2

3.5K 77 0
                                    

"My dearest friends, minsan lang dumating ang true love sa akin, kaya ko hinahabol! Yeah, I am 99.9% sure that he doesn't like me. But it's the 00.1% that keeps me going." aniya.

"E may magagawa nga ba 'yang 00.1% na 'yan?" sabay-sabay na sabi ng tatlo.

"Oops... tantanan niyo na si Morphs, malapit na 'yang umiyak. Pinagkakaisahan niyo na e." ani Kevin Louie, na noon ay nasa counter at nakikinig ng usapan nilang magkakaibigan.

Tumayo siya at mabilis na lumapit sa kaibigan. "'Buti ka pa Kevs, may pag-aalala sa akin, hindi tulad ng tatlong 'yan." Sabay turo niya sa tatlong nakangiting kaibigan. "Puro mga bully queens."

Ngumiti si Kevin Louie sa kanya. "Sino pa ba ang kakampi sa 'yo, kundi ako lang. Kawawa ka naman." sabay gulo nito ng buhok niya.

Naging magkaibigan sila ni Kevin simula nang pangalawang taon niya sa kolehiyo, dahil sa dalas na pagtatambay nilang magkakaibigan sa magandang Coffee shop, na pinamamahalaan nito at pag-aari ng tiyuhin nito.

Like Kiefer Isaac Sandejas, kumuha rin ito ng kursong Bachelor of Science in Communication Technology Management student at kapwa nasa parehong huling taon ng kolehiyo and luckily kapareho pa nito ng section si Kiefer, kaya minsan ay dito rin siya humihingi ng balita tungkol sa iniirog niya.

"Salamat Kevs, 'yaan mo ililibre kita sa susunod." Aniya.

"'Sus, maniwala ka dyan Kevs, nakailan na bang sabi 'yang si Amorphina na ililibre ka? Pero hanggang ngayon ay wala pa rin." ani Rico.

"I said don't call me that name, endearment 'yan ni Kiefer para sa akin!" aniya.

"Endearment?" nagkatawanan ang tatlong mga kaibigan niya, mabuti na lang at kakaunti pa lang noon ang mga customers sa Tambayan café, wala pang nakakarinig sa mga sinasabi niya, maliban sa mahigit sampung kataong naroon.

"Ito, mag-juice ka na lang, bawal na sa 'yo ang coffee dahil baka mas lalo ka pang maging hyper." sabay abot ni Kevin Louie sa kanya ng mango juice.

"Akala ko ba coffee shop ito, bakit may juice kayo dito?" biro niya.

Napangiti ang binata. "We also serve juices."

"Okay lang sa akin ang kape at kaya ko pang kontrolin ang sarili ko," she chuckled. "maliban na lang kung lalagyan mo ng gulay, baka bigla akong himatayin."

For her, gulay are monsters! Mula pagkabata ay hindi siya nasanay kumain ng mga gulay dahil sa panlasa niya ay lasang-lupa ang mga 'yon. She once challenged herself to eat vegetables but she just ended throwing up, it was useless.

"Yeah," nakangiting sabi nito. Alam na kasi nitong ayaw niya sa mga 'yon. "You know what Morphs, kasing ngiti mo talaga ang Tito ko,"

"Really? Then, he must be so cute." She chuckled. Natawa na lang din si Kevin Louie.

Hanggang sa unti-unti nang nagdadagsaan ang mga regular customers ng Tambayan café, pero alam niyang si Kevin Louie lang ang ipinupunta ng karamihang mga kababaihan doon, bukod kasi sa mabait ang kaibigan niya ay palangiti din ito, guwapo at matangkad pa, nagtataka nga siya kung bakit hindi ito sumali sa kanilang basketball team, ang sabi lang nito noon ay wala daw itong time para doon dahil busy ito.

Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na sila kay Kevin Louie dahil magsisimula na ang kanilang second subject bago mag-lunch break. Napabuga siya ng hangin, nami-miss na uli niya ang jersey number fifteen player ng Eagles—si Kiefer!

"YOU KNOW girls, hindi ko inakalang ang bait pala talaga ni Kiefer Isaac, 'no? Hindi lang 'yon napaka-friendly pa niya."

"Yeah, siya nga ang crush ko sa Basketball team e, he is oh-so-cute lalo na kapag ngumingiti at bagay na bagay ang bansag nila sa kanyang 'The Phenom', dahil laging outstanding ang mga laro niya."

"Yeah, pero ito ang goodnews, balita ko hanggang ngayon ay wala pa daw siyang pinopormahang babae dito sa Campus. Marami ang nagtatapat ng paghanga sa kanya—lalo na si Morphine na talagang lantaran, pero wala, as in dead-ma, dahil sa pagkakaalam ko ay hindi niya type ang mga babaeng habol nang habol."

"Kung ako rin naman si Kiefer Isaac, hindi ko magugustuhan ang mga babaeng habol nang habol, 'no! Nakaka-annoy kaya."

"Ay true! Kaya sorry na lang sa mga girls na habol nang habol, dahil wala na silang pag-asa sa kanya."

Saka sabay na nagtawanan ang tatlong bruhildang kaklase ni Morphine. Ano kayang tingin ng mga ito sa kanya, invisible at gano'n gano'n na lang kung mag-usap ang mga ito, samantalang alam naman ng mga ito na nasa likuran lang siya.

Nanggagalaiting napatayo siya sa kanyang kinauupuan. Wala ang tatlong mga kaibigan niya para awatin siya dahil may kani-kanyang date ang mga ito sa mga nobyo ng mga ito, kaya nagpaiwan na lang siya sa Pharmacy Lab para hindi ma-OP.

Eksaherada siyang tumikhim para maagaw ang atensyon ng tatlong bruha at gano'n na nga ang nangyari nang sabay-sabay na napalingon ang mga ito sa kanya. Agad na nagsalubong ang kanyang makapal na kilay.

"M-Morphine, nandyan ka pala." Gulat na gulat na wika ni Ethel.

"Oo! At dinig na dinig ko ang mga usapan niyo!" pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili, dahil baka bigla na lang niyang pag-uuntugin ang mga ito.

"You know naman na we were just blabbering non-sense things," ani Nancy, na pilit ang ngiti.

"Really, huh?" sarkastikong sabi niya.

Tumango-tango si Isabel. "Huwag mo nang isipin ang mga sinabi namin, joke lang 'yon."

Mukhang natakot bigla ang mga ito dahil sa gawi nang pagtitig niya isa-isa sa mga ito. "Hindi ba kayo magre-review? May long quiz mamaya sa Toxicology ah, sige kayo rin..." She smiled devilishly.

"M-May quiz?" sabay-sabay na tanong ng mga ito, na tila biglang na-bother, sabay-halungkat sa kani-kanyang mga notebook sa bag ng mga ito.

"I didn't know na may quiz, hindi ako nakapag-review." Nag-aalalang sabi ni Nancy.

"My God! Ang hirap pa naman ng Toxi, what to do?" ani Isabel.

"I don't have my notes, pahiram ng notes niyo." ani Ethel.

Napailing siya, biro lang niyang may quiz para parusahan ang tatlo, pero mabuti na rin siguro 'yon para hindi puro chismis ang inaatupag ng mga ito.

Kinuha niya ang notebook niya mula sa kanyang bag saka inabot kay Ethel. "Hiramin mo na lang muna itong notebook ko," nakangiting sabi niya.

"Oh! You're so sweet, pero paano ka?"

"I've already memorized everything what's inside," aniya, saka siya naglakad palabas ng Pharmacy lab, pero bago pa siya tuluyang makalabas ng pintuan ay bumaling uli siya sa tatlo. "I'm just kidding na may quiz ngayon, pero mag-aral na rin kayo para sa mga kinabukasan niyo."

Nakita niyang napanganga ang tatlo. Napangiti siyang tumalikod sa mga ito, saka na siya nagtungo sa canteen, bigla kasi siyang nagutom dahil sa narinig niya.

"...Marami ang nagtatapat ng paghanga sa kanya—lalo na si Morphine na talagang lantaran, pero wala, as in dead-ma, dahil sa pagkakaalam ko hindi niya type ang mga babaeng habol nang habol."

OMG! Totoo kayang ayaw ni Kiefer ng babaeng habol nang habol dito? No, hindi siya maaaring panghinaan ng loob! Siya si Morphine Reyes, walang inaatrasan!

The perks of being in love; has a never-give-up character and a positive attitude.

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon