Chapter 34: Cliffhanger

7.6K 158 48
                                    

~ • ~

Malakas pa rin ang buhos ng ulan nang magising ako. Masama ang pakiramdam ko at mahapdi ang dalawang mata ko. Inabot ko ang kumot at namaluktot dahil sa ginaw. Mukhang hindi ko pa kakayaning tumayo ngayon.

"Gising ka na pala, Topher." pagbati sa akin ni Van na kakapasok lang sa kwarto ko at may dala-dalang pagkain. "Heto, kumain ka muna para makainom ka na ng gamot."

"Nandito ka pa pala?" tanong ko.

Tumango ito, "Sabi ko naman sa'yo, nandito lang ako para sa'yo." kinindatan niya ako bago ito umupo sa tabi ng kama ko at inalalayan akong umupo sa kama.

Habang inaalalayan, napansin ko naman kaagad na iba na ang suot kong damit ngayon. "Sinong nagpalit ng damit ko?" usisa ko.

"Ako." aniya sabay napatingin ito sa akin. "'Wag kang mag-alala. Wala akong nakitang hindi ko pa nakikita." sabay bungisngis nito.

Hinampas ko naman siya. "Alam ko namang nakita mo na 'to. Tinatanong ko lang naman."

"Oh, s'ya. Kumain ka na. Masarap 'tong sabaw na niluto ni Kuya Joseph." alok nito sa akin.

"Ayokong kumain. Wala akong gana." matamlay na tugon ko sabay nagtalukbong ng kumot.

Napasinghap si Van at saka tinanggal ang kumot. "Tsk. Hindi pwede 'yan, Topher. Kailangan mong kumain. Papatayin mo ba ang sarili mo?"

"Oo! Sana nga mamatay na lang ako." iritableng sagot ko sabay tinalikuran siya.

Medyo nainis na rin ito sa akin. "Ano?! Dahil sa kupal na James na 'yan, magpapakamatay ka na?!"

Muling tumulo ang luha ko sa narinig. "Tang ina! Ang sakit kasi! Alam mo ba kung gaano kasakit para sa'kin 'yun?"

"Topher, naiintindihan kita. Alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon. Pero hindi makakatulong 'yang hindi mo pagkain at pag-inom ng gamot. Nilalagnat ka, pre, kailangan mo 'to." paalala nito.

Sa halip na tumugon ay tumingin ako sa kanya. "Gusto ko muna mapag-isa." seryosong sambit ko.

"Pero, Topher-"

"Please?!"

Bumuntong hininga ito. "Okay, sige. Pero hindi ako aalis. Kung kailangan mo ako, nasa labas lang ako, tawagin mo 'ko."

Sumang-ayon na lamang ako bago ako nito iwanan at lumabas sa kwarto.

Shit. Ang sakit ng ulo ko at sinabayan pa ng hapdi ng mata ko. Ayoko na sana umiyak pero hindi ko mapigilan dahil hanggang ngayon ang bigat pa rin ng dibdib ko.

Nabuntis ni James si Kelly. Ito pala 'yung sinasabi nilang announcement nila sa reunion. Putang ina! Mabuti na lang nakaalis agad ako roon dahil kung hindi, siguradong maaabutan ko ang balitang iyon at hindi ko alam kung anong magagawa ko oras na mangyari 'yun.

Ano ba naman kasing ginagawa ko sa buhay ko? Bakit ba hindi mawala-wala 'tong pagmamahal ko kay James? Dahil sa pagmamahal na 'to, hindi na rin maiwasan na hindi ako masaktan. Pinagsisisihan ko talagang nagpadala ako sa kalibugan ko noon dahil ngayon, nagdudusa ako sa sakit. Bakit nga ba kailangang umabot pa rito ang kalibugan ko? Hindi pa pwedeng libog lang? Bakit kailangang mahalin ko pa siya?

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon