"Do you want to join in our upcoming two days Basketball powercamp next week? That will be on Saturday and Sunday. It only happens thrice a year and I want you to meet those hopeful kids na basketball players wannabe." Anyaya nito sa kanya.
"Pwede ba talaga akong sumama dyan?" aniya. Gusto rin kasi niyang matutong maglaro ng Basketball!
"Of course, isama mo pa ang mga kaibigan mo."
"Sure, sure!" nakangiting sagot niya.
"WOW! Kaya pala ganyan ka kasaya, lumi-level up na ang samahan niyo ni Kiefer." Nakangiting sabi ni Max.
"Kumbaga—from rugs to riches, ikaw na girl!" ani Rico, saka ito nakipag-high five sa kanya.
"Salamat guys, so, sasama kayo sa amin next week?" tanong niya.
Umiling ang mga ito. "May pupuntahan kaming tatlo." Sabay-sabay na sagot ng mga ito.
"Ah gan'on? So, iniiwan niyo na ako ngayon?" nagtatampong sabi niya.
"Akala ko ba matalino ka? E ba't naging slow ka por que in love ka lang?" natatawang sabi ni Mhel.
"I don't get it." Aniya.
"Binibigyan ka namin ng much time with your Kiefer, para ma-solo mo siya, kaya hindi na kami sasama." Sagot ni Max.
Tumango-tango siya. "Aba! Kailan pa kayo naging considerate sa feelings ko?" natatawang biro niya.
"Ngayon pa lang!" natatawang sagot din ng mga ito.
"Kaya grab the opportunity, pero huwag kang masyadong magpakapagod next week dahil may medical mission tayo the next day, kaya reserve half of your energy." Ani Rico sa kanya. Tumango at nag-thumbs up na lang siya sa mga ito.
"Dahil mahal ko kayong tatlo, ako ang taya sa mga coffee bills niyo ngayon." nakangitinga anunsyo niya sa tatlo. "Mag-order pa kayo ng cookies and cakes, akong bahala."
"Really?" masayang wika ng mga ito.
Tumango-tango siya. "Don't worry, marami akong naipon mula sa baon na ibinibigay ni Mommy sa akin."
"Kuripot ka naman kasi e," natatawang akusa ng mga ito sa kanya.
Natawa din siya. "Slight!"
"Magkakasundo yata kayong apat ngayon ah," si Kevin Louie ang nalingunan nilang nakangiti sa kanila. Palapit ito at may dalang isang pitchel ng malamig na tubig.
"Upo ka na rin dito, akong bahala sa meryenda mo." Aniya.
Tumawa ito. "Ano'ng mayroon sa 'yo at nanlilibre ka yata bigla." Anito.
"Asus! Malapit na kasing magka-love life 'yan, kaya ang saya-saya niya." sagot ni Rico.
"Talaga?" gulat na tanong ni Kevin. "Sinagot ka na ng nililigawan mo?" biro nito sa kanya.
"Hindi," natatawang sabi niya. "Niyaya lang ako ni Kiefer na um-attend ng powercamp nila."
"Aaah..." tumatango-tango na sabi nito, then he smiled. "Good for you."
"Gusto mo sumama?" yaya niya.
Mabilis na umiling ito. "Darating kasi ang Tito ko mula sa States next week, after couple of years na paninirahan sa States, magbabakasyon siya dito o kung magustuhan daw niya ang pananatili ay lilipat na lang siya dito at dito na siya mamamahala ng business niya. Siya ang may-ari ng Coffee shop na ito."
"Wow! Kaya pala ang ganda ng aura mo ngayon, dahil excited ka nang makita ang tito mo." Ani Max dito.
"Yes! Malaki kasi ang pasasalamat ko sa kanya dahil siya ang nagpapaaral sa akin, kaya bilang ganti ay inaalagaan ko nang mabuti itong shop niya."
"I'm so happy for you dahil magkikita na uli kayo ng mabait mong Tito." Nakangiting sabi niya.
"Thanks, sige dito muna kayo, aasikasuhin ko pa ang ibang mga customers." Nakangiting sabi nito, tumango na lang silang tatlo.
"Kaya siguro hindi siya sumasali sa mga clubs sa School dahil busy din siya dito sa Coffee shop nila," konklusyon ni Mhel.
"Tama! Napaka-hardworking niya 'no?" ani Max.
"Kung siguro wala pa akong dyowa, magugustuhan ko 'yang si Kevs e," natatawang sabi ni Rico.
Mabilis niyang natampal ang braso nito. "Incest ka, girl!" kunwari ay nandiri siya sa sinabi nito, para na kasi silang magkakapatid e.
"Anong incest? E hindi naman kami magka-anu-ano ni Kevs e." Natatawang sabi nito. "Fine! E di kayo na lang ni Kevs." biro nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Gusto mong maligo nang may yelo-yelong tubig?" banta niya dito, saka siya napangitin sa pitsel na dinala kanina ni Kevin para sa kanila.
Tumawa si Rico. "Joke lang, 'to naman hindi na mabiro."
Napailing na lang siya! That was the craziest thing na sinabi nito, ever!
BINABASA MO ANG
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)
Novela JuvenilPapatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love niyang si Kiefer Isaac! <3 (Inspired by Kiefer Isaac Ravena)