Madison's PoV
Nang maka rating kami sa bahay ay ganon na lamang ang tawa ko, halos mamatay ako kakatawa, dahil daig pa ni Daddy ang lasing sa kanto na halos uminom lang mag hapon.
"Oh, what happen Arturo? Bakit pagewang-gewang ka?" bungad sa amin ni Mom ng maka kapasok kami sa loob ng bahay. Tumingin si Mom sa akin ng nag tatanong.
"S-Si Babylon ang may kasalanan, hindi ako." natatawang sagot ko.
Kunot noo naman siyang tumingin kay Dad na ngayon ay naka salampak na sa sofa habang naka patong ang ulo niya sa ibabaw at naka pikit.
"What? Sumakay ka sa Motor ng anak mo?" nag mulat naman ng mata si Dad, na mukhang nahimasmasan na.
Tatawa-tawa niyang tiningnan si Mom, na ikina taas ng kilay nito. "New Experience. Pero nakaka baliw." sabi niya, at saka bumaling ng tingin sa akin. "Hindi ko alam na may ganoon kang klase ng sasakyan anak. May sariling buhay." dag-dag pa nito. Muli siyang natawa dahil sa kaniyang tinuran.
"Oh siya. Come on let's eat nag luto kami ni Manang, tikman niyo masarap iyon." sabi ni Mom at saka inikay si Dad patayo. Tumayo naman si Dad ngunit pinag masdan niya muna mula ulo hanggang paa ang kabuuan ni Mom, saka siya ngumisi ng nakaka loko.
Tsk. Cornic Love Team.
"W-What?" namumulang tanong ni mom. Ngunit bago pa siya maka anggal ay agad na siyang hinila ni Dad paupo sa sofa, kaya ang ayos nila ay naka kandong si Mom kay Dad.
Psh.
Agad siyang hinalikan ni Dad na ikinagulat naman ni Mom. "Hindi mo na kailangang mag paganda dahil para sa akin ay ikaw lang, wala ng iba." Dad said, using seducing tone.
"Ugh! Seriously?! PDA kayo masyado! Hindi niyo naiisip na may ibang tao na naririto." iritang singhal ko sa kanila, at saka nag simulang mag lakad papunta sa kusina. Kasunod ko naman ang mga body guards ni Dad na alam kong, kagaya ko ay naumay rin sa eksenang nasaksihan nila.
Nang maka rating ako sa kusina ay agad akong tumungo sa ref at kumuha ng tubig na maiinom. Matapos non ay dumeretso ako sa hapag kainan at saka minadaling kumain. Tsk! Si Mom talaga, halata namang hinanda niya ito para lamang kay Dad, kunyari pang nag aaya. Psh.
Matapos kong kumain ay hinarap ko ang mga body guards ni Dad na kanina pa naka tayo lang sa likuran ko.
"Here, eat wherever you want. I don't care. As long as babalik kayo dahil hahanapin kayo ni Dad." Inabutan ko sila ng Cash para sa labas na lamang sila kumain. "Sorry for tonight. Hindi muna kayo maaring kumain dito, maybe tomorrow, but not today. Kahit ako ay minadali ko ang pag kain. Dahil alam kong hindi naman ito para sa atin. Go now, feed your selves." Agad naman silang lumabas, sa kusina na sila dumaan.
"Your done?"
"Where is my mens?" Bungad sa akin ni Mom at Dad ng ako na lamang ang maabutan nila.
"Mens?" Natatawang tanong ko. "Sounds like girls monthly period." saka ko sila nginisian. "Any way, Happy Aniversary Mom and Dad! Don't mind your mens, they're enjoying. Oh I remember my gifts is already in your room, open it later! Enjoy your night!" Masayang bati ko sa kanila at saka umakyat sa kwarto ko.
"I'm tired.." malumanay na sabi ko, sa sarili ko.
Pumasok ako sa banyo at naligo, saka ako nag palit ng pantulog na damit. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang mahaba kong buhok.
"Wala namang pinag bago, maganda parin ako." naka ngiting saad ko, habang naka harap sa salamin.
Humiga ako, at saka pinikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (On Going)
Novela JuvenilWhen a almost perfect, mataray and brat girl who always gets what she wants meet the fate of this gorgeous-fierce man, will their unexpected destiny lead the way through the midst of their loathed tragedy? Or they will end up repeating its own histo...