Chapter 35: Confrontation

8.8K 172 67
                                        

~ • ~

"WAAAH!" sigaw ko dahil sa takot.

Kinuha ko ang pinakamalapit na tsinelas sa tabi ko at binato iyon sa anino ng lalaki.

"Aray!" daing nito sabay napahawak sa ulo niya kung saan ko ito natamaan.

"S-sino ka?!" natatakot na tanong ko.

"Topher, ako 'to." bigla namang kumidlat dahilan para magliwanag nang kaunti sa kwarto at makita ko siya.

Putang ina!

Mas lalong namilog ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman kung sino ang lalaking ito. Basang basa ito dahil sa ulan at mugto ang mata. Suot pa rin nito ang damit na suot niya sa reunion. "J-james?!"

"Topher—"

"Anong g-ginagawa mo rito?! P-paano ka nakapasok?!" biglang sumikip ang dibdib ko at bumigat ang pakiramdam.

Lumapit ito sa akin. "Nandito ako para magpaliwanag sa'yo."

"Magpaliwanag?! Wala ka nang dapat ipaliwanag pa! Malinaw na sa'kin ang lahat!" mariin na sabi ko sabay nilayuan ang paglapit nito.

Hinablot naman nito ang kamay ko. "Topher, hayaan mo akong magpaliwanag, please?"

Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Putang ina mo! 'Wag mo akong hawakan! Tigilan mo na ako! Umalis ka na rito bago pa ako tumawag ng pulis!" sigaw ko.

"Mahal kita, Topher!" sigaw nito kasabay ng pagtulo ng luha niya. "Mahal na mahal pa rin kita." sabay hagulgol nito.

Nag-igting ang panga ko sa narinig. "Tang ina mo, James! 'Wag mo na akong gawing tanga! Alam naman nating dalawa na hindi mo na ako mahal! Ikaw mismo ang nagsabi n'yan!" hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko pero pinipilit kong maging matapang para masabi ang sakit na nadarama ko.

"Hindi totoo 'yan. Mahal na mahal pa rin kita." muli itong lumapit sa akin at sinubukan akong yakapin pero itinulak ko siya nang malakas.

"Sinabi nang 'wag mo akong hawakan eh!" singhal ko.

"S-sorry..." nagmamakaawang pagpapaumanhin nito at sinubukan niya pa ring hawakan ang kamay ko pero hindi ko naman siya hinayaan.

Sinampal ko ito nang malakas. "Wala nang magagawa 'yang sorry mo, James! Umalis ka na!" sabay itinulak ko ito palabas ng kwarto ko at saka pinagbagsakan ng pinto.

Hindi naman ito natinag at kinalampag ang pinto. "Pakinggan mo muna ako, Topher!"

"Puta! Para saan pa?!" galit na tugon ko.

"Tang ina! Para matapos na 'to!" sigaw nito. "Titigilan na kita 'pag hinayaan mo akong magpaliwanag kasi, tang ina, hindi ko na kayang patirahin lang dito sa loob ko ang lahat ng 'to. Gustong gusto ko nang sabihin lahat sa'yo. Kung hindi mo na talaga ako mapapatawad, tatanggapin ko. Pero, please, makinig ka muna."

Nagbuntong-hininga ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. Kahit na alam kong masasaktan lamang ako sa pagpapaliwanag niya, siguro ito na rin ang tamang panahon para marinig ko ito.

Pinagbuksan ko ito ng pinto. Lalapit pa sana ito sa akin pero agad kong itinulak ang dibdib niya. "Hanggang d'yan ka na lang." masungit kong utos.

Pinunasan nito ang mugtong mata gamit ang braso niya at saka huminga nang malalim. "Alam kong nasabi ko sa'yo dati na hindi na kita mahal. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi totoo 'yun. Sinabi ko lang 'yun sa sobrang sakit na nararamdaman ko nung araw na 'yun. Kasi noong araw na 'yun, pumunta ako dito sa bahay n'yo para suyuin ka. Puta, nagdala pa nga ako ng bulaklak para sa'yo. Pero, tang ina lang, pagkapasok ko pa lang sa bahay niyo, nakita ko agad kayo ni Van na naghahalikan. Hindi ko naman masabing hindi mo gusto 'yung ginagawa niyo kasi kitang kita ko na gusto mo! Sa totoo lang, pinagsawalang bahala ko na nga 'yung gabi na si Van ang pinili mong makasama kaysa sa akin. Pero 'yung nakita kong naghahalikan kayo, tang ina, hindi ko na kinaya 'yon. Kaya umalis ako. Nagulat nga ako na nakita mo pa ako noong araw na iyon, kasi hindi pa talaga ako handa noon na makausap o makita ka kasi, putang ina, ang sakit! Kaya ayun, tinapangan ko ang loob ko na masabi sa'yo 'yung salitang ayokong ayoko sabihin sa'yo!" tumulo ang luha sa mata nito.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon