16

3.1K 81 0
                                    


Pero totoo nga kaya ang mga sinabi ni Kevin na may gusto na si Kiefer sa kanya at sinusundan siya nito para magtapat ng pag-ibig nito? Kinilig siya sa isiping 'yon, pero hindi siya pwedeng mag-expect nang sobra, dahil baka sa huli ay masaktan lang siya.

Nang tuluyan na itong makalapit sa kanya ay bigla na lang siyang kinabig nito at niyakap nang mahigpit, na parang hindi sila nagkikita ng ilang taon. Napangiti na rin siya saka gumanti ng yakap dito.

Naramdaman niyang ipinatong nito ang baba nito sa balikat niya, he's six feet and once inch tall samantalang siya ay five four. Ramdam niya ang mabibigat na hiningang pinapakawalan nito—he really looked tired. Hindi pa rin ito nagsasalita dahil abot pa rin nito ang hininga nito, pero okay na okay pa rin sa kanya ang lahat dahil nakayakap ito sa kanya.

"K-Kiefer, may kailangan ka ba sa akin?" siya na ang unang bumasag sa kanilang katamikan. Mabilis naman itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"P-Pwede ba nating subukan?" hinihingal na wika nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "S-Subukan ang alin?" may pagka-malisyosong tanong niya.

Nakita niya itong ngumiti at umiling. "That's why I was having a hard time erasing you from my memory." Naiiling pa rin na sabi nito. "You gave me so much to remember," he smiled. "Loving me wasn't that easy, right? Madalas sinasabi kong busy ako—'yon ay dahil ayokong mapalapit sa 'yo—you know why?"

Umiling siya. "Why?"

"Because I might fall in love with you." Sagot nito. "I tried to avoid you, but I ended up being friends with you. At nagsisisi ako na hindi kita agad kinaibigan, nasayang tuloy ang isang taon na pagbubuntot mo sa akin." Nakangiting sabi nito. "I never get bored whenever I'm with you. Mapapamahal nga lang ako sa pagbili ng anti-dyspesia dahil talagang kakabagin ako sa 'yo sa kakatawa. You're fun to be with, Morphine." Saka ito tumaas-baba ang tingin sa kanya. "And by the way... You look so lovely right now."

Lihim siyang napangiti. Inayusan siya ni Rico at nilagyan nang manipis na make-up. Nakasuot siya ng black above the knee dress with sleeves—simple pero bagay daw sa kanya 'yon.

"So are you." Nakangiting sabi niya.

Hindi pa nila mapapansin na nasa gitna sila ng daan kung wala pang bumusina sa kanila, ni hindi na nga nila napansin na mag-aalas-kuwatro na rin pala ng hapon—hinila siya ni Kiefer sa safe road, sa lilim ng isang malaking puno.

"But it's all worth it—because you already have my heart now, I don't know when it was started but all I know is that I couldn't afford to see you with another man, nasanay na kasi akong ako lang ang lalaking binibigyan mo nang maraming attention. Thank you, Morphine. Thank you for loving me and making me feel this feeling that I've never felt before—yeah, I fell in love with my best friend before at hindi ko namamalayan na unti-unti na siyang nawawala na sa puso ko—dahil ikaw na ang umuukopa no'n."

"Kiefer..."

"You don't need to say or do anything, ako naman ang gagawa at magsasalita ngayon." nakangiting sabi nito, yumuko ito saka mabilis na hinalikan siya sa kanyang mga labi—naramdaman na lang niyang tumulo na ang luha sa kanyang magkabilang pinsgi.

It's like a dream come true! Ang dating pangarap lang niyang mahalin nito ngayon ay nagkatotoo na! Tinapos nito agad ang halik sa kanya, saka nito pinunas ang luha sa kanyang magkabilang pisngi.

"My heart is really funny, you know why?" nangingiting sabi nito, umiling naman siya. "It lives inside me but beats for you."

She smiled. "I love you, Kiefer... I don't say this out of habit; I say this to remind you that you're the best thing that ever happened to me. And you know what, everytime I miss you, I don't need to go far. I just have to look inside my heart because that's where I'll find you."

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon