Chapter 14: First Day

313 33 0
                                    

"Here are your uniforms. Nandito na rin ang schedule mo."

Kinuha ko agad ang mga iniabot sa akin ni professor Faith. A little bit excited than the usual.

Yes. I'm going to study here. Ang sabi ni Kai ay kailangan ko ito. I don't know how to fully use my gift, therefore I cannot fight Malicen. And also, this is for my safety. Parang disguise ba. Low profile. Kai told me that Malicen probably thinks I'm somewhere in a far more secure place, guarded by the most elite guardians. So this act will somehow make me invisible in Malicen's eyes at least.

Dati ay nababasa at napapanood ko lamang sa mga anime ang ganitong sitwasyon. Iyong mag aaral ang bidang babae sa isang magical school and everything. Now I can't believe this is all happening to me. Para pa rin itong panaginip sa akin kahit na ito ang katotohanan ko.

"Welcome to Exousía Academy!" Professor Faith blurted cheerily.

Nag pasalamat ako bago nag paalam para mag bihis na. The uniform here is pretty cute. Long sleeves for the top, although it's a bit loose, mas nadepina nito ang curves ko. Sa bandang dibdib ko naman ay nakalagay ang logo ng school. Blue mini skirt ang sa pang ibaba. Kalahati lamang ng mga hita ko natatakpan nito, but it's fine since there's a cape included in these sets of uniform. And it's not a big deal for me to show some skin. Hindi naman ako ganoon ka-conservative. Pinili ko'ng ilugay na lamang ang buhok ko dahil iyon ang sa tingin kong bagay sa uniform.

Finally satisfied with everything, lumabas na ako sa silid and immediately made my way to the other building where my class is. Napag alaman ko kahapon na ang building kung nasaan ako ngayon ay ang dorm para sa mga special guests, o iyong mga estudyanteng biglaan ang pag dating mula sa ibang realms. O kaya ang iyong mga estudyanteng kahit kailan lang nila gustong pumasok dahil may mga mabibigat silang tungkulin.

Dito ako inilagay dahil bukod sa biglaan lang ang pag dating ko at mula pa ako sa ibang mundo ay nanandito rin ang kwarto ni Kai. Mas mababantayan daw ako. For all gender naman ang building. Bawal lang mag sama ang babae at lalaki sa iisang kwarto. Maraming kwarto dito kaya hindi iyon problema.

Ang sabi pa ni professor Faith ay kaunti lang daw ang mga estudyante sa building na ito. In fact, sa taong ito ay may labing isa lamang na estudyante ang nandito. Ako lang din ang nanggaling sa ibang mundo. I can't believe how big this building is, pagkatapos ay labing isa lang kaming maninirahan dito?

I'm nervous because it's my first day here as a student. Pero mas nangingibabaw iyong excitement sa akin. I want to share this waves of two different emotions I'm having with Tutah ang kaso ay kabilin-bilinan sa akin ni Kai na wag i-summon si Tutah kapag papunta na ako sa klase.

Hindi ko alam kung ano ang rason, but I chose to abide. And besides, this whirlwind situation I'm currently experiencing is occupying my mind too much already. Nakakasiguro akon may magandang rason si Kai kung bakit nya iyon iniutos. Mas natuon ang pansin ko sa excitement na nararamdaman.

Although it feels a little bit cringy. I'm too old for this. Pero para akong high schooler na napunta sa isang magical world at parang bata na nae-excite kung umasta. I'm already 19 turning 20 next year. Ni-hindi ko nga alam if it's still okay for me to start schooling here. Graduate na sana ako three months ago, at nag tatrabaho na. Ngayon ay parang mag sisimula nanaman ako sa pagiging first year high school.

I heaved a sigh before finally entering the other building. Tila tumatalon ang puso ko sa tuwing may makakasalubong ako na mga estudyante. Kapwa mga nakasoot ng uniporme na katulad ng sa akin. Kakaiba ang pakiramdam. Para bang isinisigaw ng kalooban ko na matagal na itong nangyari sa akin. Na naging sestudyante rin ako ng Gala. Habang nag lalakad ako at inililibot ang paningin, I realized what this feeling is. Nostalgia. And it's very overwhelming.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon