Chapter 19: Horny Professor

13.2K 171 3
                                        

~ • ~

Hindi pa man kami nakakarating ni Maureen sa faculty ay sinalubong na kami ni Sir Pablo.

"Good Morning, Sir." pagbati namin ni Maureen.

"Good Morning." tugon nito kasabay ng kanyang pag-ngiti. Ang gwapong tingnan ni Sir sa ngiti niyang iyon. Nasa early 30s na ito pero napakalakas pa rin ng dating niya. Maputi siya at bakas sa mukha nito ang bagong ahit na balbas at bigote. Maganda rin ang ngipin nito na siyang dahilan ng kanyang killer smile. Halata rin na matipuno ang katawan niya dahil sa hapit nitong asul na polo na halos pumutok na ang mangas dahil sa laki ng braso nito.

Malamang ito ang dahilan kung bakit madali niyang napapasunod ang estudyante niya kapag inuutusan niya ito. Lalo na kung babae o binabae pa ito. Katulad nitong si Maureen na sa tingin ko ay kinikilig kay Sir Pablo.

"Sir, heto na po si Topher." ani Maureen.

"Ah, thank you, Ms. Maureen." namula naman si Maureen sa tugon ng makisig na propesor. Samantalang bumaling ito sa akin. "Topher, halika, sumunod ka sa akin." utos nito saka nagsimulang maglakad.

"Maiwan na kita rito, Mau." pagpapaalam ko. Sakto naman ang pagdating ng dalawang babaeng kasama niya kanina para samahan si Maureen. Bago ako makaalis ay nadinig ko pa ang pigil na pagtili ng mga ito dahil siguro sa kilig kay Sir Pablo.

Patuloy ko lamang na sinundan si Sir hanggang sa makarating kami sa aming lecture room. Binuksan agad nito ang aircon para mawala ang mainit na temperatura ng silid. Habang ako naman ay naupo sa kaunahang armchair na katapat ng professor's desk.

"Sir, bakit niyo po ako pinatawag?" usisa ko kay Sir.

"Na-missed mo 'yung exam ko last meeting. Since I cancelled our class today, ngayon na lang kita bibigyan ng special exam para ibang subjects na lang ang alalahanin niyo for Finals." pagpapaliwanag nito habang nag-aayos ng gamit sa desk.

What the fuck?!

Nagulat ako sa tinuran ni Sir dahil hindi ko akalain na may special exam ako ngayon. Putang ina! Hindi ako handa! Hindi pa ako nagrereview! Tang ina! Idadag pa na mag-isa lang ako mag-eexam kaya wala akong makokopyahan!

"Surprised?" sambit nito nang mapansin niya ang reaksyon ko. "Huwag kang mag-alala, madali lang itong exam ko." sabay ngiti nito.

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil kahit na alam kong madali lang iyon para sa kanya, para sa akin ay mahirap pa rin iyon.

Ilang saglit pa ay iniabot na niya sa akin ang exam paper. "May 1 hour and 30 minutes ka para magsagot. Take your time."

Putang ina! Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung may maisasagot ako! Tang ina mo naman kasi Topher! Puro ka kalibugan, hindi mo man lang iniintindi pag-aaral mo! Hay! Bahala na nga!

Nang makuha ko ang papel ay tinitigan ko lang ito. Putang ina! Fucking shit! First page pa lang ako pero dalawa pa lang ang numbers na alam ko ang sagot. Bakit ba kasi wala akong alam dito?

Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang aking braso. Kahit naka-aircon kami ay pinagpapawisan ako sa hayop na exam na ito.

"Okay ka lang ba?" usisa ni Sir Pablo. Nang tumunghay ako para tingnan siya ay napatanga ako sa angking kagwapuhan nito habang bahagyang nakaupo sa gilid ng desk.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon