Madison's PoV
"Aaarrrgghhh!" gigil na gigil na naman ako ng magising dahil sa gulat sa alarm ko. "Bullshit! Aahhhh! Damn it hurts!" hindi ko na mabilang kung nakaka ilang mura ba ako kada araw pag nagigising ako, kada alarm ng alarm clock ko. At dahil sobrang magugulatin ako, palagi akong nahuhulog mula sa kama ko.
Tumayo ako kahit na namimilipit na ako sa sakit. Pinatay ko ang aircon pati ang electric fan na laging nakatutok sakin 'pag natutulog ako.
Narinig ko ang pag tunog ng buto ko sa likod ng mag umpisa na akong mag lakad papuntang shower. Bali na yata ang back bone ko.
Napapa buntong hininga kong hinubad ang lahat ng suot kong damit bago nag simulang maligo.
Kumukulo ang dugo ko maging ang kalamnan ko, sa tuwing naaalala kong inuutos utusan lang ako ng anak ni satanas na 'yon.
"Grrrrr!" ilang araw narin akong ganito siguro mag ta-tatlong linggo na. Mag ta-tatlong linggo na akong inaalipin ng walangyang 'yon.
Hindi ko parin masikmura kung paano ako napapayag ng sira ulong 'yon. Ginamit niyang excuse ang pagiging anak ng vice president para makuha ang gusto niya. Damn it! Kaya niya raw ipatanggal sa posisyon ang mga magulang ko ng sabay sa mismong harapan ko. Anong klaseng nilalang siya? Gagawin ang lahat, makuha lang ang gusto niya? Ha! How pathetic! I curse him to death!
Napa ngiwi ako ng maka labas ako ng banyo. Nasilip ko ang labas mula sa veranda. Ni hindi pa sumisilip ang araw paalis na ako.
Hindi ko na nagawang mag paaalam pa kay na Mom and Dad kahit sa mga maids na pare-parehas paring mga tulog ng umalis ako.
Agad akong pumara ng taxi ng maka labas ako sa subdivision ko. Naabutan ko pa ang mga guard na nag kakape at mukang nag tataka sa maagang pag pasok ko. Inirapan ko lang sila at hindi na tinarayan pa. Masyado na akong pagod. Bwiset na lalaking 'yon! I swear magsisisi siya pag gumanti ako.
'Cute! Cute! May message ka!'
Habang nasa byahe narinig ko ang pamatay kong ringtone. Kaya bahagyang tumaas ang kilay ko.
Sino naman ang matinong taong mag ti-text ng ganitong kaaaga?
Kumunot ang noo ko ng Unknown lang ang nakita ko.
Unknown:
It is already 5:55 in the morning. 5 minutes left then you're late.
Paano niya nakuha ang number ko? Ughh Nathan!
Pinatigil ko ang taxi sa harap ng coffee shop ko pero hindi pa ako nakakababa ay nakita ko na ang isang lalaki na nag mamadaling lumapit papunta sa akin.
"E-Eto na po ang order niyo s-superior." humahangos na sabi niya at inayos ang buhok niyang tumatabing sa mga mata niya.
"Good. Now go back to your work." muling umandar ang taxi hanggang sa naka rating na kami sa school. "Hanggang dito nalang. Itigil na natin 'to." bumaba ako at binayadan ang taxi driver ng tingin ko ay five thousand na basta ko nalang nakuha sa wallet ko. "Keep the change."
Medyo binilisan ko ang lakad ko para maka rating agad ako sa opisina ng damuhong 'yon. "Heto na ang breakfast mo Commmander."
Pumihit ang swivel chair na inuupuan niya at naka ngisi siyang humarap sakin. "What are you waiting for? Tambak na ang trabaho mo."
Wow. Sinamaan ko siya ng tingin at lumabas sa opisina niya. Ang kapal ng kalyo niya sa mukha bwiset! Agad kong sinimulang ayusin ang mga papers ng mga estudyante at inilagay sa iba't ibang folder. In-incode ko rin ang mga dapat i-incode sa lecheng computer na ito ng biglang mag ring ang telephone na nasa tabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/135530179-288-k112144.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (On Going)
Teen FictionWhen a almost perfect, mataray and brat girl who always gets what she wants meet the fate of this gorgeous-fierce man, will their unexpected destiny lead the way through the midst of their loathed tragedy? Or they will end up repeating its own histo...