Chapter 31: City of Dreams

417 23 4
                                    

Halos malula ako habang minamasdan ang munting dragon na nasa harapan namin ni Kai ngayon.

Halo-halo ang kulay ng balat nito na tila aksidente lang na natapunan ng pintura. Mayroong pink, yellow, purple, baby blue, baby gree, at pula. Kumikintab ang mga kaliskis nito. It was superb. So unrealistic yet so real.

"Her name is Agate. The spirit who guards the City of Dreams." Bulong sa akin ni Kai. His body was so close to mine that I couldn't turn to look at him. Naramdaman ko iyong init ng hininga nya sa leeg ko. Ngunit hindi sa kaunting distansya ng mga katawan namin natuon ang aking pansin. The spirit bowed it's head. Parang kanina lang, doon sa Rockorous.

I was about to touch it, because it feels like the right thing to do, but Kai stopped me.

"If you touch her you will fall asleep."

"Kung ganoon, dinala mo ako dito para titigan lang sya?" Kunot noong tanong ko.

Nang hilahin ako ni Kai kanina, akala ko malapit lang sa camp ang patutunguhan namin. Nagulat ako na lang ako nang makarating kami sa tuktok ng isang burol. And then he summoned this dragon-like-spirit.

Napapikit ako nang pitikin ni Kai ang noo ko. He's right in front of me now.

"No, silly. We're here to ask for her blessings so we could enter her City."

Haplos-haplos ang noo na binalingan ko'ng muli ang dragon. Nasalubong ko agad ang mga mata nito, at agad akong namangha dahil noon ko lang napansin na sa loob ng mga mata nya, tila naroon ang kalawakan. Everything was balck, but there are tiny dots of light that seemed like the stars.

"Spirit of the City, guardian of the dreamers. Agate, please give us your blessings."

Bumaling ang dragon kay Kai. Pagkatapos ay sa akin. Ilang sandali rin ang lumipas bago ito tumango. I was taken aback when she flew high, up in the sky. Napakabilis. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na lumipad ito patungo sa direksyon namin.

Napasinghap ako nang akala ko ay mahahagip nya kami. Ngunit tumagos lang sya sa amin. Probably out of fright, kaya napayakap ako sa braso ni Kai. Saka ko na lang iyon napag tanto nang hindi ko na makita pa si Agate. Agad naman akong bumitaw.

"I'm sorry..." agad na pag hingi ko ng paumanhin.

"It's okay."

Napapikit na lang ako sa kahihiyan. Nang makalma ko ang aking sarili ay dumilat din naman ako. "N-nasan si Aga..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Instead, I gasped.

"I told you I'd bring you to Earth. But since it's not safe for you to be there, dito na lang."

Hindi ko alam kung anong mga salita ang tamang gamitin para maipaliwanag ang pagkamanghang nararamdaman ko ngayon. Right now, we are still standing on a small hill, ngunit iba na ito sa burol na kinatatayuan namin kanina. The grass turned blue, mayroong ilang nag liliwanag doon, making a path way for us to follow, para makababa.

Kanina, tanda ko na tirik na tirik pa ang araw. But now, the sun is nowhere to be seen. The stars are up, however. Nag sabog sila sa kalangitan, at napakarami nila. It's like seeing the space up close!

"A-ang ganda Kai!"

Mula rin dito sa kinatatayuan namin ay makikita mo ang city. At literal na nakalutang ito.

Nag simulang mag lakad si Kai patungo sa city, kaya sumunod ako.

"Ano naman ang mayroon dito na may kinalaman sa Earth, at dito mo ako dinala?" Wala sa sariling tanong ko habang nag lalakad pa rin. Panay ang pag suyod ko ng tingin sa lugar.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon