Chapter 25: Endure

320 28 8
                                    

It all made sense now. All his sweet gestures, ang pag aalaga, ang galit nya sa akin sa tuwing sinusuway ko sya at napapahamak ako- which I find sweet in its own way. Lahat iyon ay may dahilan.

He needs me. For her.

Lahat iyon, kung iisipin ay wala talagang malisya kung babalikan. All his acts are like, what only a concern person would do.

But because I am a woman, na madaling mahulog, at madaling ma-attract sa isang lalaki'ng may perpektong anyo, naging asyumera ako. I thought he has a thing for me, too.

Noong una pa lang kaming nag kita, lahat ng mga titig nya, akala ko ay titig ng isang taong nananabik sa kanyang napupusuan, pero ngayong inaalala ko, napapag tanto ko'ng titig iyon ng isang taong kyuryoso lang, nanunuri.

Lahat. Lahat ng mga sweet na bagay na nagawa ni Kai sa paningin ko, unti-unting nag bago. Tila ako nagising sa katotohanan. Natigil sa pag de-day dream at namulat sa reyalidad. Nakakapanuyo ng lalamunan.

Am I being used? But no. With or without him, I am still Beverly's life source.

Kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ko makita na ginamit lang ako. Una't-una sa lahat, ako lang ang umasa. Sinabi na din nya noong una pa, that he is not my prince. He did not took care of me because he likes me. But for chivalry.

I bit my lower lip out of frustration. Ang galing nga. Kahit anong nilalang ka pala talaga, tao man o atómos, basta isa kang living thing, hindi ka ligtas sa ganitong sitwasyon. Iyong malalagyan mo ng malisya yung kilos ng isang tao kahit hindi naman dapat. Bakit? Dahil iyon ang gusto mo'ng mangyari. In other terms, pag i-ilusyon. Just so you could satisfy yourself and feed your dropping confidence.

"Ano'ng pinag usapan nyo ng President? You've been spacing out alot since when we left the dorm."

Napakurap ako nang kausapin ako ni Kai. Finally coming back to my senses.

Nang balingan ko ito ay napaiwas rin agad ako ng tingin. I don't think I can handle a direct eye contact with him, at least not now.

Kanina ay tuloy-tuloy na nag lakad palabas ng kwarto si Ey. Nilagpasan at hindi pinansin si Kai. Nag tanong tuloy ang huli kung ano ang pinag usapan namin, and I wans't able to answer. I'm still shocked and confused kung maniniwala ba ako kay Ey.

Tahimik lang ako'ng sumama kay Kai nang ayain na nya ako papuntang infirmary para mapasadahan ako ng panggagamot ni Beverly.

Ngayon ay nabasag na nga ang katahimikan at tinatanong ulit ako ni Kai. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Wala naman...tungkol lang kay Belle. They're friends. Tinanong lang nya ako kung nasaan si Belle at kung ayos ito." Pag sisinungaling ko. It wouldn't be such a wise idea to tell him the truth. Malalaman lang nya na may gusto ako sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Kai. Binigyan pa nya ako ng nagdududang mga tingin.

He's not buying it. I need to look more convincing.

"Totoo." Ang kaso ay nag mukha ako'ng masyadong defensive dala na din ng tono ng pagkakabigkas ko. Bigla tuloy ako'ng nainis sa sarili, pati na din kay Kai dahil sa curiosity'ng taglay nya.

"Why would you space out if that's the case? Belle was in good condition the last time you saw her."

Napairap ako sa frustration. Nahihirapan na kasi ako mag isip ng palusot. "Naisip ko lang kung pano silang naging magkaibigan ni Belle. I have known Belle for five years. Hindi ko lang maisip na may buhay din sya dito."

Although a bit hesistant if he'll believe me or not, hindi na din sya nag usisa pa. Mukhang napaniwala ko din sya.

Nang makarating kami sa bungad ng infirmary ay sinalubong agad kami ng ingay ng mga estudyanteng naroon. Mayroong nag rereklamo sa mga sugat nila, mayroong nag pa-panic at histerikal na dahil sa pinsalang natamo, ngunit mas nangibabaw sa pandinig ko ang mga nag uusap patungkol sa kakaibang nangyayari sa barrier.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon