Chapter 23: Beach Party

10K 169 9
                                    

~ • ~

"Hi kuya, you're so cute! Can we take a photo with you?" malanding pakiusap ng isang babae kay James na may kasama pang dalawang babae. Naka-two piece lamang ang mga ito na sa aking palagay ay nagmula sa beach.

"Ah- s-sige." awkward na sagot naman ni James sabay kamot sa ulo.

"Ikaw rin, kuya you're so cute din! Sama ka sa picture, please." dagdag pa ng babae na ang tinutukoy ay ako.

Kahit umayaw ako ay masyadong mapilit ang babae kaya naman wala na akong nagawa at sumama na lang rin sa pagkuha nila ng litrato. Yumakap sa aking katawan ang isang babae. Samantalang ang dalawa ay nakayakap kay James habang nakaakbay doon si James. Nakiusap sila sa isang staff na kunan kami ng litrato. Matapos ang ilang shots ay nag-thank you ang mga babae at saka kinikilig na umalis.

"Sexy nila, no?" sabi ni James habang sinusundan ng tingin ang tatlong balingkinitang babae.

"Sexy mo mukha mo!" iritableng tugon ko sabay sinamaan siya ng tingin dahil tila ba may pagnanasa siya sa mga haliparot na babaeng iyon.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin para suyuin ako. "Sus! Selos agad?"

Maagap naman ang paglayo ko sa kanya. "James, maraming tao dito." suway ko rito.

Narito kasi kami sa lobby ng resort kung saan ilang lakad lamang ay mararating na ang napakagandang dalampasigan. Tanaw na tanaw mula sa kinatatayuan namin ang maputi at sobrang pinong buhangin dito. Napakaganda ng rock formations na siyang nagdudulot ng isang napakagandang tanawin. Isama pa ang asul at klarong klaro na tubig-dagat. Malinis din ang paligid dahil sa palagiang maintenance dito. Mataas ang sikat ng araw na siyang nagsasabing napakaganda ng panahon ngayon. Hindi gaanong marami ang tao pero sapat lamang para mapakinabangan ang nakakamanghang yaman.

"Alam mo namang sa'yo lang ako tinatamaan, Topher. 'Wag ka na magselos oh." pasimpleng pagsuyo nito sa akin habang naglalakad kami sa tabing-dagat.

"Gago! For sure, tigas titi mo sa mga 'yon, tapos sasabihin mong sa'kin ka lang tinatamaan? Ulol, 'wag ako!" singhal ko naman.

"Anong tigas ti- teka... talagang sinusulyapan mo alaga ko ha? Miss mo na ba? Miss ka na rin nito eh." panunukso nito sa akin.

"Ewan ko sa'yo! Iniiba mo usapan!" saka ko binilisan ang aking paglalakad para maunahan siya.

Mabilis naman itong humabol sa akin at inakbayan ako. "Topher naman, ikaw lang ang mahal ko. 'Yung mga 'yun, hanggang libog lang. Pero sa huli, ikaw at ikaw pa rin ang gugustuhin kong anakan. Mahal kita eh." pilyong panunuyo nito.

"Gago ka talaga!" wika ko sabay bahagyang napangisi. Tumingin ako sa kanya at nagtaas-baba pa ang dalawang kilay nito habang nakangiti sa akin.

"Topher! James!" tawag sa amin ni Luigi sa hindi kalayuan.

Napahiwalay tuloy kami ni James sa isa't isa ng wala sa oras. "Tang ina, sa susunod tayong dalawa na lang ang mag-outing para walang istorbo." bulong nito sa akin. Napatawa naman ako dahil sa tinuran niya at saka sabay na nagmartsa papunta sa dalawa naming kaibigan.

Sinulit namin ang umagang iyon para magpakasaya sa resort. Sinubukan namin ang iba't ibang activities na ino-offer dito. Nandiyang nag-banana boat kami, nag-surfing, nag-snorkeling, at kung ano-ano pang water activities.

Napakasaya ng experience namin sa mga activities na iyon. Pakiramdam ko nga ay mas naging bonded pa kaming magtotropa sa isa't isa dahil sa mga ginawa naming ito. At syempre, mas tumatag din ang pag-iibigan namin ni James nang patago.

Nang sumapit ang alas-cuatro ng hapon ay napagpasyahan naming mag-swimming na lang at mag-bonding sa tabing-dagat. Ganoon pa rin, nagtatawanan kami, nagbabatuhan ng buhangin at naghahabulan na parang mga bata. Mayroong iilang babae at binabae na lumalapit sa amin para tanungin ang pangalan namin o kaya ay para magpakuha ng litrato. Siguro dahil iyon sa pisikal naming anyo na hindi lang ang mukha naming magtotropa ang nagdala, maging ang aming batak na pangangatawan na mas pina-define pa ng pawis dulot ng init ng sikat ng araw, kaya siguro ay hindi maiiwasang hindi mapalingon ang kung sino mang mapadaan sa aming harapan.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon