Chapter 2: Freezed In Time

469 53 2
                                    

"Tutah, come here."

I admit, I'm not good at giving names. Wala akong maisip. Kaya iyon na lang ang ipinangalan ko sa tutang ipinagkaloob sa akin.

Natuwa ako nang lumapit nga ito. Mag da-dalawang linggo na rin ito sa akin. Nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko kahit papaano.

Alas singko pa lamang ng umaga. Ito ang unang araw ng eskwela at nasisiguro kong wala pang klase. Hindi ko kailangan gumising ng maaga, pero hindi ako nakatulog ng maayos kaya bumangon na ako.

Kinakabahan ako. I'm not sure if I can handle the sudden change of environment.

I was never really the sociable type. Naka ilang taon rin ako sa school ko bago ako nagkaroon ng totoong mga kaibigan. Kaya ngayon ay kinakabahan ako.

People here might not like me...because I came from te city. Malaki ang pinag kaiba ng mga kultura at paniniwala.

"Wish me luck." Hinagod-hagod ko ang ulo ni Tutah. Napansin ko na gusto nya'ng ginagawa ko ito sa kanya noong isang linggo pa. Pagkatapos sya ilagay sa kanyang basket ay gumayak na ako para sa unang araw ng klase.

Pagkatapos maligo ay nag suot lamang ako ng manipis na roba bago nag luto ng pagkain. Naalala ko tuloy iyong adobo na menudo ni auntie Minerva. Ang alam ko talaga ay hindi ko nagustuhan ang lasa niyon. Ngunit pag gising ko kinaumagahan ay simot na simot naman ang kawali. Nang mapadako sa salamin ang mga mata ko ay napansin ko na may bahid ng sauce ng adobo'ng menudo ang bibig ko.

Nag sleep eating nanaman yata ako. Mahirap man paniwalaan pero gawain ko na iyon bata pa lang ako. Si papa pa ang unang nag sabi sa akin na kumakain ako ng tulog noon. Sana lang ay hindi ako mag LBM sa unang araw ng klase.

Matapos kumain ay nag tungo na ako sa kwarto. Nasa kalagitnaan ako ng pag bibihis nang biglang bumukas ang pinto. Agad nitong naagaw ang atensyon ko.

There, I saw a boy. His lips slightly parted with his gray eyes piercing through me...what an oddly familiar pair of eyes.

Tila nabato ako sa kinatatayuan ko. But I was able to regain my composture back after some moments of silence, and my instict started to kick in.

"Get out! Get out!" Pinag babato ko sya ng kung ano na lang ang madampot ko. Isinuot ko din muli ang roba na tinanggal ko kanina. I was screaming really hard.

I'm not scared. I know I can defend myself. Ngunit pakiramdam ko ay napapahiya ako. Sinong hindi kung bigla ka na lang pasukin ng kung sino sa bahay mo? Habang nag bibihis ka?

Kinuha ko ang pepper spray na nakita ko sa loob ng drawer ng study table. Hindi ko alam kung may laman pa ito. Maalikabok na ito at mukhang kinakalawang na. But hey, pepper spays are still pepper sprays. Nakakabulag. Bagay sa mambobosong ito!

"Paano ka nakapasok dito? May pepper spray ako. So, stay away!" Gigil na sigaw ko nang hindi pa rin ito umalis.

I guess he's not here to steal. Kasi, kung magnanakaw ito at nahuli na ng may bahay, he would have fled. Pero nakatayo pa rin ito ngayon, dodging all the things I threw.

Maybe he's a rapist? Well, wala syang mapapala sa akin! I will die first before he succeeds.

Narinig ko ang pag mumura nito. "Damn this. I can't believe this is happening again!" Bulong nya but enough for me to hear. So this is not the first time na nanloob sya ng bahay at nahuli ng may ari? What an asshole.

Matalim ang titig na ibinigay nya. Nangatog ang mga binti ko. Napansin ko ang kagwapuhan nya. Pakiwari ko ay kung ibang babae lang ang nasa kalagayan ko ngayon ay sila pa mismo ang mag kukusang magpa-rape dito. He's drop dead gorgeous.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon