Chapter 28: Execution Of The Weak

391 33 3
                                    

The five days walk was very exhausting. Tingin ko, nagka muscle na nga ang mga binti ko. But it was all worth it when we arrived to our destination. The place was simply magical.

Nasa gitna kami ng kagubatan na matatagpuan sa kaharian ng Nivana.

Maraming puno, mga bulaklak, at iba't-ibang uri ng mga maliliit na nilalang- not bugs, not pests, but fairies and dwarfs. It felt weird to see these creatures, actually, sa mundong kinalakihan ko ay hindi sila normal na makikita mo lang sa kagubatan, ngunit pasasaan ba at masasanay rin ako.

Ayon kay Mj, mga sampung minutong lakaran lang mula sa camp ay may isang malaking falls. He told me he'd take me and Belle there after today's lecture.

Kahit pagod mula sa malayong lakaran, patuloy pa rin ang schedule of activities ng camp. For us new comers, lectures at potion making ang schedule para sa buong isang linggo. Sa susunod na linggo ay combat training. Saka uli babalik sa lectures at potion making. Alternate ang schedule.

They only gave us an hour to rest. Pinili ko'ng sa ilalim ng isang puno magpa hinga, may kalayuan sa nakararami. Gusto ko ng katahimikan.

Muntik pa ako'ng makatulog dahil sa nahanap ko'ng katahimikan. But, just when I was about to fall asleep, mayroong mga fairies na lumapit sa akin. Lumilipad sila at pumaikot sa akin. They were giggling. Hindi ko mapigilang mapangiti na din habang pinag mamasdan sila. Para siguro'ng bata na nakapanood ng magic trick sa circus ang hitsura ko ngayon.

Kuntento na ako'ng pag masdan lang sila, ngunit nagulat ako dahil bigla na lang ako'ng kagatin ng isa sa kanila. Hanggang sa sunod-sunod na sila sa pag kagat sa akin. Hindi naman masakit, dala ng kaliitan nila. I find it creepy, tho. Natakot rin ako. Technically, they're attacking me.

Tumayo ako mula sa pagkaka upo at pilit na pinapagpag paalis ang maliliit na diwata. Ang kaso, kada matatanggal ko sila ay bumabalik lang din sila sa pag kagat sa akin. Hanggang sa huli ay napagod lang ako. Hindi pa din sila natatanggal. Sumuko na ako. Hanggang sa kusa na silang nagsiliparan paalis.

Or so I thought. They must've felt that someone is coming. Dahil bigla na lamang dumating si Professor Carrow at nilapitan ako. So, even those naughty fairies are scared of him, huh?

Naniningkit pa rin ang mga mata ni Professor Carrow. But oddly, he looked a bit concerned, kumpara noon na disgusto lang ang makikita sa mga mata nya.

I guess even though he despises me for whatever reasons he has, I'm still his student. Mag aalala pa din sya para sa akin. Lalo na at sa akin nakasalalay ang kapayapaan ng buong Gala.

"Huwag ka'ng humihiwalay sa mga kasama mo, bliss. Maraming mababangis na nilalang sa paligid. Even the tiniest creature here can be very dangerous. You're lucky those Urban Fairies are only new borns. If those are the fully grown fairies, they can eat you alive within a minute, hanggang sa mga buto mo na lang ang matira dahil sa matatalim nilang ngipin."

Nangilabot ako sa sinabi ng Propesor. Kung ganoon, muntik nanaman pala ako'ng mapahamak, at sinuwerte lang ako.

"I-I'm sorry for being such a burden, Professor."

Come to think of it, palagi akong napapahamak. Masuwerte lang ako sa mga Atómos na nakapalibot sa akin dahil pinoprotektahan nila ako.

"Just hurry and go back to your friends. Malapit na mag simula ang unang klase ninyo dito." Masungit na sabi ng Propesor bago ibinaling ang tingin sa kakahuyan.

Nag pasalamat ako para sa pag sagip nya sa akin mula sa mga fairies bago tahimik na nag lakad paalis, pabalik sa tent kung nasaan ang mga kasama ko.

Pag pasok sa tent ay si Belle lang ang nadatnan ko. She was sitting in her designated bed, at nakabihis na ng uniform ng camp. Iba sa uniporme ng Exousía, ang disenyo ng uniporme ng sa camp ay simpleng kalasag lang na gawa sa matibay na kahoy para sa pang itaas, at ang metal lang ang nag sisilbing linings nito, sa gitna at bandang dibdib naman ay naka lagay ang badge na nag sisilbing logo ng camp. Strechable pants naman ang pang ibaba. All in all, it looked cool.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon