ng nakakapit sa kani-kanilang mga kalasag. Ang ganda pero ang brutal.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon