~ • ~
Humahangos kaming nakarating ni James sa tapat ng bahay namin. Alam niya ang papunta rito dahil madalas silang bumisita dito dati.
Nakatigil na kami at naghahabol ng hininga pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni James. Dahil dito ay tiningnan niya ako nang masama.
"Ay sorry!" sabay bitaw ko sa kamay niya. Napahawak ako sa tuhod ko at biglang napahawak sa tiyan ko. Medyo masakit pa rin ito.
"Sa susunod kasi, tumakbo ka agad! Nakita mo nang ang dami nila diba?! Bakit tumigil ka pa doon?!" sermon sa akin ni James pero hinihingal pa rin ito.
"Ah.. k-kasi..." hindi ko alam ang isasagot ko kasi sa totoo lang, hindi ko na iniisip yung mga siga kanina. 'Yung biglang pagdating ni James at paghahawak ng kamay naming dalawa ang nasa isip ko.
"Tangina! Sige, bakit?! Dahil gusto mo ring magpatira sa mga 'yon?!" sigaw nito sa akin. Magkaigting ang panga nito dahil sa sobrang galit.
Shit!
Naaalala niya nga 'yung nangyari sa aming dalawa. At base sa kinikilos niya ngayon, sa tingin ko ay hindi niya iyon nagustuhan at siguradong nadala lamang siya ng libog at ng alak na ininom namin noon.
Natahimik ako sa sinabi niya at kasabay noon ay ang pagbigat ng pakiramdam ko. "G-gago ka ba?! B-bakit naman ako m-magpapatira sa k-kanila?" nanginginig ang boses ko sa pagsigaw ko sa kanya. Hindi ko rin naramdaman na tumutulo na pala ang luha ko.
Hindi ito sumagot at napasinghal lamang. Samantalang ako ay nakatitig lang sa kanya habang tumutulo ang mainit na likido mula sa aking mata, punong-puno ng kalungkutan.
"Bakit? Porket ganito ako, kahit sinong lalaki na lang magpapagalaw na ako?!" pagtatanggol ko sa akong sarili. "Alam mo, James, kung hindi mo ako tanggap, sabihin mo! Ayos lang sa akin. Pero 'wag mo namang babaan ang tingin mo sa akin!" maiyak-iyak ako habang nagsasalita habang siya ay nakatitig lang sa akin at magkasalubong pa rin ang dalawang kilay. "At kung inaalala mo yung nangyari sa atin, hindi naman ako ang nag-udyok na gawin mo sa akin 'yon, ikaw ang nagumpisa! Ikaw!"
Hindi ko na talaga kaya. Inilabas ko na ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang banatan. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang bugbugin. Pero hindi ko iyon kaya. Mga salita lamang ang kaya kong ibato sa kanya.
Unti unti siyang lumapit sa akin hanggang sa isang kamao na lang ang pumapagitan sa aming dalawa. Nilapit niya sa tenga ko ang ulo niya.
"Lasing ako noon. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Kaya't kung umaasa ka na sinadya ko 'yon, tigilan mo na ang pag-asa." may diin sa bawat pagbigkas nito na kahit mahina ay alam kong may galit. Matapos iyon ay dumistansya siya sa akin at saka naglakad palayo.
Masakit.
Masakit ang mga binitawan niyang salita. Hindi ko kinaya kaya napaluhod ako sa kalsada habang umaagos ang luha sa aking mga mata. Pinagmamasdan ko ang paglalakad niya palayo. Nakapamulsa pa ito na tila wala lang sa kanya na nasaktan ako.
Tangina!
Bakit ganito ka sakit?!
Tangina mo, James! Bakit mo ako sinasaktan nang ganito?!
Ang sakit sakit. Bakit kailangang ganito pa ang pag-trato niya sa akin? Sana hindi na lang niya ako niligtas! Sana hinayaan na lang ako mabugbog ng mga sigang 'yon! Sana hinayaan na lang niya ako! Putangina!
Nakatakip ako sa mukha ko at saka humagulhol ng iyak. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin. Nasaktan ako eh.
"Chris?" isang lalaking-lalaking boses ang nadinig ko mula sa aking likuran pero hindi ko iyon nilingon dahil hindi naman ako si Chris.
BINABASA MO ANG
Topher
RomanceTopher, a closeted horny gay, has a long time hidden attraction to James, a guy from his circle of friends. When he couldn't contain his feelings anymore and finally gave in to his friends, things started to get complicated. In his horny coming-out...
