Chapter 19: Pretend

224 23 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas mula nang mangyari ang malagim na trahedya. Nabigyan ng pagkakataong mag luksa ang mga namatayan, nabigyan naman ng pagkakataong maka recover mula sa pagkaka trauma ang mga survivors. Ang mga nasugatan ay magagaling na din. Including Beverly. Kaya naman nagamot na rin ng sugat ko.

It was a gloomy day. Pinatawag ang lahat ng estudyante sa auditorium. Ang subject ay patungkol sa nangyari noong isang linggo. Lahat ng estudyante ay nakasuot ng itim na roba. It's a part of their tradition whenever the school is grieving for it's lost.

Tulala si Norily at balisa, kinailangan ko pa syang alalayan sa pag upo nya. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Napakalaki ng auditorium. Ngunit walang kahit anong ingay mula sa mga Átomos ang maririnig. Tahimik ang lahat. Tanging ang mga yapak ng paa at bahagyang pagka gulo ng mga upuan ang maririnig.

Sa harapan naman kung nasaan ang podium at stage, makikita ang principal na kausap si Professor Carrow. Nanlilisik ang mga mata ni Professor Carrow habang ini-eksamina ang paligid.

Naroon din sa harapan ang lahat ng mga Professors. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pigura ng isang Átomos. Si Kai. He was also standing there. And he's not alone. Beverly was there, too. Crisandra, Shawn, and Marco Jose was there as well. Kompleto ang barkada.

I bit my lower lip. Habang tumatagal na nakatitig ako sa kanila, the more I realize how far they are from my reach. Ang layo nila sa akin, at ang pagkakatayo nila doon habang ako ay nakaupo lamang dito ang mas nakakapagpa emphasize ng katotohanan na kailan man ay hindi ako mapapabilang sa grupo kung nasaan si Kai.

They're like these gods and goddesses who are at way too high for me. Their level is unreachable.

"A pleasant morning to all the students of Exousía."

Nang mag simula ng mag salita sa podium ang principal ay nabaling dito ang atensyon ko. What's so pleasant about this morning?

"Today, we gathered you all here to talk about a certain issue regarding the deaths of some of our students." She stood there like a politician, trying to assure her subjects.

Nag paabot ng pakikiramay ang buong faculty and staff. Nag bigay ng speech ang principal patungkol sa school life ng isang estudyante. Friends, classmates, love ones. Pati patungkol sa ibinigay na buhay at ang pag bawi nito sa isang nilalang.

Matamang nakikinig ang mga estudyante. Maliban kay Norily na nakatulala. At sa akin na din. Hindi ko magawang makinig. There's something off. I can feel it, but I just can't pin point it. Iba ang pakiramdam ko.

"We cry. We grieve. But at the end of the day, we should all stand up, let this tragedy be a lesson to us and make this a molder for us to be stronger." Ani ng principal.

Nakita ko'ng isa-isang inilalabas ng mga Professor ang kani-kanilang nga wand. Including Prifessor Carrow. However, I noticed how Professor Faith's expression changed. Tila ba nalulungkot at napipilitan lamang mag labas ng wand.

I can see the tension building up in Kai's group. Lahat mga balisa. Maliban kay Crisandra na naka poker face.

"But since you are just students, teenagers and most likely, will probably not be able to forget, and the scars and fear will remain within your minds and hearts."

Nag simula ng umugong ang bulungan ng mga estudyante.

"The school believe that we should all move on, and just forget about the tragic night. Today, together with the elderly union, our leaders, we have decided to erase your memories."

Ngayon ay nag sisimula ng magsi almahan ang mga estudyante. Ang kaninang tulala na si Norily, ngayon ay nakakunot na rin ang noo, anger is very evident from her face. Tila ba hindi ito natutuwa sa narinig.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon