"DON'T BLAME yourself baby, it wasn't your fault. It was an accident." Anang Mommy ni Morphine, na isa sa mga sumuri kay Kiefer sa Saint Bernadette Hospital na pinagdalhan sa binata.
Ang sabi ng driver ng sasakyan na nakabangga kay Kiefer ay ito na daw ang magbabayad sa hospital bills ng binata, mabuti na lang at responsible ito sa nangyari.
Dalawang araw nang nakaratay sa hospital bed si Kiefer at wala pa ring malay at hindi niya alam kung paano kokontakin ang pamilya nito sa States para ipaalam sa mga ito ang nangyari.
Nagtamo ang binata ng minor head injuries kaya nakabendahe ngayon ang ulo nito at nakasuot ng oxygen mask para tulungan itong makahinga nang maayos, nabugbog din daw ang katawan nito dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ng katawan nito sa sasakyan at pagkabagsak nito sa daan.
He didn't wake up when he was supposed to, kaya hindi niya mapigilang mag-alala. Ang sabi ng Mommy niya ay nasa mabuting lagay na ito at marahil kaya daw hindi pa ito nagigising ay dahil sa epekto ng mga gamot na ibinigay dito.
Hindi na tuloy niya napigilang mapahagulgol at mapayakap sa Mommy niya. She was very worried na baka... No, hindi siya pwdeng mag-isip nang kung ano, God is powerful at tutulungan ng Diyos na mapagaling si Kiefer at makabalik sa dati nitong masiglang pangangatawan.
"Mom, please do everything to save him. Mahal na mahal ko siya, Mom." Umiiyak pa ring sabi niya.
"Of course, baby. And believe me when I say he will gonna be alright."
Umalis na muna ang Mommy niya para bumisita sa ibang mga pasyente nito. She fell on her knees and started praying.
Pleade God, help him! Mahal na mahal ko po siya at ayoko siyang mawala sa buhay ko. I was so selfish when I've decided to set him free, samantalang ramdam kong mahal na mahal niya ako, masyado ko lang pinairal ang pagseselos ko, inaamin kong malaki ang pagkakamali ko dahil sinaktan ko siya, kaya please God, let me have a second chance with him. Please... Please... pagdadasal niya. Hindi uli niya napigilang mapaiyak.
"Don't ever let go of hope, hindi pa siya patay at alam kung lalaban at lalaban siya para sa mga taong mahal niya, lalo na ikaw!"
Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaluhod para tingnan ang taong pumasok sa ICU room—it was Mikaela, na mabilis na nakalapit sa kanya, hinawakan nito ang dalawang kamay niya saka nito pinisil ang mga 'yon. Malungkot na malungkot din ang mukha nito.
"I'm sorry, it was all my fault kaya nangyari ito." Anito, saka ito napailing. "Kung hindi sana ako gumawa nang eksena nang araw na 'yon, hindi ito mangyayari, I'm really so sorry." Tuluyan na rin itong napaiyak. "I just couldn't help myself but to confess my feelings for him, pero kahit no'ng magkita kami, ramdam kong nawala na 'yong pag-ibig na mayroon siya dati para sa akin."
"Mika..."
"You're Morphine, right?" anito, tumango naman siya. "Ikaw ang babaeng laman na ngayon ng puso niya. At hindi niya isa-sacrifice ang life niya para sa 'yo kung hindi ka niya mahal na mahal."
Tumulo na naman ang luha mula sa kanyang mga mata. Kiefer truly love her and she loves him too!
"Bigla akong nawalan nang lakas ng loob na makita si Kiefer dahil sa kalagayan niya at nagi-guilty din ako sa nangyari, kaya nagkakasya na lang ako sa paninilip ng kahit saglit mula sa labas ng pintuan, nitong nakaraang araw, feeling ko kasi ako ang puno't dulo nang pangyayaring ito and I am here right now para humingi ng sorry."
Umiling siya. "Hindi mo kasalanan Mika," saka niya ito niyakap. "Walang may kagustuhan nang nangyaring ito."
Gumanti ito ng yakap. "Thank you," saka nito hinigpitan ang yakap sa kanya. "Ngayon ay ipinapaubaya ko na ang pag-aalaga kay Kiefer, love him so dearly dahil hindi ko 'yon naibigay sa kanya no'ng ako pa ang gusto niya. I will pray for his fast recovery."

BINABASA MO ANG
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)
Teen FictionPapatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love niyang si Kiefer Isaac! <3 (Inspired by Kiefer Isaac Ravena)