5

3.4K 74 1
                                    

"SASAMA ako sa free medical mission nina Mommy sa Sta. Elena sa susunod na araw, kaya hindi ako makakasama sa gala galore niyo." Ani Morphine, vaccant day nila sa susunod na araw at imbes na sasama siya sa pag-gala kasama ng mga kaibigan niya ay sasama na lang siya sa Medical mission ng Mommy niya.

Bukod kasi sa pagtulong sa Mommy niya ay doon na rin siya magsasagawa ng kanyang pangangapanya sa pag-la-like ng status niya sa facebook. Kailangan ay kumilos na siya bago mahuli ang lahat.

"May Medical mission din tayo two weeks from now ah," ani Max.

"I need to gain more likes remember? Saka kailangan din ng tulong ni Mommy since busy ang ibang mga doctors na sana ay makakasama niya, so I'll give her a hand. Bakit hindi na lang kayo sumama sa akin?" nakangiting sabi niya.

"Not a bad idea," sabi naman ni Mhel. "At least madami pa tayong matututunan dahil mga doctors ang kasama natin."

Tumango-tango si Rico. "I agree. Next time na lang tayo lumabas, tulungan na lang natin si Tita Peachy sa medical mission at si Morphine para maka-gain nang maraming likes, sa tingin niyo?" ani Rico sa dalawang nilang kaibigan.

"I'm in!" ani Max. Tumango naman si Mhel.

"VITAMINS po ang isang boteng ito at paalala ko lang po na huwag niyong kaliligtaang uminom nito pagkatapos niyo pong kumain." sabay abot ni Morphine nang hawak niyang isang bote ng gamot sa isang matanda, kasama ang maliit na coupon na may nakasulat na "Everybody knows how to love but few people know how to stay in love with one person forever. I need to get a hundred thousand likes on my FB wallpost—to win a date with my Prince charming. Please like Morphine Reyes' current status on Facebook, just visit . Thanks." "At Lola, pakibigay at ipabasa niyo na rin po ang coupon na 'yan sa mga kakilala niyo pong may mga internet sa kani-kanilang bahay." Nakangiting sabi niya. Tumango at ngumiti ang matanda bago tuluyang umalis.

Nasa Sta. Elena sila para sa Medical mission ng Saint Bernadette Hospital, kasama ang Mommy niya at ilang pang mga kasamahan nito sa trabaho. Napangiti siya, katulad niya ay namumudmod din ang tatlong mga kaibigan niya ng free medicines, foods and coupon.

Free consultation and check up naman ang ginagawa ng ilang mga doctors, kasama na ang Mommy niya na tila mahal na mahal ng lahat ng mga residente doon, palibhasa ay napakabait at approachable nito. Kasama sa pamumudmod ng mga gamot ay may maliit na coupon na naka-attach doon at naglalaman nang pakiusap niyang pag-like sa Fb status niya.

Halos mahigit tatlong oras din sila sa medical mission at talagang napagod silang lahat dahil napakadami ng mga taong nagpunta, pero worth it naman dahil nakatulong na sila sa mga kababayan nila, matutulungan pa siya—dahil sa ipinamudmod nilang coupon.

"So, aside from giving me a hand, you also came here to ask for the people's support in liking your FB status huh," ang nakangiting mukha ng Mommy niya ang nalingunan niya.

Nakaupo siya noon sa isang silya na malayo sa karamihan habang mag-isang nagmemeryenda, abala kasi ang mga kaibigan niya sa pakikipag-usap sa ibang mga doctors na naroon.

"Yes Mom, kailangan kong makakuha ng one hundred thousand likes before the week ends." Aniya.

Magaang tinapik ng Mommy niya ang kanyang pisngi, saka ito ngumiti. "Good luck, then." Anito. Hindi na kasi lihim dito ang buhay pag-ibig niya, dahil open siya dito. At alam din nito na palaban siya pagdating sa gano'ng usapan.

Napangiti siya. "Thanks Mom," she hugged her.

"Wishing you the best."

Nauna nang umalis ang Mommy niya at ang mga kasamahan nito. Salamat at dala ni Rico ang sasakyan nito at ito ang nagsilbing driver nila sa iba't ibang lugar na pinuntahan nila para mamudmod ng coupons, 'di bale ililibre naman niya ang mga ito pagkatapos.

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon