7

3.2K 83 1
                                    


"GOOD BYE my lucky charm, my makapal na kilay," malungkot na sabi ni Morphine, habang inaahitan ni Rico ang kanyang makapal na kilay. "Hindi bale,tutubo ka pa naman e. Kailangan lang talagang gawin ito para sa ikagaganda natin." Dagdag pa niya.

Narinig niyang tumawa sina Mhel at Max dahil sa pagmo-monologue niya. Nag-desisyon na kasi siyang magpaahit ng kilay at magpaganda para sa date nila ni Kiefer mamaya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung bakit bigla siya nito niyayang mag-date.

Hindi kaya naaawa lang ito sa kanya, kaya siya pinagbigyan? O baka naman he was just sorry dahil sa kamuntikan nang pagtama ng bola sa kanya—gawa ng new friends nito? O baka trip lang nito?

Gayunpaman, masayang-masaya siya at para siyang nanalo sa isang beauty contest dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng moment ni Kiefer, kay tagal na niya itong inasam-asam.

"Hmm... Bakit ka kaya niya biglang niyayang makipag-date?" nagtatakang tanong nina Mhel at Max.

Nagkibit-balikat siya. "Baka na-realize niyang mahal pala niya ako." kinilig tuloy siya bigla sa naisip niya, hindi naman masamang mangarap e.

"O siya, tama na 'yang pag-iilusyon mo, tapos ko nang ahitan 'yan kilay mo, plantsahin naman natin 'yang magulo mong buhok." Natatawang sabi ni Rico, saka nito pinaikot ang swivel chair na kinauupuan niya. Saka nito isinasaksak ang plantsa ng buhok at sinimulang ayusin ang kanyang buhok.

"Salamat, Rico. Kapag kami nagkatuluyan ni Kiefer, ikaw ang brides maid ko." Nakangiting sabi niya.

Natawa si Rico. "Oo na,"

"Unfair ka, paano naman kami?" natatawang sabi din nina Mhel at Max.

"Wala naman kayong naiaambag sa pagpapaganda ko e," biro niya.

"Nandito kami for moral and spiritual supports." Sabi ni Mhel.

"Bakit may spiritual support?" aniya.

"Ano ka ba, ipagdadasal namin kay God na sana kayo ang magkatuluyan ni Kiefer." Anito.

Napa-'awww' tuloy siya sa ka-sweet-an ng mga kaibigan niya. "Samalat guys, ninang kayo sa magiging anak namin." Natatawang biro niya.

Nang matapos na sila sa make-over niya ay umikot siya sa vanity mirror na nasa kanyang harapan at muntik na niyang hindi makilala ang kanyang sarili; straight shiny black hair, maayos na kilay, manipis na make up at lip stick at cute na blue dress—check na check!

Handang-handa na siya sa magiging Sundate—as in Sunday date nila ni Kiefer!

"AMORPHINA, I'm here!" nakangiting kumaway si Kiefer sa kanya and she was stunned for a moment when she laid her eyes off him—he was as gorgeous as ever, with his blue polo shirt and faded jeans.

Napangiti siya, para tuloy silang couple dahil terno sila ng kulay ng damit. Mabilis siyang nakalapit dito, tumayo naman ito saka siya ipinaghila ng upuan, saka uli ito umupo sa harapan niya.

"Pasensya ka na, galing kasi ako sa bahay ng isang kaibigan ko kanina, ang rude ko dahil hindi kita nasundo, parang uulan pa naman kanina." Nakakamot sa ulo na sabi nito.

Umiling-iling siya. "It's okay, masayang-masaya nga ako dahil niyaya mo akong makipag-date sa 'yo. This is so great!" nakangiting sabi niya. "Akala ko hanggang panaginip na lang ako." pinigil niyang huwag masyadong kiligin. "By the way, I was just curious kung bakit bigla mo na lang akong niyayang mag-date, hindi naman nakaabot ng hundred likes ang status ko, naaawa ka lang ba sa akin?" curious na tanong niya.

The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon