Chapter 40: Gladly

89 5 2
                                    

Standing in the middle of the alleyway is Kai, mukhang napahinto sa paglalakad dahil sa aming pagdating. Nagulat din kami ng mga kasama ko, kaya napahinto rin kami. It's as if our feets sensed the urge to do so.

I heard the rescue was a success...at pabalik na nga sya. Pero hindi ko inasahang ngayon na kami magkakatagpo.

I was told that it would take them at least two to three days before they get here. So when our eyes met, I feel extremely unprepared. Pakiramdam ko ay na-ambush ako kahit hindi naman.

The intensity of his gaze made my knees weak. Hindi manlang sya nahiya sa lantarang pag suyod ng tingin sa akin, mula ulo hanggang hinliliit sa paa.

Bahagya tuloy ako'ng nahiya. I feel dirty. Madungis ako'ng tingnan dahil sa mga galos na natamo, my hair is very dishelved and my clothes received some damage, too. Mukha ako'ng nirape! Dala ng frustration ay gumanti ako at sinuyod din siya ng tingin. Pakiramdam ko ay na-bless ng todo ang mga mata ko.

He's wearing the camp's uniform with utmost confidence and authority. And I find it unfair. How can he look so dashing just by wearing a simple uniform? Oo  at hindi naman nga ordinaryo ang disenyo ng uniform ng camp, pero kasi, talo pa niya iyong nag model ng uniform kung sa pagdadala ang pag-uusapan.

I also noticed how his hair grew a bit. It's messy, ngunit tingin ko ay bumagay sa kanya iyon. His eyes, for some reason, are now blue. At nang maghanap ako ng posibleng injury sa kanyang katawan ay wala naman akong nakita. He's clean, and overall ten times hotter than before.

I was just a bit disappointed when I saw that he also grew some facial hair as well...hindi naman iyon makapal. It's just that I'm not exactly fond of guys who has beards.

And now he reminds me of his past self. Ganitong-ganito rin ang ayos niya noon, ayon sa mga naipakita sa akin ni Therese. Ang isipin na kagagaling lang niya sa pagsagip kay Beverly, na kamukhang-kamukha ni Malicen,  at ngayon ay babalik siyang ganito ang hitsura ay hindi ko nagugustuhan. It's like he's re-enacting his past self...kahit na hindi naman.

Dala ng bitterness at pagkadisgusto sa mga naiisip ay wala sa sariling naismiran ko si Kai. I saw him flinch, his eyes glittered with sadness. Na guilty tuloy ako. I didn't mean to be mean...pero hindi ko lang talaga mapigilan.

Hindi rin naman nag tagal ang ekspresyo'ng iyon ni Kai. Naging seryoso ito at nanatiling nakatitig lamang sa amin. Para nga'ng namalikmata lang ako nang makitaan siya ng kalungkutan sa mga mata.

"Uy, hi Prinsipe Kai! Akala namin sa makalawa pa kayo makakabalik?" Feeling close na tanong ni Antimony.

"Yeah..." Ngunit naging matipid ang sagot ni Kai. Hindi manlang nagpaliwanag! Gusto ko rin sana na marinig ang dahilan kung bakit ang aga nila, pero ipinagkibit balikat ko na lang. Paano ay nakuha ng paghapdi ng mga sugat ko ang atesyon ko. Napangiwi ako.

"Let's go. She needs to rest." Malamig na sabat ni Claire. "Prince..." Tumango siya kay Kai bilang pagbati at pati na rin bilang paggalang. Kai nodded in respose.

Nagpatuloy ang grupo namin sa paglalakad. Kai walked behind us, sinusundan kami. Hanggang sa nakaupo na ako sa infimary bed ay nakasunod pa rin siya. Tumigil lang nang nasa harapan na ng kabilang kama, nagmamasid. I then realized that he's like...a dog. Sunod ng sunod.

"Sofia, huy! Anong ngini-ngisi ngisi mo riyan? You're supposed to be in pain. Are you, like, nababaliw na?" Si Antimony, pinanlalakihan ako ng mga mata. Gusto ko ang ugali ni Antimony, ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hinihiling ko na sana'y manahimik na lang siya. I feel like my whole face is burning right now. Hindi nya naman kailangang i-pinpoint iyon. Hindi ko namalayang napapangisi na pala ako.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon