"NINE THOUSAND one hundred three likes." Napabuga ng hangin si Morphine habang tinititigan niya ang kanyang mga likes sa Fb status niya. Napakalayo pa sa katotohanan at mukhang kahit gaano pa niya itaas ang paniniwala niya na makakahabol siya ng hundred likes sa itinakdang oras, mukhang wala na talagang pag-asa.
Napangalumbaba siya sa mesa saka napailing, she is hopeless! Kailangan na yata niyang tanggapin ang magiging kapalaran niya—na kailanman ay hindi na siya magkakaroon ng chance na maka-date si Kiefer her love, mukhang sa panaginip na lang yata mangyayari ang pangarap niyang 'yon.
"Hey, cheer up! Parang hindi ka naman si Amorphina niyan e." Ani Rico sa kanya.
"Hey, don't call me that name," walang ka-ener-energy na sabi niya. Today, she don't feel like doing anything, she just want to lie in her bed—she feels so lazy.
"Oo nga naman Morphs. Baka hindi talaga kayo ang itinadhana ni Kiefs at may tamang lalaki na nakalaan para sa 'yo." Ani Max.
Nagulat ang lahat, kasali na ang mga tao sa canteen nang bigla na lang niyang hampasin ang mesa sa kanyang harapan.
"Siya lang ang lalaking itinadhana sa akin, wala ng iba!" aniya.
Napailing ang tatlo. "O siya, kung 'yan ang paniniwala mo, push mo 'yan teh!" ani Mhel.
"Pero Morphs my dear, bukas na ang huling araw ng palugit mo sa likes, at heto hindi ka man lang umabot ng twenty thousand likes, samantalang halos malibot na natin ang lahat ng lugar dito sa Manila para mamudmod ng coupon para i-like ang status mo." Ani Rico.
Muli ay nangalumbaba na naman siya. She feels like crying again. Sa buong buhay niya, ngayon pa lang siya nakakaramdam ng pagkatalo, hindi pala laging nasa side niya ang swerte. Napailing siya.
"What's so good about Kiefer Isaac Sandejas at patay na patay ka sa kanya? Bukod sa isa siya sa pinaka-cute at popular dito sa School." ani Max
Nag-angat siya ng tingin para tumingin sa kawalan—pero nasa loob pala siya ng canteen, kaya kisame ang nakikita niya, pero ipinalagay na lang niyang gabi at may mga bituin doon. Napabuga siya ng hangin.
"How can you forget someone, who gave you so much to remember; his smiles, his dimples, his basketball moves and his whole existence? Me without Kiefer is like—Facebook without friends, youtube without videos and google with no results. Bakit ba malaki ang pagkagusto ko sa kanya? I don't know or maybe because I just couldn't stop liking him—no, loving him, even if I force myself to."
"My God, malala na talaga ang tama mo sa lalaking 'yon Morphs. I'd never imagine na darating ang araw na katulad nito, you—na super in love sa isang lalaki."
"I once told you guys that, kapag dumating 'yong time na naramdaman ko nang dumating si true love, I would chase him at ipaglalaban ko siya sa kahit sino pa man, kaya ngayon nakita ko na siya, hindi ko na siya pakakawalan pa." pahayag niya.
Bumaling siya sa tatlong mga kaibigan niya, na noon ay tila namamangha sa ipinapaikita niyang dedikasyon sa kanyang pagmamahal.
"Ano na ang gagawin mo kung hindi ka mahabol sa quota mong likes?" tanong ni Rico.
Bumuga siya ng hangin. "Siguro, magre-rest muna ako saglit sa paghahabol sa kanya. Tapos resume after a day."
Natawa ang mga kaibigan niya. "After a day? Parang ang tagal no'n ah," natatawa pa ring sabi ni Mhel.
"'Uy, matagal na 'yon para sa akin, 'no! Isang oras nga lang na hindi ko siya makita, halos ma-miss ko na siya nang sobra." Aniya.
"Kaya ba may photo frame ka niya sa kuwarto mo?" nakangiting sabi ni Rico.
![](https://img.wattpad.com/cover/144177887-288-k896174.jpg)
BINABASA MO ANG
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)
Teen FictionPapatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love niyang si Kiefer Isaac! <3 (Inspired by Kiefer Isaac Ravena)