Chapter 28

32 6 0
                                    

Madison's PoV

"Be mine or.. I'll be yours."

"Shit!" malakas kong natampal ang bibig ko ng mapa mura ako sa inis.

Kanina pa hindi mawala sa isipan ko ang mga huling sinabi ni Devin, na parang nasa tabi ko lang siya at paulit ulit niya iyong binubulong sa nabibingi ko ng tenga!

Lalo na yung ginawa niya—ugh!

Napa buntong hininga na lang ulit ako saka tumingin sa altar sa harapan ko.

Pag kagaling ko sa school ay sa simbahan agad ako dumeretso. Kanina pa ako dito naka luhod at paulit ulit na humihingi ng tawad sa Diyos. Dahil ako ay nag kasala, sa isip, sa salita, lalong lalo na sa gawa.

Mariin akong pumikit at saka nag dasal ng taimtim.

Lord forgive me from the sins that I've done. Please lord, patawarin niyo po ako. Kung ano-ano po ang naiisip at nagagawa ko. Maniwala po kayo Lord, hindi ko po plinano na mag pa h-halik sa lalaking 'yon. Paki sabi po sa future ko, sorry, kasi hindi na siya ang magiging first kiss ko kasi may nag nakaw na. Huhu sorry po talaga Lord.

Nag antanda muna ako bago tumayo at dire-diretsong nag lakad sa gitna papalabas ng simbahan.

Naramdaman ko ang mga tingin sa akin ng mga taong nandon din sa loob para mag dasal. Agad kong pinag sisihan na sa gitna pa ako dumaan.

Arggh!

Sinawsaw ko muna ang dalawang daliri ko sa holy water bago muling nag antanda saka nag bow sa altar.

Habang papalabas ako ay napapa tingin sa akin ang mga nakaka salubong ko na parang takang taka kung bakit basang basa ako sa suot kong school uniform. Napa simangot ako at nag diretso nalang palabas. Ngayon ko lang naisip na muka pala akong basang sisiw na nag cut ng klase.

"Ate bili na po kayo." alok sa'kin ng isang batang babae na naka suot ng marumi at sira sirang malaking t-shirt.

"Sure." naka ngiting inabutan ko siya ng perang unang nadampot ko sa inilabas kong wallet. Napa ngiti yung bata at inabot sa akin ang isa. "No, bibilhin ko lahat." kinuha ko ang limang pirasong hawak niya at dali dali naman siyang nag halungkat ng panukli sa maliit na bag na naka sabit sa kaniya.

Bago pa niya mabilang ang sukli sa one thousand ay agad na akong nag lakad palayo at muling kumuha sa pitaka ko ng pera at iniabot sa mga namamalimos sa gilid ng simbahan.
Naka ngiti silang nag pasalamat sa akin.

Pinag titinginan naman ako ng mga tao sa paligid dahil muka akong na ngangampanya na nanunuhol ng pera sa botante niya.

Tsh.

Mag lalakad na sana ako paalis ng may mabanga akong lalaki. Balak ko na sanang mag sorry ng mawirduhan ako sa pagkaka-titig niya.

"Why are you wet Miss?" naka ngising tanong niya.

I rolled my eyes, "Malamang umulan. Alangan namang mabasa ako kahit tirik ang sikat ng araw." masungit na sagot ko at nilagpasan na siya.

Kagagaling ko lang sa simbahan pero nag kasala na agad ako!

"Ang sungit mo Miss." narinig ko pa ang halakhak niya. Napa irap na lang ulit ako sa kawalan at mas binilisan ko pang mag lakad.

Napa iwas ako sa isang lubak na may lamang maduming tubig ulan. Tirik na ang araw kaya medyo natutuyo na ako.

Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa marating ko ang lugar kung saan ko pinark si Babylon.

Anong meron dito?

Unexpected Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon