UNEXPECTED LOVE
Nahinto ako sa tapat ng pinto ng makita ko ang malakas na buhos ng ulan. Naiiyak kong pinag masdan ang kalangitan. Muli na namang umagos ang luha ko at sa pagkakataong iyon ay lumusob na ako sa ulan.
Nakakainis naman! Nasaan ka na ba kasi?! Bakit ang tagal mong dumating sa buhay ko? Kasal na tuloy ako!
Unti unti ng bumagal ang pag takbo ko at naglalakad na lang ako ngayon sa gitna ng ulan. Huminto ako at muling tumingala sa langit. Pumikit ako at dinama ang bawat patak ng ulan na tumatama sa muka ko.
Lord, nasaan na po ba siya? Pwede po bang ipakita at ipakilala niyo na siya sa akin?
Mag lalakad na sana ulit ako ng kusa akong mahinto dahil umaalingaw-ngaw sa tainga ko ang yabag na ngayon ay papalapit sa gawi ko.
"Shaine!" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon na agad ko ring pinag sisihan.
"D-Devin..." nanlalaki ang mga mata ko habang naka tingin sa kaniya na mag lakad papalapit sa akin.
Ngayon ko lang napag tanto kung anong hiniling ko kanina lang sa Diyos.
It can't be him!
"Bakit ka umalis?" kunot noong tanong niya. Hinapit niya ako sa bewang para maka silong sa payong na bitbit niya.
Napalunok ako ng ilang beses ng ilapit niya ang muka sa akin. "I'm asking you..."
Agad akong nag iwas ng tingin lalo na ng maramdaman ko ang mabilis na kabog ng puso ko.
This can't be real!
I straddled in his arms ng mas higpitan niya iyon na naging dahilan kaya mas napalapit ang katawan namin.
Oh shit!
He held my chin up para mag tama ang mga mata namin ngunit muli akong nag baba ng tingin. I don't want him to see how I'm miserable but glad at the same time. Darn!
"I know you're not agreed from the marriage. But believe me, I tried to stop the agreement between our families. I even made your life miserable..." nag angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "Yeah, now that makes sense to you why I threaten you to become my three in one." Naiiling pa siya habang nag sasalita. "I just can't believe that you can do all things I'd said. Sa huli ay ako rin ang sumuko sa lahat ng pinagawa ko sa'yo. Ako ang napagod, dahil kahit anong gawin kong pag papahirap sa'yo ay hindi ka sumusuko."
Napatitig ako sa mga mata niya na sa unang pagkakataon ko lang nakita ng malapitan. Para nitong hinihigop ang lahat ng natitira kong lakas dahilan para manghina ako. Ang mga kulay ng bilugan niyang mata ang siyang mas lalong nag pakabog sa puso ko na patuloy ang pagwawala sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam na may iba pa akong kulay na hahangaan bukod sa pink.
"Now I'm giving you two options." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"O-Options?" nag tatakang tanong ko. His grey orbs were looking at me intently.
Nagulat ako ng sumilay ang ngisi sa labi niya at mas ilapit ang muka sa akin na halos gahibla na lang ang pagitan. Napalunok ako ng maamoy ko ang hininga niya na amoy chocolate.
Ginagawa niya bang toothpaste ang chocolate? I shivered at the thought, parang gusto ko ng chocolate ngayon...
"Be mine or I'll be yours." That was the last words I've heard before his lips met mine.
Patuloy parin ang malakas na pag bagsak ng ulan pero sa pagkakataong ito ay tila bumagal iyon sa paningin kong nanlalaki. Masarap pala talaga ang chocolate...
Now the groom finally kisses his bride.
Author's Note:
-Bear with me guys, expect errors in this story. I'm currently editing it so if that happens, feel free to remove this novel on your libraries at saka niyo na lang ulit i-add. Thank you for understanding!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (On Going)
Dla nastolatkówWhen a almost perfect, mataray and brat girl who always gets what she wants meet the fate of this gorgeous-fierce man, will their unexpected destiny lead the way through the midst of their loathed tragedy? Or they will end up repeating its own histo...