Chapter 8

75 10 0
                                    


Devin Jake's Point of View

There is really something on that girl, that I can't explain. But what is it? Argh! That girl is driving me crazy!

"Siguro ginayuma niya ako." bulong ko sa sarili ko.

Napa lingon naman sa akin si Nathan na busy sa gitara niya. "Huh? Sino kausap mo diyan bro? Wag mo sabihing may nakikita ka na hindi ko nakikita." binato ko sa kaniya ang hawak kong unan, na agad niyang inilagan.

Sinamaan ko siya ng tingin ng tinawanan niya lang ako.

Naupo siya sa kama, at nag strum sa gitara niya bago ito binaba sa gilid.

"Sino yung nang gayuma sa iyo?" narinig niya pala iyon, bwiset! masyadong malakas ang pandinig ng gagong ito.

Tiningnan ko lang siya, para namang importante pa kung malalaman niya kung sino yun. Eh kahit nga ako walang ideya. Kung yu-- ah! Wala!

"Hindi kaba talaga marunong mag salita Jake? Sabagay ano pa nga ba ang i-expect ko sa iyo." sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

Eh sa wala nga akong pakielam sa sinasabi niya. Ano bang mahirap intindihin doon?! Hindi naman ako tanga para sayangin pa ang laway ko sa mga walang kwentang pinag sasabi niya.

"Lately kasi parang lutang ka, dahil parin ba ito dun sa babaeng naka harap mo, diyan sa labas ng Subdivision?"

Yan din ang tanong ko sa sarili ko.

"Woah! Pre! Finally! Dininig narin ni Lord ang panalangin ko! Naka hanap kana rin ng katapat mo. Woahoo!" nag susuntok siya sa ere na parang bata.

Psh.

"Shut up." madiing sambit ko.

Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. Agad niyang kinuha ang loptop niya at nag type don.

"Word..of..the..day.. Shut up." sambit niya, habang tutok parin sa loptop niya.

Nag beep naman ang phone ko sa bulsa. Kunot noo kong tiningnan si Nate ng mabasa ang notification sa cellphone ko.

Tsk! Yun lang pala ang pinost niya. Masyado akong maraming iniisip para dumagdag pa siya.

Am I weird? Why I can't get her out of my mind? After what happened earlier.

She made my day.

"Oh, what's with the smile?" ako? Damn! Bakit ako naka ngiti? Posible kayang na ngiti ang tao ng hindi niya nalalaman?

"None of your business." maikling sagot ko sa kaniya. Na ikinatuwa na naman niya.

Muli siyang nag type sa loptop niya.

"Ano ba kasing nang yari sayo kaninang umaga? Napapadalas yang ngiti mo, ngayong araw." sabi niya, matapos mag type sa loptop niya.

What happen? It is something that I can't explain, It is something that made my day special.. again.

~|Flashback|~

Maaga akong nagising ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit. Dapat ay tanghali na, dapat ay may hang over ako, marami akong nainom kagabi, ni hindi ko alam kung paano ako naka uwi sa bahay.

Pumasok ako sa bathroom at nag shower, agad akong nag bihis ng school uniform pag katapos kong maligo.

Kinuha ko ang gamit ko sa kama, at lumabas ng kwarto. Hawak ko ang phone ko habang bumababa sa grand stair case.

"Son? Breakfast is ready. Aren't you going to eat with us?" Mom asked.

Hindi ko pinansin si Mom, at bumaba na ako sa staircase. Nilingon ko si Cyrine na kakalabas palang sa kwarto niya. Kunot noo kong tiningnan ang benda sa kaliwang braso niya.

Unexpected Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon