Chapter 16: The Threat

11.5K 197 4
                                        

~ • ~

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Nakatuon lang kasi kay James ang atensyon ko. Kaya pala tumigil na ito sa paglalakad. Nasaktuhan naman na nasa bukana ng bahay si Kuya Joseph nang matagpuan niya kami ni James habang nakayakap ako dito at si James naman ay nakahalik sa aking noo.

"S'ya sige, ngayon kayo magpaliwanag!" ani Kuya Joseph na magkasalubong pa rin ang dalawang kilay sa harapan namin habang nakaupo kami sa couch ng aming sala.

Nang mahuli niya kami ni James sa labas ay magpapaliwanag na sana ako pero nahinto ako nang hilahin ako ni Kuya Joseph papasok sa loob. Agad ko namang nahablot ang kamay ni James kaya nakasama ito. Kaya heto, nakaupo kami ni James at tila isang kriminal na inuusisa ni Kuya Joseph.

"Ah- K-kuya, kasi..." napatigil ako sa pagsasalita nang bulgarang hinawakan ni James ang kamay ko sa harap ni Kuya Joseph. Napatingin naman agad ako sa kanya sa pagkakabigla.

Gago ba siya?! Gusto niya ba mabugbog kami ni Kuya Joseph?! Tang ina! Patay kami nito!

Hindi ito tumingin sa akin bagkus ay kay Kuya Joseph ito nakatuon. "Kuya Joseph, mahal ko si Topher." direktang sambit ni James.

Putang ina!

Oo, nakakakilig pero tang ina naman, James! Ingatan mo naman sarili mo! Kakabugbog pa lang sa'yo, mabubugbog ka na naman niyan eh!

Napalunok na lang ako sa sinambit ni James. Alam kong ramdam niya ang kaba ko dahil hindi ako mapakali. Kaya naman hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko na naging senyales para makampante ako.

"Mahal?! Tang ina, pare! Bakla ka?!" gulat pero nakakasindak na singhal ni Kuya Joseph.

"Hindi na mahalaga kung bakla ako o hindi. Basta ang alam ko, mahal ko si Topher." tugon ni James na punong puno ng sinseridad. Tang ina. Bilib din talaga ako sa tapang ni James. Ni hindi ko man lang siya nakikitaan ng takot sa kabila ng inaasta ni Kuya Joseph. Siguro kung ako lang ay titiklop na agad ako sa angas ng tito ko.

Tumaas lang ang isang kilay ni Kuya Joseph at saka tumango tango nang marinig ang sinabi ni James. Pagkatapos ay bumaling ito sa akin. "Topher, mag-usap tayo." mariin na sambit nito. "At ikaw!" tinuro niya si James. "Umalis ka na dito!"

Napatingin naman ako kay James. Tingin na nagsasabing 'Huwag mo akong iwan, James. Baka kung ano pang gawin sa akin ng tito ko'. Tila nabasa naman ni James ang reaksyon ko dahil mas hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay at tumayo ito. Dahil hawak niya ang kamay ko ay napatayo na rin ako.

"Kuya Joseph, alam kong nagulat ka. Alam kong hindi mo ito inaasahan. Pero dito kami masaya. Ito ang nakakapagpagaan sa kalooban namin. Siya ang bumubuo sa pagkatao ko. Kaya sana naman, Kuya Joseph, hayaan mo naman kami maging malaya sa kung ano ang gusto namin." pagtatanggol ni James habang hawak nang mahigpit ang aking kamay. Sa unang pagkakataon, doon ko pa lang naramdaman ang panginginig ng kanyang kamay. Kinakabahan siya. Pero alam kong pilit niya iyong nilalabanan para maipagtanggol ang namamagitan sa aming dalawa.

"Tang ina! Bingi ka ba, ha?! Ano ba sa UMALIS KA NA DITO, ang hindi mo maintindihan?!" nanggagalaiting sigaw ni Kuya Joseph sabay hinablot ako nito mula kay James.

Napabitaw na tuloy ako sa kamay ni James. Hindi pa bale ito bumibitaw pero binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing pakawalan na ang kamay ko kaya binitawan na rin niya iyon.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon