Chapter 13: Realization

13.5K 218 6
                                    

~ • ~

"Sorry, Topher." sambit ni James habang mahigpit na nakayakap sa akin.

Noong una ay nakababa pa ang dalawa kong kamay dahil nabigla na naman ako.

"H-ha?" hindi kasi ako makapaniwala at hindi ko rin alam kung para saan ang sorry na iyon sa dami ng kasalanan niya sa akin.

"Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung naging gago ako. Sorry kung hindi kita natanggap agad." sabi nito habang nakasubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib.

Alam kong sincere siya sa mga sinabi niya. Ramdam ko. Dahil dinig ko ang tibok ng puso nito na katulad ng pagtibok ng sa akin.

Lab dab lab dab

Nanatili akong tahimik. Hindi ko inaasahang mangyayari ito ngayon. Akala ko sa panaginip lang ito mangyayari.

"Tanggap naman talaga kita noong una pa lang at alam ko na rin kung ano ka noong una pa lang dahil hindi naman talaga ako basta basta nalalasing hindi tulad nina Van at Luigi. Pero ang hindi ko matanggap ay kung bakit parang iba 'yung nararamdaman ko para sa'yo." pagapapaliwanag nito. "Okay lang sana kung bilang kaibigan. Pero hindi eh. Higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa'yo. At hindi ko iyon matanggap. Hindi ko matanggap na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Na nagkagusto ako sa'yo, Topher. Ngayon lang nangyari sa akin ito."

Kumalas na siya sa yakap at saka tumingin sa akin. Mata sa mata ang tinginan namin na parang may isang linya na nagkokonekta dito.

"H-ha?" hindi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko kaya parang nawala ang dila ko para makapagsalita. Kasabay noon ay ang pagwawala ng puso ko. Tang ina. Totoo ba itong naririnig ko?

"Hindi ko alam kung ano meron sa'yo. Dati naman, sa babae lang talaga ako nalilibugan. Pero tang ina, Topher. Hindi ko alam kung bakit pati sa'yo nalibugan din ako. Kaya nga nagawa ko sa'yo yung nangyari sa atin eh. Nagsinungaling ako nung sinabi ko sa'yong lasing lang ako." seryosong dagdag pa ni James.

Nakatanga lang ako sa kanya. Nakatitig lang sa bawat pagbigkas ng bibig niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Putang ina. Ganito pala ang nararamdaman niya. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. 'Yung mga pag-iwas niya. 'Yung galit niya. 'Yung bigla nalang siyang may pake sa akin. 'Yung bigla nalang niya ako papakiligin tapos magagalit ulit. Parehas pala kami ng nararamdaman. 'Yun nga lang, hindi niya matanggap. Pero ako, tanggap na tanggap ko.

"B-bakit n-ngayon mo lang s-sinasabi sa akin ito?" mautal kong saad. Nakatitig pa rin kami sa mata ng isa't isa. Wala kaming pakialam sa paligid.

"Kasi kagabi ko lang narealize na hindi dapat kita iniwasan. Dapat pala kitang ipaglaban. Dahil hindi lang kita basta gusto. M-mahal na yata kita, Topher."

Mahal?

Lab dab lab dab

Nagwawala na talaga 'tong putanginang puso ko. Parang gusto na kumawala sa dibdib ko.

"S-seryoso ka ba, J-james?"

"Oo, seryoso ako, Topher. At ayaw na kitang mawala pa sa'kin."

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Tang ina. Sino ba namang bakla ang maniniwala agad sa sinasabi nito? Tang ina, totoo ba ito?

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon