Chapter 21: Worth Saving

227 25 4
                                    

Tatlong beses ako'ng napakurap. Hindi malaman kung sasalubungin ko ba ang matatalim na titig na ipinupukol sa akin ni Kai.

He found out that I sneaked in to the dungeon, dala na rin ng pag susumbong ni Professor Carrow sa Principal na nakaabot hanggang kay Kai. Bago pa lamang ako dito pero may three days suspension na agad ako. How cool.

Akala ko ay friendship na kami ni Professor Carrow, but I thought wrong. Naalala ko pa ang mga huling salita nito bago kami mag hiwalay ng landas kanina.

"I'm only telling you these because you can also see Cindy. I gave you the information you need just so you'll keep your mouth shut about Cindy. Don't tell anyone about her, or you will find yourself out of this world. Now, remember that despite of this friendly conversation of ours, this doesn't mean that I'm on your side." Ito ang mga katagang binitawan ng propesor bago kami tuluyang makapasok sa barrier. Akala ko nga ay iyon na ang huling beses na pag kausap nya sa akin. But then again, I thought wrong.

Nang malapit na kami sa office ng pripal ay nag salita nanaman si Professor Carrow.

"I am trying to hit two birds in one stone, Sofia. Not only that you will keep Cindy as a secret, but this might also lead me to the Bliss. And if I find out that you are the Bliss, be ready."

Maalala ko lang ang tono ng pananalita na iyon ni Professor Carrow ay kinikilabutan na ako. He was grinning, and almost skimming. For a moment, nakaramdam ako ng totoong takot.

Akala ko noon ay talagang nakumbinsi na si Professor Carrow na hindi ako ang bliss. Because his curse worked. Pero hindi pala. Pakiwari ko ay may malaking pag dududa pa din ito sa akin kaya nito nasabi iyon.

"Sofia!"

I was spacing out. Nabalik lang ako sa huwisyo nang marinig ang dumadagundong na sigaw ni Kai. Tinatawag ang pangalan ko.

If you could just see him. He was fumming mad!

"S-sorry." Ang tanging nasabi ko.

"I told you it's for the best! How many times do I have to tell you that there's nothing you can do about your friends?!"

Napayuko ako. Nakita ko kung paano lumabas ang mga ugat ni Kai sa leeg nya, screaming with so much anger.

"Palagi mo na lang ipinapahamak ang sarili mo! Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?"

Napakagat ako sa ibabang parte labi ko. Medyo naiiyak na. I have never seen Kai this angry.

"Pero meron pa, Kai! May magagawa pa ako!"

Ayoko sanang sumagot. Pero may sariling buhay ang bibig ko. Nalulungkot ako sa paraan ng pag sigaw sa akin ni Kai.

"S-sabi ni Professor Carrow, isang patak lang ng dugo ng isang Bliss ay mag hihilom na ang damage sa barrier ng school. Kai, just one drop of my blood, and they will let Jang and Jeremy live. Hindi na rin ipapatapon si Norily!"

Frustrated na napasabunot si Kai sa buhok nya.

"Why do you care so much about them? You just met them! Ni-hindi mo pa sila nakakasama ng isang buong araw. Why are you acting like you've known them for a very long period of time?"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Realizing what he've said, alam ko na ang sagot.

"Kasi, Kai. Kung sila nga lang na naging kaibigan ko ng panandalian, hindi ko na mailigtas, paano pa ang buong mundo na ni-hindi alam na nag e-exist ako ngayon?" Pinalis ko ang mga luha ko. "At least, sila Jang, I know they cared for me. Kahit bagong kakilala pa lang nila sa akin. They protected me when we were being attacked by those clowns."

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon