Madison's PoV
"What the?!" gulat akong napa tingin kay mom at dad na walang habas na nag lalampungan sa kusina. "Tsk! Manang!"
Agang aga ba naman?! Tsk!
Iritang nag dirediretso sa reff para kumuha ng tubig. "Anak okay kana ba?" tanong sa akin ni Dad pagka upo ko sa dining table.
"What do you think dad?" sarkastikong sabi ko sa kaniya bago lumingon sa kadarating lang na si Manang. "Kindly get my stuff at Dad's Car." pagkasabi ko non ay sumubo na agad ako ng ham at bacon.
"Why Madie? Hindi kaba sasabay sa amin ng dad mo?" nag tatakang tanong ni Mommy pagkaupo sa tabi ko.
"What do you think mom?" nag katinginan silang dalawa, bago parehas na humagalpak ng tawa.
Tumaas naman ang kilay ko, bago iiling iling na ipinag patuloy ang pagkain.
"You have the same words today morning anak."
"What the?!" napa lingon ako sa hagdan ng may narining akong kumalabog. Medyo tumagilid pa ang ulo ko habang pinag mamasdan si Manang na naka upo sa hagdan na tarantang pinupulot ang mga gamit na naka kalat sa sahig.
"Uh--Do not touch that one!" mabilis akong tumakbo at inabot sa sahig ang ballpen na sana'y pupulutin na niya. "I can manage these Manang go back to your job." medyo masungit na saad ko bago iniligpit ang gamit kong naka kalat.
Muntik na siyang mabiktima ng kuryente nitong mga gamit ko ah. Gusto yatang matusta ni Manang ng maaga.
"Hahaha!"
"Hahaha! Stop tickling! Hahaha!"
Napalingon ako sa kusina ng may marinig akong hagikhikan.
"Aish!" bugnot na bugnot na umalis ako ng bahay at sumakay kay Babylon.
*******
"What?!" gigil na gigil na hinarap ko ang guard na naka harang sa daan. "Are you nuts?! Get out of my way!"
"S-Sorry po ma'am n-napag utusan lang." naka tungong sabi niya.
"So? If I know, body guard ang trabaho mo hindi utusan!" pigil ko ang sarili na makwelyuhan si Manong Guard.
Bwiset! Bakit ba kasi ayaw akong papasukin?!
"S-Sorry po talaga ma'am, bukas nalang daw po kayo bumalik."
"What?! At sino ang nag utos sayo? Makapag utos akala mo—" halos mapa talon ako sa gulat ng makita ko kung sino ang nasa likod ko.
"Ako ang nag utos." napa atras ako kay Manong Guard ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. "May problema kaba don?" naka ngising sabi niya.
"Ha! Lumayo ka nga sa akin! Anak ni Satanas! Pamangkin ni Lucifer!" agad ko siyang tinulak palayo sa akin, pero parang wala lang 'yon sa kaniya. Kaya ako ang umisod sa gilid na dapat hindi ko na ginawa.
Dammit!
Napa atras ako sa isang poste, at balak ko na sanang tumakbo ng iharang niya ang kaliwang braso niya, tumingin ako sa kanan at halos isiksik ko na ang sarili ko sa pader, baka sakaling lamunin ako nito dahil wala na akong malulusutan.
"Now you're doom." nag tama ang mata namin ng sabihin niya 'yon.
Unti unti siyang lumapit, dahan dahan ko namang pina dausdos ang sarili ko, para sana maka lusot ako sa gilid niya pero ganon rin ang ginawa niya. Kaya sa madaling salita para kaming tanga.
"A-Ano ba!" tinulak ko siya ng malakas pero lalo lang siyang lumapit.
"Ano yung sinasabi mo?" napa lunok ako at hindi naka sagot sa tanong niya. "Baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa akin? Yung pag gasgas mo sa kotse ko, at yung pag bato mo—" huminto siya at tumingin sa baba bago naka ngising tumunghay ulit sa akin. "Nang bola." napa pikit ako ng mas lalo niyang ilapit ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (On Going)
Ficção AdolescenteWhen a almost perfect, mataray and brat girl who always gets what she wants meet the fate of this gorgeous-fierce man, will their unexpected destiny lead the way through the midst of their loathed tragedy? Or they will end up repeating its own histo...