~ • ~
Dama ko ang bigat ng katawan ko nang ako ay magising. Idagdag pa ang sakit ng aking ulo na tila ba pinupukpok. Tang ina! Pangalawang araw na akong gumigising na may hangover.
Kinapa ko ang aking tabi para malaman kung katabi ko pa si Van na siyang nakasiping ko kagabi. Hindi ko na siya nakapa pa roon. Naupo ako sa aking kama para tiyakin kung nasa silid ko pa siya pero wala na siya. Marahil ay umalis na ito.
Sobrang nagsisisi ako sa mga ginawa ko kagabi. Inatake na naman ako ng kalibugan ko. Putang ina naman kasi! Bakit ba kasi si James ang nakita ko kagabi? Kasi ba siya ang nasa isipan ko noon at naapektuhan pa ang paningin ko ng aking kalasingan? Ang gago naman! Kung hindi lang sana siya ang nakita ko, malamang sana wala nang kantutang naganap sa amin ni Van.
"Ugh!" naiiritang singhal ko sabay sinampal ko nang malakas ang aking sarili. "Ang libog mo talaga, Topher! Ugh!" kung pwede lang na bugbugin ko ang sarili ko dahil sa sobrang katangahan ay ginawa ko na.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili at doon ko napagtantong nakabihis na pala ako ng aking damit. Wala nang bahid ng tamod sa aking katawan. Siguro binihisan at nilinisan ako ni Van bago ito umalis. Wala na rin sa aking silid ang mga bote ng alak na ininom ko kahapon. Inimis na rin siguro niya iyon.
Pinilit kong tumayo at doon ko mas naramdaman ang pagsakit ng ulo ko. Naisip ko na baka kailangan ko lang ito ipaligo kaya kinuha ko ang tuwalya ko at nagpasyang maligo na lang. Tutal, hindi rin ako komportable na kahit nilinisan na ako ay pakiramdam ko may natitirang tamod pa rin sa katawan ko.
Tinahak ko na ang hagdan pababa pero hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa hagdan ay may naririnig na akong tawanan. Nakapagtataka kasi kami lang naman ni Kuya Joseph ang nandito sa bahay. Pero nagkibit-balikat na lang ako kasi posibleng bisita niya lang ito. Kaya naman dire-diretso na akong humakbang pababa.
"Oh, gising ka na pala, Topher!" pagbati sa akin ni Kuya Joseph na nakaupo sa aming hapag-kainan.
Babatiin ko na rin sana siya pero pinangunahan ako ng gulat dahil sa nakita kong kasama nito.
"Kain ka na, Topher." paanyaya ni Van.
Putang ina! Akala ko umuwi na si Van. Hindi ko inaasahang maaabutan ko pa siya dito sa bahay at lalo pa na nakikipagtawanan kay Kuya Joseph.
Matapos nung nangyari sa amin kagabi parang gusto ko na ulit siyang layuan. Isang malaking pagkakamali na naman kasi ang nagawa namin at ang masama pa doon ay ako ang nagsimula. Kahit pa idahilan kong si James ang nakita ko habang nagkakantutan kami ay hindi pa rin nito mababago ang pagkakamali namin.
"Anong tinutunga-tunganga mo d'yan? Kumain ka na rito! Pinaghanda ka na ng almusal ni Van. Sigurado akong gutom ka na, mukhang napasabak kagabi eh." saad ni Kuya Joseph sabay ngumisi at nagtaas-baba pa ang dalawang kilay.
"H-ha? A-anong ibig mong sabihin, Kuya?" pagmamaang-maangan ko.
Tumawa ito nang malakas. "Wala! Hindi lang kasi ako pinatulog ng dalawang pusang ungol nang ungol kagabi. Kaninong pusa kayo iyon, ano?" sarkastikong pang-aasar pa nito na halatang kami naman ang pinariringgan dahil narinig siguro niya 'yung mga ungol namin kagabi.
Napatawa na rin si Van. "Hindi ko rin alam, Kuya." sabay hagikhik nilang dalawa.
"Oh siya, may pasok pa ako. Maiwan ko na kayo rito. Mag-ingat kayo ha? Baka mamaya gayahin niyo pa 'yung mga pusa." matawa-tawang sambit nito sabay kinuha ang kanyang gamit.
BINABASA MO ANG
Topher
RomanceTopher, a closeted horny gay, has a long time hidden attraction to James, a guy from his circle of friends. When he couldn't contain his feelings anymore and finally gave in to his friends, things started to get complicated. In his horny coming-out...
