Chapter 28: Drunk

10K 176 32
                                    

~ • ~

"Tama na 'yan, Topher." pagtutol sa akin ni Van sa pag-inom ng isa na namang bote ng alak.

Ilang oras na ang nakalipas pero nandito pa rin 'yung sakit sa puso ko. Niyaya ko si Van sa kwarto ko para makipag-inuman at para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

Ang sama sama ko! Bakit kasi pinaalis ko pa si James? Tang ina! Ang tanga tanga ko! Mahal ko siya at alam ko namang mahal niya rin ako. Pero inuna ko pa rin itong putang inang pride ko. Hindi na ako magtataka kung maghanap na 'yun ng iba kasi tang ina ang tanga ko!

Sinampal-sampal ko ang aking sarili dahil sa kahibangan na aking nagawa. Pero naging mailap ang paghablot ni Van sa kamay ko para ako ay pigilan. "Tama na, Topher..."

Kanina pa ako hindi nagsasalita dahil sa tindi ng pag-iyak ko habang lumalaklak ng alkohol. Mabuti na lang ay mahaba ang pasensya sa akin ni Van at dinadamayan pa rin niya ako kahit na hindi nito alam ang tumatakbo sa isip ko.

Hinihimas lang ni Van ang aking likuran habang ako'y umiiyak. "Sige lang. Ilabas mo lang lahat ng iyak mo." anito.

Mas lumakas pa ang haguyhoy ko at yumapos kay Van nang mahigpit. "Bakit ba kasi ganito ang epekto sa akin ni James?" mahikbi-hikbi kong saad.

"Kasi mahal mo siya." direktang sagot nito.

Bigla akong napakalas sa yakap at pinunasan ang luha sa aking mukha. Doon ko lamang napagtanto na ang manhid ko para hayaan si Van na samahan ako. Mahal niya ako at alam kong nasasaktan na ito dahil sa katotohanang hindi siya ang tinitibok ng puso ko. Pero bahala na, siya naman itong nag-prisintang sumama sa akin.

Nang muli kong ibaling ang aking paningin kay Van ay medyo nakakaramdam na ako ng hilo at pagkahibang dulot ng alak. "Van..."

"Hmm?"

"Eh 'diba, mahal mo rin ako?"

"Oo, mahal kita, Topher."

"Eh, bakit napapansin ko na okay ka lang kahit na alam mong hindi ikaw ang mahal ko?" hindi ko rin alam kung bakit ang pranka na ng lumabas sa bibig ko.

Tumingin ito nang seryoso sa akin sabay hinawakan ang kamay ko. "Gusto mong malaman ang totoo?"

Tumango ako.

"Nasasaktan ako, Topher. Nasasaktan ako hindi lang dahil sa hindi mo ako mahal. Oo, masakit 'yon. Pero mas nasasaktan ako kasi nakikita kong nasasaktan ka dahil sa ibang lalaki. Doble ang sakit nun para sakin. Kasi putang ina! Ako, hinding hindi ko magagawang saktan ka, mahalin mo lang ako. Pero 'yung ibang nakuha na nga ang pagmamahal mo, parang napakadali lang sa kanya na ibalewala 'yun."

Muling tumulo ang luha sa aking mata. Hindi ko alam pero parang mas bumigat pa 'yung puso ko dahil sa sinabi niya. Tila ba napakahalagang tao ko para sabihan niya ako ng ganoon.

Pinunasan ko ang mata ko dahil sa luhang nakaharang dito. Nang mapawi ko na iyon ay nagulat ako dahil hindi na si Van ang nasa harap ko. Nag-iba na ang anyo nito sa paningin ko.

"Mahal na mahal kita, Topher." si James na ang nasa harap ko.

Hinawakan ko ang pisngi niya dahil sa pangungulila ko sa kanya. "Mahal na mahal rin kita." tugon ko.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon