Chapter 37: Trust

6.4K 122 40
                                    

~ • ~

Naghahabol ako ng hininga habang nakahiga sa pagitan nina Van at James. Nararamdaman ko pa rin ang pagkirot ng butas ko at hindi ko pa rin napupunasan ang luha at tamod sa katawan ko dahil sa pagod at panghihina. Ilang oras din kasi nagtagal ang pagniniig naming tatlo.

Nang lumingon ako sa kaliwa ay naroon ang hubo't hubad na si Van. Nakatulog agad ito. Mukhang naubos ang lakas nito mula sa pagsulit ng huling beses niya sa akin at pagkakasaid ng kanyang semilya.

Sa kanan ko naman ay hinila ako ni James papalapit sa kanya para ihiga sa braso niya at niyapos ako. "Kamusta ka?" malambing na usisa nito.

"Masakit pa rin 'yung katawan at 'yung- ano ko." nanghihinang sagot ko habang nakakulong sa kanyang yakap.

"Sorry, Topher." aniya sabay pinunasan ang luha ko sa mukha. "Nabadtrip kasi ako sa kupal na 'yan, eh. Ayokong siya lang ang makakapasok sa'yo." paliwanag niya.

"Gago ka. Nasaktan ako sa ginawa niyo sa'kin." daing ko.

"Sorry talaga, Topher. Ayoko kasi na kinakanya ka ng iba kaya naisip ko na mas mabuting nakapasok rin ako sa'yo habang pinapasok ka niya para malaman niyang sa akin ka." hinalikan ako nito sa noo. "Sorry talaga kung nasaktan kita."

Nagbuntong hininga ako. "Sabagay, ginusto ko rin naman 'yung nangyari para tigilan na tayo ni Van." tumingin ako sa mata nito. "Sorry, James, alam kong napilitan ka lang din naman dito dahil sa akin. Pangako, hindi na 'to mauulit."

"Talagang hindi na mauulit. Kasi pag naulit pa 'to, dalawang titi na naman ang papasok sa'yo kasi hinding hindi ako papayag na may kakantot pa sa'yo, bukod sa akin, 'no." tugon ni James sabay hinigpitan ang yapos sa akin.

Napatawa naman ako nang bahagya. "Hindi rin ako papayag na may iba ka pang kakantutin, bukod sa akin." ganti ko.

Hinalikan ako nito sa ilong. "Pangako, ikaw lang ang kakantutin at mamahalin ko." sabay hinalikan ako sa labi.

Nang maghiwalay ang labi namin ay may bigla akong naisip, "Uhm, James?"

"Mm?"

Huminga ako nang malalim. "P-paano si Kelly?"

Tumingin ito sa mata ko at sinserong nagsalita, "Naging duwag ako, Topher. Hindi kita naipaglaban at hinayaan ko lang na mawala ka sa akin noon. Alam kong ikaw lang ang mahal ko pero nawalan ako ng bayag para ipaglaban 'yon. Pero ngayon, hindi na ako papayag. Hihiwalayan ko na si Kelly. Wala na akong pakialam kung may anak pa ako sa kanya. Basta ang alam ko, hindi ko siya mahal at hinding hindi ko siya papakasalan. Ikaw lang ang papakasalan ko, Topher." hinaplos-haplos nito ang mukha ko.

"Sigurado ka bang kaya mong talikuran ang lahat para sa akin?" sambit ko.

Ngumisi ito. "Ipaglalaban kita, Topher. Wala nang atrasan 'to. Wala na akong pakialam kung ano ang kahahantungan nito o kung anong hirap ang pagdadaanan ko. Pero sigurado akong hinding hindi na kita papakawalan pa. Mahal kita, Topher."

"Mahal din kita, James. Pero sana hindi mo pagsisihan kung ano man ang magiging desisyon mo." tugon ko.

"Hinding hindi ako magsisisi sa pagpili sa'yo dahil mas magsisisi ako kapag pinakawalan na naman kita."

Napangiti na lamang ako sa tinuran niya sabay nagpasaklob sa yakap niya. Sa pwesto kong iyon ay naririnig ko ang bawat pagtibok ng kanyang puso. Kasabay nito ang ritmo ng pagtibok ng sa akin.

Lab dab lab dab lab dab.

Hindi ko mapigilan ang ngumiti habang magkasiping kaming dalawa. Sana nga ay totoo ang lahat ng sinabi niya. Sana ay hindi na kami ulit umabot sa puntong mawawalay sa isa't isa. Handa na akong tanggapin siya nang buong-buo at handa na akong samahan siya sa ipaglalaban naming pagmamahalan.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon