Chapter 27: Apology

8.7K 159 39
                                    

~ • ~

Hindi na ako muling dinalaw pa ng antok nang ako ay magising sa aking napakasamang panaginip. Dahil dito ay pumunta na lang ako sa kwarto para ayusin ang gamit ko at naligo na lang pagkatapos.

"Topher! Si James, nasa labas. Hinahanap ka. Mukhang may problema yata. Mugto ang mata eh." ani Kuya Joseph nang lumabas ako sa banyo.

"H-ha? Si James?!" gulantang na reaksyon ko sabay napatigil sa pagkukuskos ng buhok.

"Oo. Syota mo na ba 'yon?" usisa pa niya.

"A-ah eh kuya, pakisabi namang umalis na siya. Tulog na kamo ako. Ay, sabihin mo na lang pala na wala ako. Basta, sabihin mo, kuya, 'wag na siyang bumalik dito. Ayoko na siyang makita."

"Ha? Bakit mo naman papaalisin? Teka lang, may ginawa bang masama sa'yo 'yung gagong 'yun?" biglang napakuyom ang kamao ng aking tito.

Napayuko na lamang ako. Puta, dama ko na naman ang pagbigat ng puso ko.

"Ako lang ba, Topher?! Hindi ba ikaw nga itong puta na nagpakantot sa kupal na 'yan! 'Wag mong sabihing lasing ka rin kasi alam ko namang ginusto mo 'yun! Nalilibugan ka rin sa kanya 'diba?!"

Naging sariwa ulit sa aking isipan ang sinabi niya. Tang ina! Masakit na nga para sa akin 'yung nalaman kong ginawa niyang kataksilan. Dumagdag pa 'yang sinabi niya na siyang nagpababa lalo sa aking sarili. Oo, may kasalanan din ako at inaamin ko 'yun. Pero hindi naman yata tamang pagsabihan niya ako ng ganoon. Nalibugan ako, oo. Pero hinding hindi ko iyon ginusto!

Naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni Kuya Joseph. Umiiyak na naman pala ako. "Tahan na, Topher. Umakyat ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala sa gagong 'to." seryosong saad nito sa akin.

Sa puntong iyon, alam ko na ang binabalak na gawin ni Kuya Joseph. Idagdag pa ang seryosong mukha nito at pagkuyom ng kanyang mga palad. Dapat ko itong pigilan dahil tiyak na masama ang aabutin ni James. Pero imbis na pigilan ay kumalas na lamang ako sa yakap ni Kuya Joseph at sumunod sa kanyang tinuran- umakyat ako patungo sa aking kwarto.

Agad akong nahiga sa aking kama at itinakip sa mukha ang aking unan. Bahala na si James sa kung ano mang sapitin niya kay Kuya Joseph. Basta ang nasa isip ko lang ay ang sakit na pinaramdam niya sa akin.

"Ahhhhh!" pigil na sigaw ko dulot ng pagkakalapat ng mukha ko sa unan. "Ayoko na! Ang sakit sakit na!"

Humahagulgol lamang ako habang nakahiga sa kama. Sinusubukan kong mag-isip ng masasayang alaala namin ni James para lamang maibsan ng kahit kaunti ang sakit. Noong unang beses na nagkaayos kami at dinala pa niya ako sa treehouse na kinumpuni niya. 'Yung pagniniig namin sa tagong lugar na iyon. 'Yung mga sweet moments namin. 'Yung mga patagong pagsisiping namin. 'Yung pagtatanggol niya sa pagmamahalan namin. Nagbalik-tanaw ako sa lahat ng iyon. Pero hindi iyon naging sapat kasi masakit pa rin. Lalo pa't bumabalik sa aking isipan 'yung paglalandi sa kanya ni Kelly at 'yung pagpatol niya sa haliparot na iyon.

Naputol ang pag-iisip ko nang mag-ring ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay sinagot ko ito.

"Bakit, Van?" parang ngongo ang boses ko dahil sa pagbabara ng ilong ko.

"Ayos ka lang ba?" halata ko ang pag-aalala sa boses nito.

"Gago ka ba? Syempre, hindi!" sabay singhot at humagulhol ako ng iyak.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon