Chapter 36: Van & James

8.1K 168 37
                                    

~ • ~

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang basang anyo ni Van. Nakasabit sa kanyang balikat ang saplot nito na pang-itaas dahil siguro nabasa ito sa ulan na bakas sa kanyang mabasa-basang katawan. Mabuti na lamang nakapagbihis agad ako at hindi niya ako nahuling nakahubad.

"Oh, Van! Teka, nasaan si Kuya Joseph?" pagbati ko rito.

Ngumisi ito, "Nagpaiwan sa bahay ng kaibigan niya si Kuya. Baka bukas pa rin daw kasi maayos 'yung kuryente. Bumalik na ako dito kasi alam kong wala kang kasama at alam mo na-" sabay hawak nito sa baywang ko at inilapit ang kanyang katawan sa katawan ko. "Masosolo na kita." dugtong niya sabay kinindatan ako.

Agad ko namang itinulak ang nakadikit na katawan ni Van sa akin. "Mukhang nabasa ka sa ulan. Maligo ka kaya muna? Baka magkasakit ka pa. Ihahanap na lang kita ng damit na pamalit mo sa kwarto ni Kuya Joseph." saad ko na tila hindi narinig ang pang-aakit niya.

"'Wag na, siguradong mababasa rin naman ako sa pawis dahil sa gagawin natin." pagbibiro nito sabay kinurot ang pisngi ng pwet ko.

Nahampas ko tuloy ito sa dibdib. "Tumigil ka nga, Van!" suway ko rito.

"Aray!- Bakit? Nag-promise ka 'di ba?" malambing na pagtatampo nito.

"Oo pero binabawi ko na." masungit na tugon ko sabay tinalikuran siya at umupo sa kama.

Sumunod naman ito at sinuyo ako. "Ha? Bakit naman? Anong problema?"

"Alam mo na naman ang problema ko, Van. Hindi ko na kailangan pang ulitin sa'yo. Hindi na dapat kita pinagbigyan noong simula pa lang kasi alam nating parehas na unfair ito para sa'yo." paliwanag ko rito.

Hinawakan nito ang kamay ko. "Wala na akong pakialam kung unfair kasi ginusto ko naman 'to 'di ba? Sundin na lang natin 'yung nararamdaman natin katulad nung nangyari kanina." tugon nito.

Napahinga ako nang malalim. "Hindi mo naiintindihan, Van. 'Yung nararamdaman ko para sa'yo kanina, 'yun ang nararamdaman ko para kay James... hindi para sa'yo." bumitaw ako sa kamay niya. "Sorry, Van, pero ayoko nang ituloy ito dahil hindi rin naman natin matutulungan ang isa't isa kung gagawin pa natin 'to." paliwanag ko.

Naging seryoso ang mukha ni Van. Natahimik ito nang ilang sandali bago muling nagsalita. "Sorry, Topher, kung naging mapilit ako. Pinairal ko na naman 'yung nararamdaman ko para sa'yo. Pero tama ka nga, hindi na dapat natin ituloy 'to. Naiintindihan na kita. Paano mo nga naman siya makakalimutan kung nakikita mo siya sa akin at kinukunsinte ko pa at pumapayag ako na maging siya para sa'yo." bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.

Tumango ako sa sinabi niya. "At sorry din, Van, kasi alam kong nahihirapan ka rin, katulad ko. Alam kong gusto mo rin lang ako tulungan. Sorry kung napapaasa kita." sabay napayuko ako.

Naramdaman ko na lamang ang pagyakap nito sa akin. "Okay lang. Sadyang umasa lang talaga ako... at syempre aasa pa rin... para sa'yo."

Pinakiramdaman ko lamang ng ilang sandali ang yakap niya bago siya kumalas. "Oh s'ya. Maliligo na muna ako." pilit itong ngumiti sabay tahimik na lumabas sa kwarto.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nakaramdam ng bigat sa puso ko at lungkot nang makita ko ang naging reaksyon ni Van sa mga sinabi ko.

Pagkalabas na pagkalabas ni Van ay siyang paglabas rin ni James mula sa loob ng cabinet ko kung saan siya nagtago. Sa sobrang pagmamadali niya kanina ay brief lamang ang nasuot nito.

"James-"

Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. "May nangyari sa inyo ni Van kanina?" usisa nito.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon