Chapter 26

29 7 0
                                    

Madison's Pov

"Is this the VP's house-I mean mansion?" taas kilay na tanong ko ng makababa kami sa kotse.

"Yeah-" hinigit siya ni Aljur kaya parehas na silang tumatakbo papasok sa mansion nila.

Inayos ko ang pagkaka hilig ni Jillian sa dibdib ko at saka ako sumunod  sa kanila papasok sa loob. Madaming sumalubong sa amin na mga lalaking pare-parehas na naka kulay puting coat at kinuha ang mga pinamili namin at sila ang nag bitbit.

Kanina nung nasa mall kami marami siyang binili na gamit ng baby, tinanong ko siya kung wala bang gamit ang pamangkin niya ang sagot niya, "Meron, tinatamad lang akong kunin sa bahay nila."

Nakaka what the heck diba?

"Dito muna kayo, mag papahanda lang ako ng makakain." aniya matapos ay isinara ang pinto.

Nasa loob kami ng isang kwarto. Creepy ang disenyo. Kulay itim ang kulay nang ding-ding na may mga naka ukit na mga sanga papaitaas, karugtong hanggang sa kisame, sa gitna nama'y isang malaking chandelier.

"Mom! Mom!" sumampa si Aljur sa kama at naupo sa harap ko. "Can I carry my baby sister? Can I? Can I?" naka ngising pangu-ngulit niya.

"O-Of course." nang ilipat ko ang aking tingin sa kalalapag ko lang na si Jillian ay gising na ito habang nag kaka-kawag ng paa. "She's awake."

Dahan-dahan ko siyang kinarga at inilipat sa bisig ni Aljur na tuwang tuwa. "Hold her tight A-Aljur." agad akong sumunod ng tumayo siya at mag lakad palibot sa kwarto. "W-Wait!"

"My sister Jillian~uhhh." nailing nalang ako ng lamyaan niya ang pananalita habang kinakausap ang kapatid niya.

"Maupo ka muna Aljur baka maibagsak mo ang kapatid mo." naka masid na sabi ko pero nginitian niya lamang ako saka muling kinausap ang kapatid niya.

Nang maka lipas ang halos labin-limang minuto ay lumapit ako sa kaniya para agawin ang kapatid niya ngunit agad niya akong pinigilan sa pag lapit gamit ang isang makahulugang ngiti.

Bumalik siya sa kama at muling kinandong ang kapatid niya na naka tingin lamang sa kaniya.

Nailing nalamang ako sa kakulitan niya. Ilang sandali pa ay ibinaba na niya ang kapatid niya sa kama habang ingat na ingat na makagawa ng maling galaw na maaaring makasakit dito.

Nahiga siya sa tabi nito at bahagyang siniksik tapos ay yinapos. "Are you going to sleep Aljur?" tanong ko sa kaniya.

"Yes.."

"But you are not yet eating."

"I'm not hungry mom. I had enough earlier with what we ate. Just let me sleep for a while, mom.." pahina ng pahina na tugon niya.

Napa buntong hininga na lamang ako at tumabi sa kanila. Maaga rin akong nagising kanina kaya inantok narin ako ng makita ko silang nahihimbing.

~~~

Nagising ako sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Pilit kong hinahanap ang remote ng aircon sa bed side table pero tanging picture frame lang ang nakapa ko. Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko sapagkat alam kong madilim pa at inaantok pa ang mga mata ko. Kaya pilit ko na lamang hinila ang comforter sa paanan ko.

Umikot ako at nahiga ng patagilid. Niyapos ko ang isang unan-teka bakit matigas-at gumagalaw?

Agad akong napa balikwas sa pagkakahiga at nanlalaki ang matang tiningnan kung ano yung nayapos ko.

S-Si Devin? Bakit katabi ko siya?! Hindi kaya-

"Aahhhhhhhhh! Rape! Rape!" histerical na sigaw ko.

Unexpected Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon