Chapter 20: Cindy Magno

223 22 0
                                    

Alam ko na hindi na ako ang may kasalanan sa nangyaring pag atake ng mga Clown sa party. Hindi na rin ako ang rason kung bakit nagkakaganito sina Norily.

Pero may parte sa akin na gusto talaga silang tulungan. This is so unlike me. But killing someone who was once been killed and throwing someone out of the Kingdom just because she chose to save her only family, that's just so inhumane. Ni-wala ngang ginawang mali sina Jang at Jeremy!

Sabado. Walang pasok. Nag kulong lamang ako sa kwarto. Nang mag lunch ay saka lamang ako lumabas. Hindi para kumain kundi para pumuslit sa detention center kung nasaan sina Jang at Jeremy.

Hindi ko sila itatakas. Hindi pa. Dahil wala pang konkretong plano, at isa pa, kailangan ko munang ikondisyon si Norily. She's been spacing out since yesterday up until now.

Gusto ko lang makita sila Jang. Kung ayos lang ba sila o pinapahirapan. Hinihiling ko na sana ay iyong pang una ang nasusunod.

Marami na ang estudyante sa hallway. Napaka normal ng lahat kung titingnan. Mga nakangiti at nagkakalokohan. Tuluyan ng nakalimutan ang nangyari kahapon. Wala ng naaalala tungkol sa nangyaring pag atake ng nga clown. At wala ng naaalala tungkol sa mga estudyanteng namatay. Napangiti ako ng mapait.

When I die, I want to be remembered.

It's sad when people don't remember you even if you're still alive. It's depressing if they still don't remember you when you have already died.

Isa na din siguro ito sa mga dahilan kung bakit gusto ko'ng tumulong kina Norily. This is my way of rebelling. Dahil sa ginawa ng mga leader sa mga estudyante pati na din sa mga namatay. The students doesn't deserve it.

Sinasabi nila na may nagawang kasalanan si Norily, dapat maparusahan para di tularan. Dapat patayin sina Jang at Jeremy para hindi ang karamihan ang mapatay. May mag sasakripisyo para sa nakararami.

Pero dahil ako iyong tipo ng bliss na baluktot palagi ang paniniwala, naniniwala akong walang kasalanan si Norily at walang kailangang mag sakripisyo ng buhay para lang sa nakararami. May iba pang solusyon.

"Tutah, sigurado ka ba sa dinadaanan natin?" Nangunot na ang noo ko. Sinusundan ko si Tutah dahil dadalhin nya ako sa dungeon kung nasaan ang mga kaibigan ko. Ngunit pamilyar sa akin ang dinadaanan namin ngayon. Ito iyong dinaanan ko hanggang sa makarating ako sa hangganan ng barrier ng school kung saan muntik na akong atakihin ng mga estatwang anghel. "Malapit na tayo sa hangganan ng school, ah?" Dugtong ko pa.

Napahinto na ako nang makalagpas na ng tuluyan si Tutah sa mismong barrier!

"Tutah! Bumalik ka dito!"

Tamad na tamand nya akong binalingan at tinaasan ng invisible nyang kilay.

"Dito talaga sila nakakulong. Dito ang daan para makapunta sa dungeon. Huwag kang mag alala, Sofia. Kung may halimaw na dumating, mabilis akong tumakbo." Binigyan nya ako ng isang ngiting aso na ikinainis ko. Oo, mabilis sya tumakbo. But what about me?

Nang mapalayo na sya sa akin ay wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod. Ginusto ko ito, dapat panindigan. Hindi din ganoon kahaba ang oras ko. Mayroon na lamang akong apat na pung minuto bago matapos ang lunch at dapat ay nakabalik na rin ako sa dorm sa mga oras na iyon.

Sobra ang kaba ko habang nag lalakad. Puro puno na ang paligid at tingin ko, ano mang oras ay may lalabas na doo'ng mga estatwang anghel. Kinakabahan rin ako na baka may guwardiya dito or something. At pag nahuli ako ay ipatapon na rin ako sa kabila.

"Bilisan mo, Sofia." Reklamo ni Tutah.

Pinilit ko namang bilisan. Hanggang sa pinag tago ako ni Tutah sa likod ng isang puno. Akala ko'y may kalaban, iyon pala, pinag tago lang nya ako para hindi makita ng mga bantay.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon