Chapter 41: A Kiss That Doesn't Kill

101 6 2
                                    

Hindi ko na alam kung ilang oras ang itinagal namin doon. I was crying and he was hugging me the whole time. Tahimik lang kami and it was fine, I think. We were both feeling the moment.

Dala yata ng masyadong pagod at pag-iyak kaya nakatulog ako. Nang maramdaman ang mga brasong nag-aangat sa akin ay saka lang ako naalimpungatan. Kai lifted my like I'm some weightless feather. His arms feel so comfortable, imbis na sawayin sya ay ibinaon ko pa ang mukha ko sa kanyang dibdib, nagkukunwaring natutulog kahit gising na gising naman ang diwa.

I wish we could stay in this moment forever. Me in his arms with the stars above shining upon us. The wind isn't too gentle, but isn't too harsh either as it brushes our skin, just enough for us to appreciate the heat of our bodies glued to each other...

I could give everything...everything, just for time to stop right now.

Pero katulad ng palagi, I couldn't get what I want. Ilang hakbang na lang ang layo mula infirmary nang inutusan ko siyang ibaba na ako. I want to us to talk first before we part our ways.

I shivered when my bare foot touched the cold aspalth. Napatingin tuloy ako doon. Tingin ko ay madaling araw na dahil mas malamig na ngayon kaysa kanina. Wala na ring ingay na maririnig mula sa arena. I think he let me sleep in his arms for hours before taking me here.

Nang bumaling ako sa kanya ay napansin ko'ng nakatitig din siya sa mga paa ko. Parang ngayon lang nya napansin na wala pala ako'ng sapin sa paa.

"You're not wearing any slippers." he pointed out, kunot ang noo.

"Yeah..."

Nagtaka ako nang umabante sya papunta sa akin, akma pa'ng bubuhatin nanaman ako'ng muli kung hindi lang ako nakaatras.

"What are you...doing?" Tanong ko, a bit surprised.

"Nalalamigan ang mga paa mo. I'll carry you inside." Ani Kai sa napakaseryosong tono.

Napangiti ako. He's back at being his old self again. Iyong matigas ngunit sweet niyang character ay nag balik na, at nagugustuhan ko talaga iyon.

Umiling ako. "Huwag na, Kai. I can handle myself. Malapit naman na ang infirmary. Ikaw ang bumalik at magpahinga na."

Tinitigan niya muna ako, bakas sa mga mata ang hindi pag sang-ayon. Tila gusto pang mag salita pero piniling huwag na lang.

Natatawa tuloy na umabante ako patungo sa kanya. I kissed him on his left cheek, pagkatapos ay umatras muli para makita ang kanyang mapupungay na mga mata.

"Goodnight...we'll see each other tomorrow. Kaya, umalis ka na. Papasok ako kapag nakaalis ka na." Ako.

He's now intently looking at my lips...I know he wants to, but...we can't. I suddenly wondered if there will come a time where we can share a real kiss?

I can't kiss him on the lips...but I can on his cheeks and maybe...on other parts of his body, too. We just have to avoid the lips. Ultimately, we can find a way if we really want to. Pero bakit ko ba ito iniisip?

Oh my, am I sexually frustrated now?! Pinamulahan ako sa mga naisip.

"I'll leave once you're inside. Nalalamigan ang mga paa mo." Matigas na sabi ni Kai, nakatitig nanaman sa mga paa ko. It's a good thing he's not looking at my face. Ramdam ko pa rin ang pamumula nito!

"Okay..." wala sa sarili ako'ng tumango at tumalikod para hindi na niya talaga makita ang pamumula ko. Hindi ko na rin gusto makipag argumento pa sa takot na abutin na kami ng umaga kapag ipinagpatuloy ito.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon