Devin Jake's Point of View
"Heto o, kuhanin mo." inaantok na iniabot ko ang bote ng gatas sa pamangkin kong hindi parin natigil sa pag iyak.
Naka idlip ako ng kaunti kahit papaano ng tumigil siya sa kaiiyak kagabi. Siguro nakatulog, at ngayon gising na naman siya at balik na naman kasi dati.
"Tito, I want milk." nilingon ko si Aljur na nag kukusot pa ng mata habang naghihikab sa labas ng kwarto. Bitbit niya ang barney'ng stuff toy na minana niya pa sa'kin. Napabuntong hininga ako.
"Oh, wait." lumabas ako ng kuwarto ngunit muli ring bumalik nang maalala ko ang pamangkin kong nasa Crib. "Aljur, bantayan mo muna 'yang kapatid mo. Sandali lang ako." at saka ako nag madaling bumaba at nag timpla ng gatas.
Kinuha ko ang cell phone ko mula sa bulsa ng suot kong shorts para sana tawagan si Shaine pero kusa akong nag tatakbo pabalik sa kwarto ng marinig ko'ng lumakas ang iyak ng pamangkin ko.
"What happened?!" Sinubukan kong tinawagan si Shaine pero nakakailang miss calls na ako ay hindi parin niya ito sinasagot. "Shit—Jillian calm down. Darating din si Mommy." nag papanik man ay nagawa ko pang makuha ang jacket ko bago binuhat si Jillian mula sa Crib at inakay si Aljur pababa ng hagdan.
Inilagay ko sa passenger seat si Jillian samantalang sa back seat naman naka upo si Aljur at nag lalaro ng ipod. Sandali akong bumalik sa loob para kunin ang stroller saka nilagay sa compartment ng kotse.
Matapos kong lagyan ng seatbelt ang mga pamangkin ko ay nag drive na ako paalis ng bahay..
--
Madison's PoV
"Madie anak, gumising kana diyan!"
"Wala namang pasok e, just... just let me sleep Mom." inaantok na tugon ko.
"No! Huhuhu. Bumangon kana diyan, hinihintay kana ng maga-ama mo. Huhuhu."
Tila awtomatikong nag mulat ang mga mata ko at gulat na tumitig sa naka saradong pinto. Umiiyak ba si Mom?
Bumangon ako mula sa pagkakahiga pero napa hawak ako sa head board ng kama ng bigla akong mahilo. Antok lang 'to.
Isinuot ko ang aking tsinelas bago lumabas ng kwarto, pero hindi ko na naabutan si Mom doon kaya napag desisyunan kong bumaba nalang sa hagdan at kumain ng umagahan.
Hindi ko namalayan na ang suot ko lang pala ay ang pinaka maikli kong night gown dress at dahil sa nipis nito, napagtanto kong wala pala akong suot na bra, dahil bakat ang nipples ko. Hindi ko na pinansin 'yon dahil nasa bahay lang naman ako. Kung may makakakita man sa akin siguro ay sina Mom at Dad lang pati ang mga kasambahay naming lahat ay babae.
Nagtuloy tuloy ako sa pagbaba ng hagdan at dumeretso sa dining. Siguro naman ay nasa labas pa ang mga hardinero namin. Maging ang sandamakmak na body guards namin. Siguro naman walang bisita si Mom. Siguro naman—
"Good Moaning Hon."
"WHAT THE—" nanlalaki ang mga matang tinakpan ko ang aking katawan ng pasadahan ako ng tingin ng anak ni Satanas. "A-Anong ginagawa mo dito?!"
"Binibisita namin ang mommy nila. Diba baby Aljur?" nag salubong ang kilay ko ng makita ang pamangkin niyang nakaupo katabi siya na punong puno ng bacon ang bibig kaya tumango-tango nalang. "At saka kagabi pa umiiyak si Jillian, ngayon lang siya dumede ng si Mom na yung nagbigay sa kaniya." sinundan ko ng tingin ang sinasabi niya, nakita ko si Mom na ngiting ngiti gayundin si Dad habang nilalaro ang isang sanggol.
"A-ANONG PINAGSASABI MO DIYAN?!"
"Madison! Hindi ka namin pinalaki ng ganiyan ng Mommy mo, wag mong sinisigawan ang bisita!" humarap ako kay Dad saka siniringan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (On Going)
Teen FictionWhen a almost perfect, mataray and brat girl who always gets what she wants meet the fate of this gorgeous-fierce man, will their unexpected destiny lead the way through the midst of their loathed tragedy? Or they will end up repeating its own histo...