Madison's PoV
"T-Tita?" kumurap kurap ako ng dalawang beses hanggang sa matauhan ako.
"Hija, what are you doing here?"
"Some business stuffs tita-"
"Ate is that you?" bumaba ang tingin ko sa nag salita.
Lumawak ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang inaasahan ko. "Kylie." naka suot siya ng ballet dress mukhang may klase siya ngayon.
"You have a class?" umupo ako ng kasing tangkad niya bago ko inayos ang buhok niyang nagulo dahil sa hangin. Tumango siya, kasabay non ang pagpasok ng mga bata na katulad niya ay naka ballet dress din sa entrance ng hotel.
"Hija, maaari bang sunduin mo si Kylie sa hapon?" lumingon ako kay tita na tanging mata lang ang ginalaw ko.
Ngumiti ako sa kaniya sabay tayo. "Sure tita, what time po?"
"2:50 pm."
----
7:00 na ng umaga ng maka rating ako sa bahay naabutan ko pa si mom at dad sa dining area na busy sa pag susubuan.
"Tsk!" asik ko ng maka daan ako sa harap nila.
"O, anak? Nandiyan kana pala, hindi ka namin napansin ng mommy mo."
'Paano niyo ako mapapansin kung busy kayo diyan sa harutan niyo?'
"Yeah." walang ganang sagot ko, bago nag lakad papunta sa kusina.
"Madie, come on. Join us, nagluto si manang ng pancakes." narinig kong sigaw ni Mom.
"No thank you mom. I have my own food." sagot ko.
Nang maka rating ako sa kusina ay agad akong dumeretso sa lababo at inabot ang cabinet.
Nang makakuha na ako ng pagkain ko, ay agad kong binuksan at kinain ito. "Manang! Unli rice please!" sigaw ko na di alintana kung marinig ng kapit bahay.
Agad lumapit si manang pati narin ang ibang maids na nag aagawan pa sa paglalagay ng juice sa baso ko.
"Ako na!"
"Hindi, ako na."
"Ako na nga sabi e!"
"Ako nga!"
"Hindi! Ako na nga-"
"Shut up!" napa lingon ako sa may dining area ng marinig ko ang sigaw na 'yon. "Ang iingay naman ng mga maids dito, agang aga. Tsk!"
Napa iling nalang ako bago nagpatuloy sa pagkain ng mapagtanto kung sino ang sumigaw.
"Sardines again?!"
Yvone's PoV
"The hell you care!" pabalang na sagot niya.
"Ha! Tubuan ka sana ng maraming kaliskis!"
"Ha! At least ako sirena, e ikaw?"
"Ano.."
"Ano?"
"Edi ano-"
"Shokey para sosyal! Hahahaha!"
"Anong shokey?" nag tatakang tanong ko. Maslalo namang lumakas ang tawa niya na dahilan kaya muntik na siyang mabulunan.
"Ang bobs mo naman, Yvone! Hahaha!" hawak na niya ang tiyan niya habang tawa ng tawa. "Mabubulunan ako sayo! Hahaha! Shokey lang hindi mo alam? Hahaha!"
"E ano ba 'yon?"
"Yun yung nasa dagat, yung kulay green na parang-" lumapit ako at hambang babatukan siya, ng masalag niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (On Going)
Novela JuvenilWhen a almost perfect, mataray and brat girl who always gets what she wants meet the fate of this gorgeous-fierce man, will their unexpected destiny lead the way through the midst of their loathed tragedy? Or they will end up repeating its own histo...