20

6.2K 162 15
                                    

After three months

NAPABUSANGOT si Morphine dahil nang puntahan niya kanina si Kiefer sa gym ay wala ito doon. Hindi pa ito naglalaro ng Basketball dahil pinapag-pahinga pa ito ng Coach nito, pero nagpupunta ito sa gym para sumuporta sa mga team mates nito.

Hindi nga ito nakapaglaro sa unang game sa quarter finals, best of three, mabuti na lang at inspired ang mga kasamahan nito at inalay sa binata ang laro, kaya nanalo ang team nila, hoping na makakapaglaro na din si Kiefer sa susunod na game ng mga ito—two weeks from now.

Napabuga siya ng hangin. Dalawang araw na niyang hindi nakikita si Kiefer, hindi man lang ito nagpaparamdam sa kanya, ni text o tawag ay walang siyang nari-receive dito. At ni hindi rin niya ito nakikita sa gym. Saan kaya ito busy? O baka naalog na ang puso nito mula sa aksidenteng nangyari dito, kaya nag-iba na rin ang nararamdaman nito sa kanya.

Napasubsob na lang siya sa mesa niya. Nasa Pharmacy Lab siya dahil malapit nang magsimula ang kanilang klase. Mayamaya ay bigla na lang siyang nakarinig ng tugtog na nagmumula sa isang gitara and...

"Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko? Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko? Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa 'yo, 'di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko..."

"Oh my God, may nanghaharana yata sa ibaba ng building..." Narinig niyang sigaw ni Rico.

"Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko? Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko? Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo, 'wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko... Sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya..."

"My God, ang sweet!" tili ng mga kaklase niya.

"At aasahang iibigin ka... Sa tanghali, sa gabi at umaga, huwag ka sanang magtanong o magduda, dahil ang puso ko'y walang pangamba, lahat tayo'y nabubuhay nang tahimik at buong ligaya..."

"Panoorin natin!" tili ni Max at Mhel, kaya nagsitayuan na ang mga kaklase niya para panoorin ang sinumang kumakanta sa harapan ng building nila, na wala naman sa tono.

Mabilis siyang napaangat ng ulo, dahil pamilyar ang boses ng sinumang kumakanta na 'yon sa harapan ng building nila. Dahan-dahan na siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa na naglalakad papunta sa terrace ng kanilang Pharmacy Lab.

Napalingon ang mga kaklase niya sa kanya na may kani-kanyang mga ngiti sa mga labi. Kulang na lang yata ay magtitili na ang mga ito sa sobrang kilig. Patuloy pa rin sa pagkanta ang pamilyar na boses sa ibaba ng building nila.

Habang papalapit siya nang papalapit sa terrace ay mas bumibilis ang tibok ng puso niya. Hanggang sa tuluyan na rin siyang napadungaw doon—at tama siya nang hinala—it was Kiefer—na may nakasukbit na gitara sa katawan nito at may microphone with stand sa harapan nito. At sa background nito ay may malaking tarpouline na nakasabit sa malaking puno ng acacia at may nakasulat na... "I love you, Morphine Reyes! Forever and ever!"

He was serenading her with Eraserhead's Ligaya.

"At aasahang iibigin ka... Sa tanghali, sa gabi at umaga, huwag ka sanang magtanong o magduda, dahil ang puso ko'y walang pangamba, lahat tayo'y nabubuhay nang tahimik at buong ligaya..."

Napangiti na siya nang tuluyan. Mas lalo siyang nai-in love dito, each of everyday! Nakita niyang ngiting-ngiti si Kiefer habang feel na feel nito ang kinakanta nito, hindi na nga alintana nito ang mga taong nakapalibot na dito. Para tuloy itong may concert sa harapan ng building nila, padami nang padami ang mga taong pumabalibot dito.

Nang matapos na itong kumanta ay nag-flying kiss pa ito sa kanya, saka yumukod sa harapan niya at sa mga nanonood dito. Hindi na niya napigilang takbuhin ito sa ibaba ng building, napansin din niyang pati si Ms. Maggizl ay naroon na din pala sa terrace at nakangiting nanonood sa paghaharana ni Kiefer.

Nang makarating siya sa ibaba ng kanilang building ay nagpapalakpakan na ang mga tao at humihingi pa ng isang kanta mula sa binata—napangiti siya, kahit wala sa tono si Kiefer ay nadaan pa rin nito sa charm ang pagkanta nito, kaya maraming naaliw dito—at sa kaalamang isang basketball idol, kumakanta sa harapan nila? How lucky they can get?

Nang makita siya ni Kiefer na naroon na ay mabilis nitong ibinigay ang gitara sa isa sa mga kasamahan nito sa Basketball na naroon sa audience, saka ito nagpaalam sa mga tao. Naglakad ito palapit sa kanya, saka bigla na lang siyang tinangay—tumakbo sila palayo sa maraming tao na naroon.

"Marunong kang mag-gitara?" nakangiting tanong niya, habang patuloy pa rin sila sa pagtakbo.

He chuckled. "Nawala ako sa sirkuslasyon ng buhay mo ng dalawang araw to surprise you with this, para pag-aralan ang kantang tinugtog ko, nakiusap ako kay Kevin kung maaari niya akong turuang mag-gitara and you know, he asked me if he could join the Basketball team, maluwag na daw ang schedule niya ngayon since marami nang nag-apply na male crews in the café, dahil lalaki lang yata ang pwedeng maging crews doon." Sagot nito, tumango-tango naman siya. "At kinanta ko ang ligaya dahil ikaw lang ang tanging ligaya ko."

Napangiti na din siya. "Ang cute-cute mo." Hindi niya napigilang puri dito. Sa school lagoon siya dinala nito, tahimik doon at walang masyadong tao, plus presko at maganda ang ambiance. Nagulat siya nang bigla na lang siyang halikan nito sa kanyang mga labi.

He smiled. "You stole my heart that's why I steal you a kiss, now we're even." Natatawang sabi nito.

Magaan niyang hinampas ang balikat nito, saka siya sumeryoso. "I promise to love you for the rest of my life,"

"And also for the rest of my life—we will love each other forever." Dugtong nito.

Tumango-tango siya, saka mabilis na yumakap dito. "Okay na sina Mommy and Daddy. And next month ay magiging Amorphina Reyes Rumualdez na ako, pati si Mommy. They're getting married!" Masayang balita niya. Nakilala na rin ni Kiefer ang mga magulang niya last time sa hospital.

Gumanti ito ng yakap. "Maayos na din ang lahat sa amin ni Mika, alam niyang ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa kabilang mundo."

"I know," she smiled. "Mika and I were already friends and we constantly chat thru facebook." Balita niya.

"That's good to know." Masayang wika nito. "Bumalik na sina Mommy and Daddy sa States, at ang sabi nila na kapag dumalaw daw ako doon, dapat kasama kita."

Napangiti siya. "Of course, I will." Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "The first time I saw you, may ibinulong ang puso ko sa akin..."

"What is it?" nagtatakang tanong nito.

"My heart whispered—'that's the one'."

He smiled. "You know what, if you were a basketball, I'd never pass because I want to keep you all to me," he chuckled. "It sounded so possessive and cheesy, right?" he smiled.

Tumango-tango siya. "But that was so sweet." Nakangiting sabi niya, natawa na din ito, saka ito yumakap sa baywang niya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

The perks of being in love; It can suspend time making the whole world seem still except for the two of you. It feeds you more than any nourishment and you feel full in the presence of love. It knows no depth and stays with you. You become unselfish, contented, patience and understanding. And each day, you will wake up with a happy face.

Love is indeed a pretty powerful drug for those who are truly in love.

WAKAS


PS. Spin off po ng story na ito ay 'yung "SAY IT AGAIN", na nakapost din dito sa watty. Story naman 'yon ni Kevin Louie :)


🎉 Tapos mo nang basahin ang The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED) 🎉
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon