4

3.1K 68 0
                                    

"EVERYBODY knows how to love but few people know how to stay in love with one person forever. Guys, can you help me get a date with Kiefer Isaac Sandejas, by liking this status? I've loved him since the first day I saw him. Please don't be a killjoy and help me live a happy love life. Let's reach a hundred thousand likes. Help me by telling this to your friends, families and acquaintances. Thanks a lot. God bless."

Nag-post na agad si Morphine ng kanyang status sa Facebook account about winning a date with Kiefer. She crossed her fingers, sana ay umabot 'yon ng isang daang libong likes. Mukha yatang malabo! Kontra ng isipan niya, dahil dalawang libo lang ang FB friends niya at isang libong followers, pero hindi siya dapat panghinaan ng loob.

Nagsabi na rin siya sa kanyang mga kaibigan na ipalaganap ang kanyang Fb status para ma-like nang karamihan.

She is crazily in love! Pero that's love. Gagawin niya ang lahat sa larangan ng pag-ibig. Kahit pa imposible ay gagawin niyang posible. Huminga siya nang malalim, may thirty likes na ang status niya sa loob ng dalawang minuto. She needed to gain more likes!

Dear God, sana po maka-one hundred thousand likes ako bago matapos ang palugit. This is my dream—to have a date with my dream guy and spend the rest of the evening chatting with him. Panalangin niya.

Nakakailang monologue na din siyang 'ka-date si Kiefer', kaya sana ay umayon sa kung ano ang dream niya—ang tadhana. Kaya mo 'yan, ikaw pa!

"CENTRAL nervous system drugs—that is, drugs that affect the spinal cord and the brain—are used to treat several neurological and psychiatric problems. For instance, anti-epileptic drugs reduce the activity of overexcited brain areas and reduce or eliminate seizures." Nasa harapan ng pisara si Ms. Maggizl habang nagdi-discuss sa lecture nito sa Pharmacology, pero ang isip ni Morphine ay naglalakbay sa kung saan.

Nai-stress siya sa magiging outcome ng FB status likes niya after a week. As of now, nasa one hundred twenty likes pa lang siya at medyo madami-dami pa ang hahabulin niya. Isang araw na ang nagdaan, kung ganito nang ganito ang mangyayari, tiyak wala na siyang pag-asa!

Kailangan talagang may gawin na siya! Kailangan talagang kumilos na siya para sa ikauunlad ng buhay-pag-ibig niya! Siya si Morphine at gagawin niya ang lahat para maging posible ang imposible!

"Ms. Reyes, are you listening?"

"Ma'am?" napakagat siya sa ibabang labi niya nang maagaw niya ang buong atensyon ng lahat, sa loob ng klase. Ms. Maggizl was talking to her and she wasn't listening. "Sorry po Ma'am." Sabi na lang niya, saka napayuko. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya hindi naging attentive sa teacher niya.

"I was asking if you could give me an example of an antipsychotic drugs." Pag-uulit ni Ms. Maggizl sa tanong nito.

Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan niya. "Ahm, we have two types of antipsychotic drugs; typical and atypical..." Saka siya nag-example ng ilang mga gamot na nabibilang sa typical at atypical, bago uli siya umupo.

"Good." Nakangiting sabi ni Ms. Maggizl. Napangiti siya, malaki talaga ang naitutulong ng pag-a-advance reading.

"Ms. Maggizl, bagay na bagay po kay Morphine ang mga gamot na 'yun, may OTC po bang ganyang gamot?" natatawang tanong ni Max, na katabi niya.

"Max, ang tanong—eepekto nga ba kay Morphine ang ganyang gamot?" natatawa ding segunda ni Mhel.

Akmang magsasalita si Rico nang taasan niya ito ng kilay, mabuti naman at napasara agad ang bibig nito.

"Stop teasing her," nangingiting awat ni Ms. Maggizl sa mga kaibigan niya. "Okay, let's move to the Cardiovascular drugs," pamumutol nito nang usapan. "These drugs affect the heart and blood vessels and are divided into categories according to function..."

"Excuse me Ms. Maggizl, may gamot din po ba para sa mga broken hearts?" tanong ng isa sa mga kaklase niyang lalaki. "Broken hearted po kasi 'tong si Adrian ngayon e." saka ito tumawa.

Tumawa ang teacher nila, mabuti na lang at hindi ito tulad ng iba nilang teachers na napaka-seryoso sa buhay, palibhasa si Ms. Maggizl ay masayahin at approachable at saka alam din naman nila ang limitations nila.

"There's no such drugs for broken hearts, bagong pag-ibig, maghanap siya ng bagong pag-ibig or have fun with your family and friends, makakalimot din siya, in God's perfect time." Sagot ni Ms. Maggizl.

"Oh, narinig mo Morphine?" sabay kalabit ni Rico sa kanya.

Mabilis naman siyang napalingon sa kaibigan. "So? Anong koneksyon no'n sa akin?" mahina niyang tanong.

"Kailangan mo nang maghanap ng iba, kaysa ma-broken heart ka pa nang dahil kay Kiefer." Anito.

"What? You want me to forget Kiefer?" biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito.

Tumango-tango ito. "Prevention is better than cure, kaya habang maaga pa, kalimutan mo na siya, madami pa namang lalaki dyan sa tabi-tabi na kaya kang bigyan nang much attention kaysa sa kanya."

"Are you sick? Why would I do that?"

"Okay, alright! He's the hottest guy in this school, pero ayaw kitang masaktan."

"I fell in love with him not because he was the hottest guy in this school, but because everytime I see him, I have this unexplainable feeling that only my heart could answer—and that's love."

"Morphine..."

"Sshh, nagkaklase tayo. Iba 'yang tina-topic mo e." naiiling na sabi ni Morphine, saka na niya itinuon ang kanyang atensyon kay Ms. Maggizl.

Okay lang masaktan, basta si Kiefer ang dahilan. Ganito kalaki ang pagkagusto niya sa binata. Dito siya masaya, kaya she will never give up!

The perks of being in love; always inspired.

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon