17

3.3K 78 0
                                    

"MORPHINE!" saway ng Mommy ni Morphine sa kanya, saka siya mabilis na hinila palayo sa Daddy niya, pero mabilis uli siyang nakalapit sa Daddy niya, hanggang sa huli ay sumuko na din ito. Bumaling ang Mommy niya sa Daddy niya. "Okay, kailangan mo na rin sigurong malaman ang buong katotohanan, Joax."

"What is it?" tila curious na curious ding tanong ng lalaki.

Bumuga ng hangin ang Mommy niya, saka saglit na natahimik, hanggang sa... "M-Morphine is your daughter." Pagtatapat nito na ikinalaki ng mga mata ng Daddy niya. "Yeah, she is your daughter. Hindi ko sinabi sa 'yo twenty years ago na nagdalang-tao ako sa magiging anak natin, dahil pinapili ako ng Mama mo; ikaw ba o ang magiging anak natin—kung ikaw ang pipilin ko, pagka-panganak ko ay kukunin nila sa akin ang bata—pero kapag ang bata ang pinili ko, kailangan kong lumayo sa 'yo and I chose the latter part." Pagtatapat ng Mommy niya. "Aside from that, gusto kong makapamuhay ka nang mas maganda at maayos, maganda ang angkan ng babaeng napili ng mga magulang mo para pakasalan mo, kaya kahit masakit ay hinayaan kitang kunin nila sa akin, I want you to have a great life, back then..."

"But you said na hindi mo na ako mahal... at si Jake na ang mahal mo..." anang Daddy niya, na marahil tinutukoy ang old friend ng Mommy niya.

"I'm sorry, but I lied." Nangingilid ang luha ng kanyang Mommy, halatang nasasaktan pa rin ito hanggang ngayon at gano'n rin ang Daddy niya. "Ginawa ko lang 'yon para mapabilis ang paghihiwalay natin."

"Bumalik ako ng bansa para hanapin ka, dahil hindi ko kayang mabuhay nang wala ka—pero sinabi nga ng mga kaeskwela natin dati na buntis ka na daw—and I thought it was Jake's baby, kaya nawalan na ako ng pag-asa sa 'yo, kaya sa huli ay ipinaubaya na lang kita sa kanya, kahit halos mamatay-matay na ang puso ko." Nasasalamin sa mga mata ng Daddy niya ang sakit na nararamdaman nito. "But it was all in the past... Peachy... my parents and Mariel were dead now and..."

"We couldn't be together, Joax. Hindi dahil patay na ang mga taong involved sa hindi natin pagkakatuluyan dati ay magkakabalikan na tayo." Sabi ng Mommy niya.

"Pero bakit Mommy?" singit niya.

"I never loved Mariel in the first place at hindi kami nagkaroon ng anak dahil baog siya, until last year ay napag-alaman namin na nasa last stage na siya ng ovarian cancer. You know what was her last word?" hinintay ng Mommy niya ang sasabihin ng Daddy niya. "She was so sorry dahil pinagpilitan niya ang sarili niya na mahalin ko kahit alam pa niyang may mahal na akong iba. And she wished na sana ay muli tayong magkita at muling mabuo ang dati sa atin... I prayed na sana ay maaari pang maibalik ang lahat, at heto na ang chance natin..."

Umiling ang Mommy niya. "Hindi gano'n kadali ang lahat, Joax." Hinila siya ng Mommy niya sa tabi nito. "You can visit Morphine anytime, we need to go." Tuluyan na silang naglakad palabas ng restaurant.

Tahimik silang pumasok sa loob ng sasakyan, saka mabilis na pinaandar ng Mommy niya ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan, hanggang sa siya na din ang bumasag niyon.

"Why? Why couldn't you be together again?" tanong niya. Everything was okay now, pero bakit hindi?

Hindi sumagot ang Mommy niya, kaya hindi na rin siya nagsalita.

NAGULAT si Morphine nang biglang may humila sa kamay niya—it was Kiefer, dahil muntik na pala siyang mahagip ng isang motorsiklo—napatingin siya sa magkahawak nilang kamay.

"Muntik ka na, ano bang iniisip mo at tila nawawala ka sa sarili mo?" kunot-noong tanong nito. "You gave me a shocked." Tila hinihingal ito, mukhang tumakbo pa ito galing sa kung saan para iligtas siya sa motor na 'yon.

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon