~ • ~
Halos tatlong linggo na ang nakalipas buhat ng nangyari ang pag-ganti ng tatlo kong kaibigan kay Sir Pablo. Hindi naman ito nagdulot ng masama sa amin dahil totoo nga na nakakuha kami ng flat-uno sa subject niya. Nagulat nga kami na hindi nakarating sa kung sino man ang ginawa namin sa kanya. Siguro ay agad rin nitong inayos ang sarili nang iwan namin sa silid noong araw na iyon. Parang na-trauma rin ang propesor sa nangyari kaya halos hindi na rin namin nakikita ito.
Natapos na rin ang Finals namin sa semestreng iyon. Maayos naman ang mga markang nakuha namin sa iba pa naming subjects. Kasama ko kasi si James sa pagrereview kaya inspirado akong mag-aral. Samahan pa ng pa-simpleng paglalambingan at pagkakantutan kaya naman talagang ganado kaming dalawang maipasa ang lahat ng subjects namin.
Siya nga pala, nasabi sa akin ni James na hindi pa pala nito nasasabi kina Van at Luigi ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Nalihis daw kasi kay Maureen at Luigi ang topic noon at saka sila biglang nakareceive ng chat mula sa aming group chat na kinancel ni Sir Pablo ang klase, naisip nila ako agad kaya agad rin nila akong hinanap. Sa kasalukuyan, kahit tatlong linggo na ang lumipas, pinili na lang naming itago ang namamagitan sa amin ni James dahil hindi na rin kami makakuha ng tamang timing sa pagtatapat sa kanila.
"Topher, paabot naman ng Piattos!" pakiusap sa akin ni Luigi na nasa katapat kong upuan sa gilid.
Nakasakay kami sa isang bus patungo sa isang sikat na beach resort. Matapos kasi ang paghihirap namin sa aming mga naging pagsusulit ay nararapat lang na makapag-relax naman kami. Deserve naman namin ito dahil sa matataas na markang nakamit namin.
"Oh, heto!" sabay initsa ko ang tsitsirya sa kanya na nanggaling sa isang supot na binili namin sa isang convenience store kanina.
"Salamat, pre!" aniya nang masalo niya iyon.
Sila ni Van ang magkatabi sa pandalawahang upuan at kami naman ni James ang magkatabi sa katapat na upuan nila. Medyo may kaingayan sina Van at Luigi dahil sa pagsa-sight-seeing nila sa bintana ng bus. Salungat naman iyon sa amin ni James dahil naka-earphones ito ngayon at nakikinig sa kung anong music. Hindi naman ako nadismaya dahil alam kong tahimik lang talaga ito sa byahe. Ayaw nito ng masyadong magulo dahil madali itong mahilo. Kaya naman sumandal na lang ako para matulog ng sandali tutal matagal pa naman yata ang byahe namin.
Pero nang pumikit ako ay agad din akong napamulat nang maramdaman ko ang mariin na paghawak sa aking kamay ng aking katabi. "Nababaliw ka na ba?" pabulong kong singhal kay James dahil baka makita iyon nina Van at Luigi na ilang agwat lang ang layo sa amin.
Nag-shh sign lang ito sa akin sabay hinila ang kamay ko at ipinatong sa kanyang bumubukol na shorts. Muli akong napatingin kina Van at Luigi mabuti na lang ay nakatingin pa rin ang dalawa sa labas. Matapos iyon ay binaling ko kay James ang paningin ko at sinamaan siya ng tingin.
"Ano ka ba?! Gusto mo bang mahuli tayo?!" bulong ko rito habang pinipilit bawiin ang kamay ko.
"Hindi tayo mahuhuli." pilyong sagot nito sabay kindat sa akin. Kinuha nito ang kanyang bag at ipinatong sa aking hita. Dahil doon ay dalawang bag na ang kalong ko, ang bag niya at bag ko. Sa ganoong ayos ay parang yapos ko lamang ang dalawang bag at hindi halata ang ginagawa ni James. Hinawi rin nito ang kurtina ng bus at ikinulong niya ang sarili doon para maitago ang sarili sa dalawa naming kaibigan.
"Topher, anong nangyari kay James?" usisa ni Van na napansin pala ang pagkukulong ni James sa kurtina.
"Ah.. nahihilo kasi eh." pagsisinungaling ko. "Hayaan mo, aayos din ang pakiramdam nito."
BINABASA MO ANG
Topher
RomantikTopher, a closeted horny gay, has a long time hidden attraction to James, a guy from his circle of friends. When he couldn't contain his feelings anymore and finally gave in to his friends, things started to get complicated. In his horny coming-out...