Chapter 11: Anything is Fine

263 41 1
                                    

Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko habang pinag mamasdan ang tanawin sa labas. Nakasakay na kami sa karwahe. Sa wakas, napahinga rin ako sa pag sakay sa kabayo. I've had enough for today.

Ngayon ay patungo na kami sa kabilang kaharian ng Tousía. Nandoon iyong Exousía na sinasabi ni Niña, isang tagong school pero ligtas naman, daw. Napag alaman ko ding bestfriend pala ni Crisandra iyong Beverly. I just hope she doesn't hate me as much as her bestfriend does.

Isa pa pala. Ang lalaking nag a-ala Sia sa pag cha-chandelier kanina ay walang iba kung hindi ang kuya ni Kai. The King! I definitely did not see that coming. Who would've thought na may pagka childish pala ang kuya ng isang napaka seryosong Kai?

I have always imagined his brother to be more worse than him. I heaved a sigh. Well, I guess I should always expect the unexpected when I'm in this world.

Kahit paano, kanina ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko. Bahagya akong napatawa. Ang kaso ay nawala rin agad iyon. Iyon na yata talaga ang epekto ng aplístia. Mabilis akong mawalan ng gana.

Bumibirit ang hari nang dumating si Kai. Nang mapatingin ang hari sa ibaba nya ay nakita nya si Kai. At ako. Nakita ko kung paano rumehistro ang gulat sa mukha nya bago mabilis na lumipad papalayo.

When I asked Kai who that guy was, he casually told me "my brother. The king."

And the rest is history.

Ihinilig ko ang ulo ko sa bintana ng karwahe. Madilim nanaman ang kalangitan. Kitang-kita ang napakalaking buwan, nag sabog ang mga bituin at planeta sa kalangitang tila napaka baba. Siguro kung nasa mas maayos na sitwasyon ako at kung hindi ganoon karami ang mga isipin ko, baka sobrang namamanha ako ngayon. Ang kaso ay hindi.

I actually find the moon this big, very creepy. Pakiramdam ko ano mang oras ay lalabas na ang mga tikbalang, mananaggal, maligno, at kung ano-ano pa.

Naalala ko noong nasa human world pa ako, medyo lumaki lamang iyong buwan, o kaya ay dilaw na dilaw at bilog na bilog, maaga akong natutulog dahil sa takot. Lalo na noong naging pula ito ilang buwan na ang nakakaraan. Ngayon ay nakakakita ako ng buwan na halos kalahati na lang sa sobrang laki nito.

Hindi ko maiwasang malungkot. Naiiyak nanaman ako. Niña said this is one of the symptoms of aplístia. Nawawala ang excitement. Lumulungkot ang lahat. Nagiging emotional. Kaya ayaw nya sana munang sabihin sa akin ang mga bagay na sinabi nya kanina. Dahil makakadagdag ito sa kondisyon ko.

Maya-maya pa ay nararamdaman ko nanaman ang pag tulo ng luha ko. May halo pang takot.

"Sofia."

Nasa tabi ko si Kai. I heard him. Pero wala puso ko ang pansinin sya. I just want to let it all out. Ayoko muna ng may makausap.

Naiinis na rin ako sa sarili ko. Nagiging bipolar na ba ako? Noong una ay naiinis ako kay Kai. Tapos ay naawa ako dahil sa pag susuka nya ng dugo. At ngayon ay masungit nanaman ako dahil nalilito pa rin ako.

Napatigil na lang ako humawak sa mga balikat ko. Ihinarap ako ni Kai sa kanya, and to my surprise, he kissed me...

"You will not die. I promise you that."

On my forehead.

Gulat ngayon na nakatitig lamang ako kay Kai. Nawala bigla ang iyong sari't-saring emosyon na nararamdaman ko kanina. Napalitan ng hiya at pag bilis ng tibok ng puso. I know he's just trying to give me assurance...but still, he doesn't have to go this far. This is just way too sweet of him. Nakakatakot na baka umasa ako.

Sa nakaraang tatlong taon, naranasan ko ang umasa. Naranasan ko iyong normal na college life kahit paano. Umasa sa paasang lalaki, specifically sa kaklase ko noong third year kami ni Candy, nahulog, walang sumalo, at nasaktan. Nakadagdag iyon sa depression ko. Mabuti na lamang at nakilala ko si Louie. Sa kondisyon ko ngayon, hindi ko na kakayanin pang umasa.

The Living BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon