LUNCH BREAK. Ang weird pero nakasanayan na yata ni Kiefer na hintayin si Morphine sa labas ng gym nila, dahil every lunch break ay naghihintay ito sa kanya doon na may dalang baon—pero nalibot na ng kanyang mga paningin ang labas ng gym, pero ni anino ni Morphine ay hindi niya makita.
Ang balak nga niya ay ipunin ang lahat ng lunch boxes na ibinibigay nito sa kanya, hanggang sa maubusan ito—para hindi na siya nito ibaunan pa, kasi baka nakakaabala na siya dito, pero ang weird lang dahil hinahanap-hanap naman niya ngayon. Napailing siya.
"Are you waiting for your girlfriend?" nalingunan niya ang nakangiting captain nila na sa basketball team na si Jonathan, saka nito tinapik ang balikat niya.
"She's not my girlfriend, captain." Mabilis na depensa niya.
"Really? Pero bagay kayo, 'tol." Sabi naman ni Angelo.
"Pero hindi yata namin siya nakikita buong araw, so, sa tingin namin ay hinahanap mo siya." Nakangiting segunda ni Jay Jay.
"H-Hindi ah," aniya. But paradoxically speaking, hinahanap-hanap nga niya ang presensya nito. Palibhasa nasanay na siya na lagi itong nasa tabi-tabi lang niya. Ang weird tuloy nang nararamdaman niya dahil parang may kulang sa kanya.
"Wala ka tuloy lunch box, wala ang girlfriend mo e." dugtong pa ni Jhustine.
Hindi na niya pinansin ang mga ito at nagsimula na lang siyang maglakad patungo sa canteen. Katatapos lang ng kanilang practice game nang araw na 'yon at gutom na gutom na siya.
Siya na talaga ang weird! Pagpasok nga niya sa school kanina, si Morphine agad ang unang naisip niya na makita nang umagang 'yon, he just wanna thank her dahil napansin nito ang pagkalaglag ng rosary na ibinigay pa ng Papa ni Sasa sa kanya—para maging gabay niya sa pang-araw-araw. Lucky charm niya 'yon, pakiramdam kasi niya ay safe siya kapag lagi niyang dala-dala 'yon.
Hindi niya napansin na sa pagtakbo niya ay nahulog 'yon mula sa bulsa niya, marahil pumaibabaw 'yon sa bulsa niya nang dumukot siya ng pera sa bulsa niya kanina. Hindi na niya napansin.
Nang makarating siya sa canteen ay mabilis siyang nag-order ng pagkain niya at naupo sa reserved table for the varsity players of basketball. Naroon na din noon ang ilan pang mga kasamahan niya sa team na nagsimula nang kumain.
"Wala ka yatang lunchbox from the girl who always chases you—"
"She has a name—Morphine." Kunot-noong imporma niya kay Angelo.
"Oh! Chillax bro, wala namang umaaway sa 'yo e." taas-kamay na sabi ni Angelo.
Hindi niya alam kung bakit siya bigla siyang napipikon! Dahil ba disappointed siyang hindi nakita si Morphine? O dahil bigla na lang niyang na-miss ang luto nitong hindi niya minsan maintindihan kung maalat ba o matamis? O dahil sa pantutukoy ng isa sa mga kasamahan niya kay Morphine na 'the girl who always chases you', hindi niya alam—o baka nami-miss na niya.
No! Kontra ng isipan niya. Palibhasa, gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ito, tulad ni Mikaela ay may calming effect ito sa kanya. At bukod sa best friend niya—isa din si Morphine sa nakaka-occupy ng isipan niya, lately.
Hindi na ito tama! Kontra uli ng isipan niya.
"Kawawa naman si Morphine, 'no? May sakit! Wala man lang nag-aalaga sa kanya ngayon sa bahay nila. Paano kung matuluyan na 'yon?"
Mabilis siyang napalingon sa narinig niyang nagsalita sa likuran niya—lalo pa no'ng sambitin nito ang pangalan ni Morphine. Ang tatlong mga kaibigan pala ni Morphine. Mabilis siyang napatayo para lapitan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)
Novela JuvenilPapatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love niyang si Kiefer Isaac! <3 (Inspired by Kiefer Isaac Ravena)