Chapter 15

65 8 0
                                    


Madison's PoV

"Where are you going?" tanong ni Yvone matapos kong tumayo.

"Sa counter." maikling saad ko, at saka pasiring na inalis ang tingin sa kanila at nag simula ng mag lakad.

Narinig ko pa ang pagtawag nila sa akin pero hindi ko na sila pinansin. Nag dire-diretso ako papalapit sa counter at nag hanap ng stress reliever.

"What is your order Miss?"

"Wala ba kayong sardines?" kunot noong tanong ko sa kaniya, matapos walang magustuhan na pagkain.

"Po? Ahh.. Wala po kami non."

Pinanliitan ko siya ng mata bago sumagot. "Fine yung black forest pie niyo nalang."

"Hindi pa po luto, Ma'am." anang kahera na nahihiya na.

Taas kilay ko siyang tiningnan at malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumagot. "I'm willing to wait--"

"You bitch!"

"Aahh!"

Natigil ako at napalingon sa pinanggalingan ng matinis na boses na iyon.

Wtf?!

"Stop it Mich!" palahaw ni Yvone matapos buhusan ng babaeng nasa harap na nila ngayon ang isang milk shake kay Calley na walang ginawa kundi ang samaan lang siya ng tingin.

"What the heck Yvone?! So kakampihan mo pa yang hampaslupa mong secretary kesa sa akin--sa amin?!" madamdaming anas nung Mich daw habang dinuduro-duro si Yvone. "Ha! I can't believe you--"

"Wag mong dinuduro si Ms. Smith nang ganiyan!" gigil na gigil na sinabutan ni Calley yung Mich at ang sumunod na nangyari ay nag sabunutan silang dalawa.

Pathetic.

Pero tumayo ang limang babae mula sa isang table at sumugod dun sa tatlo, naki sabunot narin sina Jasmine pati si Gale na ngingisi-ngisi lang habang nginu-ngudngod yung isang babae sa cake na binigay ko sa kanila.

Mag lalakad na sana ako papalapit sa kanila ng pigilan ako ng kahera. Irita ko siyang tiningnan at pinanlakihan ng mata. "Let go!" singhal ko sa kaniya na agad naman niyang ginawa. "Subukan mong hawakan ako ulit, at sisiguraduhin kong uubusin ko ang lahi mo." inis na pinag pagpag ko ang sleves na hinawakan niya.

"S-Sorry ma'am heto na po ang order niyo." naka tungong inabot sa akin ng kahera ang isang Tupperware na padarag kong hinila sa kaniya.

Pero nalag-lag ang panga ko ng pagbaling ko sa table namin ay hindi na ito naka tayo, naka tumba na.

Hindi rin naka tiis sumali rin.

Nakita ko si Yvone na halos kalbuhin na ang isang babae na walang ginawa kundi ang tumili dahil sa hapdi.

Natatawa akong nag lakad patungo sa kanila, pero bago paman ako maka lapit ay napailag ako ng may lumilipad na plato ang sumalubong saakin.

Tsk! Babasagin yun ah!

"Stop it!" singhal ni Ms. Jane na hindi narin naka tiis. Akala ko nga nawala na siya don. Tsk! Agad niyang kinuha ang dalawang babae at binali ang mga braso patalikod. Sinunod niya naman yung iba at wala pang isang minuto pare-parehas na silang naka salampak sa sahig.

"Oh? Nyare dito? Nawala lang ako sandali--Hahaha!" nawala ako sa katinuan ng makita ko si Yvone na namamaga na ang mukha at higit pa sa magulo ang buhok niya.

Nag kulang na sa praktis ang isang to..

Sinamaan niya ako ng tingin bago muling tumingin sa anim na babaeng mas matindi pa pala ang inabot kesa sa kaniya.

Unexpected Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon