Madisin's PoV
Halos masamid ako sa sariling laway at hindi makatingin ng deretso sa mga mata niya.
"Mom, are you okay?" dulog sa akin ni Aljur na agad hinagod ang likod ko.
"I'm okay—what did you call me?!" gulat akong humarap kay Aljur.
"M-Mom.." nag peace sign siya at biglang humalik sa pisngi ko bago tumalon mula sa kinauupuan niya at umupo sa hita ng tito niya.
"Aljur!" gulat na singhal ni Devin. Tamad naman akong nailing dahil sa bangayan nilang dalawa. Pinag aawayan nila yung ginawa ni Aljur na paghalik sa akin. Hindi daw ganon, dapat daw nagpapaalam.
"Ma.." muling tumaas ang kilay ko ng lingonin ko ang baby na ngiting ngiti sa akin.
"Hello, bungisngis!" bati ko sa kaniya na muling ikinabungisngis niya. "Nagugutom ka na ba?" tanong ko na kaagad ikinanguso niya.
Mahina akong natawa bago muling kiniliti siya. "Kaunting tiis nalang malapit na tayo.." sakto namang nasa parking na kami ng mall.
"Wala bang Carrier si Jillian?" tanong ko kay Devin ng pagbuksan niya kami ng pinto.
"A-Ah hindi ko alam. Ibili nalang natin siya. Akin na, baka nangangalay ka na." aniya pero mabilis na umiling ako.
"Ako na. Sanay naman akong mag-alaga ng bata." malumanay na sabi ko, bago lumabas ng sasakyan niya.
"Pero may Stroller akong dala.." dali-dali siyang tumakbo at binuksan ang compartment ng kotse niya. "Here. dito mo na lang siya isakay para hindi ka mangalay." napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan niya. Hindi na ako magtataka kung saan nagmana ang mga pamangkin niya.
Hindi pa kami nakakapasok sa entrance ng mall ay ramdam ko na ang mga matang nakatingin sa bawat pag daan namin.
"Dad, why are they looking at us?" inosenteng tanong ni Aljur na nasa bisig ng tito niya. Talagang pinanindigan niya ang pagtawag sa amin bilang mga magulang nila.
"You are the grandson of Vice President and you're tito is obviously his son. And I am the daughter of the Governor in this City, so maybe that is the reason why they are looking at us as if we're not humans like them." mahabang paliwanag ko ng hindi siya sagutin ng dad kuno raw niya.
Nagulat ako ng biglang tumawa si Devin. "Sa tingin ko hindi lang 'yan ang rason."
"Then what?" kunot noong tanong ko.
"Iniisip nila na tayo ang mga magulang ng mga batang ito." natatawang sagot niya.
Napailing nalamang ako.
Nang marating namin ang entrance ay agad kaming kinapkapan ng guard. Good thing wala akong dalang baril, device lang.
"Saan tayo?" tanong ko ng tuluyan na kaming makapasok.
"Sa grocery muna hon. Para makabili ng gatas ni Jillian." aniya habang malawak ang ngiti sa akin.
Tumango na lang ako at nauna ng naglakad. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang mga pinagsasabi niya sa akin kahapon.
'Think several times before acting out foolishly!'
"Sino kaya ang mas tanga sa ating dalawa?" bulong ko sa sarili na medyo napalakas ata dahil nilingon ako ng isang guard na nadaanan ko.
Huminto ako ng nasa harapan na ako ng Super Market at tinanaw ang mag ama—I mean mag tito na masayang nag kukulitan. Hawak na niya sa kamay si Aljur na kanina'y karga niya.
"Hon. Ilagay muna natin 'tong gamit ni Aljur—"
"Sige." mabilis na sagot ko bago binuhat si Jillian mula sa stroller. "Ito rin iwan mo na. Hintayin nalang namin kayo doon sa bench." ibinigay ko sa kaniya ang stroller at hinawakan rin sa kamay si Aljur at inaya papasok.
"Mom, can I carry my sister?" tanong ni Aljur ng maka upo kami. Napa tingin sa amin ang dalawang matandang mag-asawa na naka upo sa tabi lang rin namin.
"You can't." iniwas ko ang tingin sa kanila at ibinaling kay Jillian na tulog na.
"Why?" naka ngusong tanong niya.
"Because—you are too young to understand."
Nakita kong kumunot ang noo niya mukhang hindi nga niya naintindihan.
Tumawa ako ng bahagya at ginulo ang buhok niya. "Later nalang sa bahay, baka kasi maibagsak mo si Jillian dito."
"Yehey! Thank you mommy!" tuwang tuwang aniya. "Dad! Dad! Ang tagal mo!" naka ngusong muling nag padala si Aljur sa dad daw niyang kararating lang na agad umupo sa tabi ko.
"Mukhang nag kakasiyahan ang mag-iina ko a?" nginiwian ko siya bago nag iwas ng tingin. Pakiramdam ko'y namula ang buong muka ko.
Tumama ang paningin ko sa matandang mag-asawa na naka ngiti habang naka tingin sa amin.
"Ganiyan din kami noong kabataan. Nag tanan kasi kami nitong si Bergilio." naka ngiting tinitigan niya si Jillian at nilawayan ang binti nito. "Napaka gandang bata. Ilang buwan na ang anak mo?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Napalunok ako saka mabilis na umiling "A-Ah—hindi po ako ang—"
"Four months na po." putol sa akin ni Devin bago ko naramdaman ang kamay niya sa balikat ko.
"E itong batang ito, ilang taon na?"
"Aljur ilang taon kana daw, sabi ni lola?" naka ngiting kinalong niya ang pamangkin.
"Five po." malambing na sagot ni Aljur
"Bagay na bagay kayo sa isa't isa." nagulat ako sa sinabi ng matanda at muling napaiwas ng tingin. Mali ho kayo ng akala. "Nakikita ko ng magtatagal kayo at magiging masaya ang inyong pamilya sa hinaharap." aniya bago tumayo at inalalayan ang asawa niya.
Paano niyo ho nalaman?
"Manghuhula ako iha." nagulat ako ng magsalita siya kahit na hindi lumilingon sa akin.
Agad na tumayo si Aljur at tinulungan sila. "Mabait at gwapong bata. Salamat iho." bumaling siya sa amin. "Mauna na kami, at pagpapahingahin ko pa itong si Bergilio mukhang napagod sa kalalakad." nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, naramdaman kong may inilagay siya bago nag simulang maglakad paalis.
"Sinasabi ko na nga ba, tama ang hula ko." tumatawang ani Devin na muling tumayo. "Aljur kuha ka ng cart, ayun o!" utos niya sa pamangkin na kaagad sinunod nito.
Samantalang hindi maalis ang titig ko sa kwintas na siyang nilagay ng matandang nakausap ko sa palad ko. Kulay gold ang kabuuan ng kwintas maging ang hugis pusong pendant nito. Anong gagawin ko dito? Isasangla ko?
Nagulat ako ng himasin ko ang pendant. Bigla nalamang itong kuminang nang tamaan ng liwanag mula sa mga ilaw. Bumali ang leeg ko ng mapagmasdan ang loob ng buklatin ko. Picture ko nung bata? at—sino 'to?
Chapter 25 complete✔
💠Don't forget to vote, comment, and share!💠

BINABASA MO ANG
Unexpected Love (On Going)
Roman pour AdolescentsWhen a almost perfect, mataray and brat girl who always gets what she wants meet the fate of this gorgeous-fierce man, will their unexpected destiny lead the way through the midst of their loathed tragedy? Or they will end up repeating its own histo...