Chapter 23

43 8 0
                                    

Devin Jake's Point of View

"Jake, ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ganon ang reaksiyon nila ng makita si Madison kanina?" naka pangalumbabang ani Nathan. "Ah oo, salamat! Salamat sa pag sagot! Anlaki ng naitulong mo!" singhal niya ng hindi ko sagutin ang tanong niya.

"Alam ko na!" nilingon namin si Daryle ng bigla siyang pumalahaw. "Baka kaya sila nagulat kasi akala nila part ng grupo natin si Madison. In fact babae siya kaya nagulat sila kasi-

"Nonsense. Huwag kang paulit-ulit." masungit na singit ni Kurt.

"Pero kung titingnan natin baka nga nagulat sila kasi akala nila, na si Madison na isang babae ay part ng grupo natin kung saan puro lalaki ang myembro." tumayo si Nathan at nag lakad ng pabalik balik. "O di kaya, kasi anak siya ng Governor? Maybe, kasi wala naman siyang sinasalihan na organization sa pagkaka alam ko." tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Ano sa tingin mo Jake?"

Balak ko na sanang sagutin ang tanong niya ng maramdaman kong mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

Tumayo ako at bahagyang lumayo sa kanila bago sinagot ang tawag. "Hello, Med?"

"Hey bro! Where are you?"

"Mom! Is that tito?" narinig ko sa kabilang linya si Aljur kaya napa ngiti ako.

"I'm at school." tipid na sagot ko.

"Come home! Your niece is here!"

"Yeah, I heard him. I will be home later."

"Devin Jake! Come home now!"

"But-"

"Now! Faster!"

"Tsh!" pinutol ko ang linya saka bumalik sa sofa na kinauupuan ko kanina.

"Hulaan ko, si Ate Med 'yon?!" ani Nathan.

Kinuha ko ang gamit ko saka lumabas. "Uwi na ako." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanila.

"Bye bossing!"

"Ingat pre!"

"Bye Commander!"

"Ingat ka sa daan Jake, maraming bakla diyan! Baka ma-rape ka!"

"Hahahahaha!"

Narinig ko pa ang halakhakan nila pero hindi ko na sila pinansin at dumeretso na lang ako sa parking.

----

Mabilis ang pag papaandar ko ng kotse kaya wala pang ten minutes ay nasa bahay na ako.

"Tito! Tito! Tito!" nang maka pasok ako sa bahay, agad na bumungad sa akin si Aljur na nag mamadaling bumaba sa hagdan. "Carry me! Carry me!" Binuhat ko siya at dinala sa kusina para kumuha ng tubig.

"Oh, mabuti naman at naandito kana." naabutan ko si Med na nag luluto ng dinner sa kusina, agad namang bumaba sa pagkaka buhat ko si Aljur ng makita ang nanay niya.

"Mom.. Mom.." hinihigit niya ang laylayan ng bistida ng nanay niya. "Where's Melody?"

"You bring Melody?" tanong ko sa kaniya at naupo sa isang mataas na stool.

"Ah oo, p-punta kasi ako bukas sa Baguio. W-Walang maiiwan. Nasa Pampanga pa si Vinson. Darating naman sina Mom at Dad 'diba?"

"I don't know. Maybe you could ask them, para sure."

Umakyat ako sa kwarto at naligo. Nang matapos ako, balak ko na sanang matulog ng maaalala ko ang mga pamangkin ko.

Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa play room kung saan siguradong nandoon sila.

Unexpected Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon